Mula ng pumasok si Hanamichi sa Japan Campus extension school ng Montreal International, mainit na ang dugo sa kanya ni Ryan team captain ng basketball.
"Dapat maturuan ng leksyon ang mayabang at pasikat na yun. Isa syang malaking sagabal sa landas ko." Sabi ni Ryan
"Mayabang nga sya. Akala mo kung sino, palibhasa player ng main university at boyfriend pa sya ng crush mo captain" sabi ni Alex
"Mawawala din sya sa landas ko." sabi ni Ryan
"Bakit captain anong binabalak mo?" Tanong ni Alex
"Madali lang mapatalsik ang mga scholar si dito sa university, kailangan lang ng away. Bukod sa mawawala sya dito hindi na din sya makakapaglaro ng basketball kahit kailan. At mangyayare yun ngayon." Sabi ni Ryan
Naglalakad si Hanamichi pauwi after nyang ihatid si Kumi. Ilang kanto na lang mula sa condong tinutuluyan nya nang may limang lalaking pumalibot sa kanya. May dala ang mga itong tubo at baseball bat. Dahilan para mapahinto sya.
"Ikaw ba si Hanamichi Sakuragi?" tanong nung lalaking may hawak na baseball bat
"Oo ako nga, may problema ba tayo?" sagot ni Hanamichi
"Aba mayabang ka, kilala ka namen galing ka sa Kanagawa at alam namen na magaling ka sa bakbakan, pero ngayon nag iisa ka lang. Tingman naten yang yabang mo?" sabi nung isa pang lalaki
"Ano to? Hindi ako pwedeng makipag away, mawawala scholarship ko, pag di naman ako lumaban baka mamatay ako. Pano na to?" Sabi ni Hanamichi sa sarili nya
"Ano mayabang? Paano ka ngayon? Ito na ang katapusan mo." Sabi pa nung isa na may hawak na tubo
Akmang papaluin na si Hanamichi ng tubo sa ulo ng isa sa mga lalaking iyon, ng may mga lalaking dumating at pumalibot sa kanila. Nasa 30 mga lalaki iyon.
"Kailangan nyo munang mapatumba ang mga iyan bago nyo magalaw ang coach namen." Sabi ni Ian isang first year na kasali din sa basketball team
"Ian" sabi ni Hanamichi at nakahinga ng maluwag
"Coach narinig ko ang balak sayo ni Captain kaya tinawagan ko mga tropa ko. And here they are. " Sabi ni Ian
Natakot ang limang may balak na masama kay Hanamichi at nagtakbuhang palayo. Hindi natuloy ang masamang balak ni Ryan kay Hanamichi.
"Salamat Ian, hindi ko alam gagawen ko kung hindi kayo dumating. Muntik na kong mamatay dun." Pasasalamat ni Hanamichi
"Wala yun coach, kawalan samen pag hindi mo kame naturuan. Coach sila nga pala ang mga tropa ko. At handa silang tulungan ako ano mang oras na kailanganin ko sila." Pagpapakilala ni Ian
"Salamat sa inyo. Malaki ang utang na loob ko sa inyong lahat." Sabi ni Hanamichi
"ipapa alam ba naten sa school ang nangyare coach? " tanong ni Ian
"Maduming lumaban si Ryan. Pero hindi na,baka lalo syang magalit saken. Ayoko din maapektohan ang basketball team. Papalampasin ko ito ngayon, pero wag na sana nyang ulitin." Sagot ni Hanamichi
Condo Unit
Umuwi na si Hanamichi at nahiga, bigla nyang naisip...
"Pano kung hindi dumating sina Ian, edi patay na ko ngayon." Sabi ni Hanamichi sa sarili, kinuha nya ang phone nya
"Boss.." chat from Hanamichi
"Yes? Can't sleep?" chat from Kumi
"Miss kasi kita" chat from Hanamichi
"Hey 1 hour palang tayong naghiwalay, miss agad? Baka kiligin ako nyan." chat from Kumi
"Pano kung namatay ako ngayon, mamimiss mo ko?" chat from Hanamichi
"Hehe hindi ka mamamatay, masamang damo ka kasi. Lakas mo kayang mang alakas." chat from Kumi
"Awts naman. It hurts ha, pero miss mo ko ngayon?" chat from Hanamichi
"Oo" chat from Kumi
"Ay parang napipilitan." Chat from Hanamichi
"ang demanding ha, oo miss kita.." chat from Kumi
"Alam mo nung bumalik ako narealized ko na mahal na mahal kita. Boss pag ba nanligaw ako papayag ka? may pag asa ako?" chat from Hanamichi
Nagpagulong gulong si Kumi sa kama nya sa sobrang kilig, ng bigla syang may maalala...
"Ammmm pwede mag ask ng question?" chat from Kumi
"Ano yun Boss... oo mahal kita... I love you.." chat from Hanamichi
"Sira hindi yun. Namimiss mo ba si Ate Ivy?" chat from Kumi
"Si Ivy, may mga email sya saken pero di ko inoopen. Simula nung umuwi ako dito hindi ko sya naiisip, ibig sabihin hindi ko sya namimiss.." sabi ni Hanamichi sa isip nya
"Boss pagkasama kita masaya ako, pag iniisip kita masaya ako, kaya wala na akong time mamiss ang iba.. kasi ikaw lang sapat na..." chat from Hanamichi
Nagtatalon si Kumi sa sobrang kilig at nalimutan ng magchat back kay Hanamichi
1minute
2 minutes
5 minutes
"Ay kung kailan ako seryoso, tinulugan naman ako." Sabi ni Hanamichi sa sarili...
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 2
FanfictionDahil po gusto nyo ng Book 2 ito na po....