Chapter 9: Real or Dream?

12 1 0
                                    

“Festival? What's this?” I took out the letter and read it out loud. Found this on my rooms door step. Sino naman kayang nag lagay nito rito? Si Ira ba o si Treasia? Baka si Ira, siya lang naman ang member ng isang booth saaming tatlo.

Greetings, Dain!
You are invited to our booth with everything in free. Please do come at the near Gymnatoruim where our booth is located.

Anong booth? Anong klaseng booth ba 'to? Hindi na mention dito.

“Alis na 'ko, Dain-”

“Teka muna,” tumigil siya nang pinatigil ko. Pinakita ko sakaniya ang letter, “Anong booth ba 'to? Hindi na mention dito kung ano eh,” sabi ko sabay lahad sakaniya ng paper. Lumapit siya saakin at binasa rin ang nakalagay doon. Nangunot ang noo niya kaya nag taka ako.

“Wedding booth?” ano? “I think this is wedding booth. Look at this silk or the texture of the paper, it's a paper for wedding invitations. I got one of these last year too.”

“Ano? So hindi ikaw ang nag lagay niyan sa pinto ko?” umiling siya at nilapag ang papel. Inayos niya ang bag sa kaniyang balikat at ang kaniyang buhok bago sumagot.

“Hindi. Hindi nga ako kasali sa mga may booths taga monitor lang ako kung maayos ang takbo ng mga iyon. Baka si Ira. Ang alam ko kasali siya sa isang booth, possibleng siya ang naglagay niyan.”

“Sige, thank you. Pwede ka ng umalis.”

“Try mong pumunta, beb. Mag enjoy ka naman, parang lagi ka nalang wala sa sarili mo these days.” sinong hindi mawawala sa sarili kung andito ako sa tanginang lugar na 'to? Like hello, super unfamiliar ng mundong 'to saakin ni hindi ako masanay-sanay sa tuwing may nant-trip saakin diyan eh. Kung hindi sa takteng feather ni Xavier baka hindi na talaga ako humihinga ngayon.

Kumibit ako ng balikat at pumasok na sa kwarto. Whole week walang pasok dahil may festival sa school. Hindi ko alam kung anong festival 'yon basta wala akong pake at wala akong balak na pumunta dahil baka may mang-trip na naman saakin sa daan.

Bumuntong hininga ako at tinignan ulit ang sulat. Wedding booth? Kanino naman? Kanino naman ako ikakasal sa booth na 'yon kung sakali? Boring din naman sa dorm, siguro okay lang naman kung titignan koang booth na 'to? I'm super curious at this one. Ano kayang mayroon dito?

Tumayo ako at nag-ayo. I tried to call Ira to ask but she did not answer kaya naman ipinagkibit balikat ko nalang iyon at nag patuloy sa pag-aayos ng sarili hindi ko na mabilang kung pang ilang araw ko na ito rito pero one thing is for sure, hindi ako natutuwa sa mundong 'to. Too much questions and most of those are unanswered. After that day, the introductions of Xavier friends parang iniiwasan ako ng lalaking iyon. Yes, hindi pa rin niya sinasabi saakin ang sinabi niyang 'I will tell you after the meeting.' Pero patuloy ako sa pag stalk sakaniya. I found different things about that person just like how he is related to the Dean of this school and how often he visits the library. Aside from that I discovered he possess another magic. Anothee ability. The air. I saw him practicing skill using that magic, kaya hindi ako nagkakamali.

“Dain, where are you?” I took a deep sigh when I heard his voice in my head the moment I stepped in my door step.

“What? What do you want?” tumigil ako at sumandal sa pintuan ng kwarto ko. Wala ng tao sa dorm. Ako nalang dahil kaalis nga lang ni Treasia.

“You received an invitation?” napatayo ako ng maayos nang madinig ang sinabi niya. Tinignan ko ang hawak, this is a wedding invitation with Xavier? What the fuck?

CALEIA UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon