Tuwang tuwa si Kumi dahil naka-private jet sila ni Hanamichi pabalik sa Japan. Hindi nya inaasahan na mag eeffort ng ganito si Hanamichi para mapasaya sya.
"Siguro mas mahal ka talaga ni Daddy kaysa saken, palibhasa wala syang anak na lalaki. Kaya gustong gusto ka nya, tapos basketball player din sya nung kabataan nya tulad mo." sabi ni Kumi
"Bakit mo naman nasabi yan Boss?" tanong ni Hanamichi
"Kasi pumayag sya sa paalam mong paggamit nitong private jet, kasi dati pa akong nagrerequest nito, di ako payagan." Inis na sabi ni Kumi
"Hindi naman ganon yun. Ikaw ang pinaka mahalaga sa kanila. Ikaw ang nag iisa nilang prinsesa. At hiniling ko na ito kay Tito nung araw na nalaman kong nandito ka din sa Canada." Sabi ni Hanamichi
"Ako prinsesa, hindi ah. Pinalaki nila ako sa tamang paraan. Hindi nila ako pinalaki sa luho. Kahit kaya nilang ibigay sa akin ang higit pa sa aking pangangailangan, ang ibinibigay lang nila ay yung sapat o tama lang. Para matutunan kong bigyang halaga ang kahit pinakamaliit na bagay." Sabi ni Kumi
"Okey sabi mo eh. Kaya pala nakita mo ang halaga ko, kahit miserable ang buhay ko dati. Ehehehehhe" sagot ni Hanamichi
"Bakit ganyan sagot mo, nakaka inis ka ha. Una kitang nakita sa laro nyo ng Shoyo, may naramdaman na akonh hindi ko maipaliwanag. Gustong gusto na kita makilala non pero napaka ilap mo. Kaya wag kang mang inis dyan." Inis na sabi ni Kumi
"Chill Boss, hindi ako lalaban. Takot ako sayo, baka iwan mo ko. Pagginawa mo yun mamamatay ako." sabi ni Hanamichi
"Huh ewan ko sayo, hindi ka mamamatay. Masamang damo ka." sabi ni Kumi
"Boss meron ka ba? Ang init ata ng ulo mo saken? Wag ka ng mainis dyan, hindi ka pa ba sanay sa mga pang aalaska ko sayo." tanong ni Hanamichi
"Nakakainis ka talaga, hindi talaga buo ang araw mo ng hindi mo ako inaalaska. Akala ko magiging romantic ang trip na ito, pero inaalaska mo pa rin ako!" Inis na sabi ni Kumi at na upo na, hindi nya kinausap si Hanamichi
"Bakit ba sya nagalit? Ano bang ginawa ko? Akala ko kani okay kami at tuwang tuwa sya. Bakit nagkaganito?"Tanong ni Hanamichi sa sarili
"Gusto ko lang namang lambingin mo ko. Gusto kang maging sweet ka, gusto ko ding pag usapan yung about sa sinabi mo kagabing gusto mo akong pakasalan. Pero puro ka pang aalaska. Nakaka inis ka!" Sabi ni Kumis a isip nya
Dahil hindi alam ni Hanamichi ang gagawen, kaya natulog na lang ito.
"Hindi nya na ako inansin, pagkinulit ko naman sya baka lalo syang mainis saken. Matutulog na lang muna ako para lumipas ang galit nya." Sabi ni Hanamichi sa isip nya
"Grabe nakakainis, tinulugan ako. Gusto kitang hambalusin dyan, pero ang gwapo gwapo mo habang tulog ka. Ang sarap mong pagmasdan, sige hahayaan kitang matulog. Matutulog na lang din ako. " inis na sabi ni Kumi sa sarili
Nagising si Hanamichi at nakita nya ang natutulog na si Kumi, nilagyan nya ito ng kulot at pinagmasdan.
"Boss mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa akin, bakit ako ang gusto mo? Bakit ako ang minahal mo? Mayaman ka, maganda, matalino at mabait, pero bakit ako, isang gung gong na basagulero. Napakaswerte ko to have you. Ngayon alam ko na ang porpose ko sa buhay at yun ay ang pasayahin, alagaan at mahalin ka Boss" sabi ni Hanamichi habang nakatiig kay Kumi
Maya maya pa nagising na si Kumi, nang imulat nya ang mga mata nya, nakita nya si Hanamichi na nakatitig sa kanya. Bigla syang namula at nakaramdam ng kilig.
BINABASA MO ANG
Hanamichi Sakuragi's 51st Heartache Book 2
FanfictionDahil po gusto nyo ng Book 2 ito na po....