Chapter 2: You are not her

31 7 0
                                    

Raya/Dain.

Ang sakit ng ulo ko!! Hindi na ako natutuwa!

Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng University. Ilang oras na ba mag mula nang makapasok ako rito? Iniwan ako ni Ira, ang babae kanina sa front gate.

Binalikan ko ang dinaanan namin kanina pero wala na iyong gate. Sigurado akong hindi ako nagkamali ng balik kasi binilang ko kada hakbang namin at ultimo ang mga nilikuan ay kalkulado ko pero nang bumalik ako para umalis na biglang naglaho ang gates!! Wala na siya doon!

Isa lang ang masasabi ko ngayon, putragis! Ako, ay ang depinisyon ng salitang ligaw na baliw. Gusto ko nalang maiyak, pano na ako uuwi nito! Putakteng libro kasing iyon eh. Mamaya ka talaga saaking libro ka, pupunitin talaga kita!

“Kanina ka pa namin napapansin, Miss. First time mo ba rito?”

My brows shot up, nilahadan niya ako ng pagkain. I looked around and noticed that everyone was looking at the two of us.

Putragis, ano 'to? Social experiment?! Hindi ako pulubi 'teh, sapokin kita diyan eh!

“Gaga! Si Dain 'yan. Iyong iniwan ni Zerkus kahapon lang,” sabi ng hindi ko kilala sa gilid na sinabayan nila ng tawanan.

Klarong-klaro ang bulungan at tawanan nila sa paligid na halos mabingi ako. Wow naman parang wala ako sa harapan nila ah? Pag ako talaga makalabas sa eskwelahang 'to tutustahin ko ito kasama kayo!

“Dain Amora!!” umalingaw-ngaw ang sigaw na iyon sa buong school. Sino bang sumigaw no'n? Naka lunok ba ng megaphone 'yon? Lakas ng boses.

Sinamaan ko ng tingin iyong babaeng naglahad saakin ng pagkain, nagkibit balikat naman siya at umalis na sa harapan ko. Yan, ganiyan dapat! Madali naman palang kausap.

Nang makaalis siya saka ko lang nailabas ang hanging kanina ko pa pinipigilang lumabas maglalakad na sana ulit paalis nang may biglang pumalo agad sa likod ko ng napakalakas. Pesteng yawa, ang sakit! Muntik na akong tumalsik, buti nalang nakabawi ako at nahawakan ang balance ko!

Putakte. Lord, sinusubukan mo po ba ako? Kanina pwet tapos ngayon likod naman? Kung sino man itong pumalo saakin paniguraduhin niyang mas mahal pa sa palo niya sa likod ko ang sasabihin niya kung hindi ay talagang magsusubukan kami!

“Dain Amora!!” muling sigaw niya pero sa pagkakataong ito sa mukha ko na. PU.TAM-- nakakadiri!! Tumalsik ang laway niya sa mukha ko, takte!

Naiiyak na 'ko. Hindi ko na nagugustuhan ang pangyayari ngayon. Gusto ko ng umuwi!!

“Hoy!!” tinapik niya ako sa mukha. The moment her hand touched my face, I smelled the perfume I hate the most. Pleaseee, tigil naaa, ayoko naaa!

Hindi ako gumalaw. Nanghihina ako sakaniya palang. Drained agad ang energy ko dahil lahat ng pet peeves ko ay nasa kaniya na ata!

May naramdaman akong kamay na tumaas sa ere malapit sa mukha ko. Putragis, tatapikin na naman ako nito? Sino ba 'to? takte talaga! Bago pa man lumapat ulit ang kamay niya sa mukha ko umilag na ako at malakas na pinalo ang kamay niya. pesteng yawa! Nag vibrate ang bones ko nang paluin ko ang kamay niya, tangina, buto pa nga niya ang napalo ko! 

“Takte, Miss. Ang baho mo, mahiya ka nga,” naiirita kong ani. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nalang mag tapon ng mga gamit sa totoo lang.

CALEIA UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon