After ng program sa wedding nina Hanagata at Laila nag uwian na ang mga guest. Nagpaalam sila Mitsui at Haruko, Miyagi at Ayako at sina Hanamichi at Kumi sa isat isa.
"Hanamichi ninong ka ng baby namen ha. Update kita pag nanganak na si Ayako." Sabi ni Miyagi
"Okay Miyagi, ingatan mo si Ayako at ang magiging inaanak ko. Tama na ang kapilyuhan mo." Nakangiting sabi ni Hanamichi
Tumango naman si Miyagi at saka umalis kasama ni Ayako.
"Hanamichi mauna na kame ni Haruko, ihahatid ko pa sya, alam mo na si Gori. Baka mabukulan pa ako, mahirap na." Bulong ni Mitsui
"Okey Mitsui ingatan mo si Haruko my loves. Matagal kong pinantasya yan kaya wag na wag mk syang sasaktan. Wahahaha" pang aasar ni Hanamichi
"Nakuh ikaw talaga Sakuragi, may sapi ka nanam. Wag kang mag alala hindi ko sasaktan si Haruko at aalagaan ko sya. Ingat ka lagi Tol." sabi ni Mitsui at umalis na din kasama si Haruko
Humarap si Hanamichi kay Kumi "At ikaw Boss? Anong plano mo? " tanong ni Hanamichi kay Kumi
"Wala" sagot ni Kumi at namula nanaman ang mukha
"Wala? Ang boring naman non. Alam ko na." nakangiting sabi ni Hanamichi
"Ano naman yun?" tanong ni Kumi
"Tara magtanan na tayo, para masaya, ahahahah" sabi ni Hanamichi
"Ikaw talaga puro ka kalokohan, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita trip mo nanaman ako, puro pang aalaska nanaman ang gagawin mo saken. " inis na sabi ni Kumi
" Sorry na Boss" sabi ni Hanamichi
"Ewan ko sayo, lagi ka na lang ganyan." inis na sagot ni Kumi
"Boss pede bang magkwento ako sayo? Hindi mo pa ako tinatanong kung bakit ako bumalik dito. Kung okay lang sayo at kung may time ka?" seryosong tanong ni Hanamichi
"May time ako lagi lalo na para sayo. Tara may malapit ditong park, dun tayo mag usap." Pag aaya ni Kumi at hinawakan ang kamay ni Hanamichi. Pumunta sila sa park at naupo sa damohan.
"Boss sorry, iniwan kita dito. Naging makasarili ako. Sarili ko lang ang inisip ko, sarili kong kaligayahan. Dapat nakita ko yung sobrang pagmamahal mo saken dati na handa mong igive up ang sarili mong feelings para lang maging masaya ako. Si Ivy mahal nya lang ako sa salita pero kahit minsan di nya iyon napatunayan at naiparamdam saken. Akala ko pag nagkasama kami magiging masata kami. Pero lagi syang busy, lagi nya kong pinapaasa, lagi nya akong pinagmumukang tanga. Wala syang time saken." Umiiyak na kwento ni Hanamichi kay Kumi
"Ako ang may gustong gawen yun, ang igive up ang feelings ko para maging masaya ka, pag masaya ka masaya na din ako. Ganon kita kamahal, handa akong gawin ang kahit ano sumaya ka lang." Sabi ni Kumi
"Boss ang sama sama ko na. Naging babaero ako. Nung nandun ako para lang maging masaya ako kung sino sinong babae ang nilalandi ko. Hindi ko na nga maalala kung sino sino sila. Basta makuha ko lang yung atensyon na di maibigay ni Ivy. Para maging masaya lang ako.." Sabi ni Hanamichi na umiiyak pa rin
Nakikinig lang si Kumi.
"Yung final game namen laro ko yun para kay Ivy, akala ko magiging proud sya saken. Nangako sya na manonood sya kaya tuwang tuwa ako pero hindi sya nanood. Dun ko totally narealized na hindi ako kasama sa priorities nya. Na hindi ako mahalaga sa kanya. Ang sakit sobra." Sabi ni Hanamichi
"Nalulungkot ako para sayo Hanamichi. Hindi pala naging masaya ang end up nyo ni Ate Ivy? Kaya ka umuwi dito sa Japan?" Tanong ni Kumi
Tumango lang si Hanamichi at yumakap kay Kumi. "Sa bawat araw na binabaliwala nya ko sobrang sakut at lungkot ang nararamdaman ko. Kaya nagpasya akong umuwi na dito. Nakipaghiwalay ako sa kanya para hindi na kame mag away at magkasakitan pa. " sabi ni Hanamichi
"Sa tuwing nag aaway kame namimiss kita, iniisip ko laging umuwi, pero yung scholarship ko na pinaghirapan mo ang pumipigil saken. Kaya nung nagka extension dito ang university ipinaayos ko agad ang papers ko." Sabi ni Hanamichi
"Hindi ka na aalis? Dito ka na lang?" Tanong ni Kumi
"Kasali ang team sa CCAA kaya aalus ulit ako. Babalik ako sa Canada pag may laro ang team, kahit dito na ko mag aaral sa Japan maglalaro pa rin ako para sa team ko sa Canada." sagot ni Hanamichi
"Akala ko di ka na aalis. Akala ko dito ka na lang. Akala ko di mo na ko iiwan." Tanong ni Kumi
"Hindi naman kita iniwan. Lumayo man ako, iba man ang kasama ko dun, lagi kang nasa puso ko. Ikaw kumusta ka, ķumusta kayo ni Rukawa" tanong ni Hanamichi
"Naging kame ni Rukawa, okay naman nung una. Pero ang boring. Hindi nya nga ako hinahawakan man lang, hug and kisses napakadalang. Tapos nakipagbreak sya saken para makapagfocus sa laro." Sagot ni Kumi
After magsalita ni Kumi, nakayakap pa rin si Hanamichi kanya nabalot sila ng matagal na katahimikan.
"Pwede pa kaya? Gusto nya pa kaya ako? Pagbigyan nya kaya ako, gusto kong ibalik yung masaya nameng pagmamahalan dati." tanong ni Hanamichi sa sarili
"Pwede pa kaya? Mahal nya pa kaya si Ate Ivy? Gusto pa kaya nya ako? Sana pareho kami ng iniisip at nararamdaman." tanong din ni Kumi sa sarili nya.
Bumitaw sa pagkakayakap si Hanamichi, tiningnan nya si Kumi sa mga mata nito. Then he kiss Kumi sa lips and Kumi kiss him back passionately. As tgey kiss ramdam na ramdam nilang na miss nila ang isat isa na parang ayaw na nilang maghiwalay. Yinakap ni Kumi si Hanamichi at ganon din si Hanamichi kay Kumi. After that passionate kiss, nagbitaw sila at ngumiti sa isat isa. Tumayo na si Hanamichi at tinulungang tumayo si Kumi.
"Namiss kita Boss, tara uwi na tayo." Sabi ni Hanamichi
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 2
FanfictionDahil po gusto nyo ng Book 2 ito na po....