Chapter 5: Feather

31 4 0
                                    

“Dain's part of the councils?” agad na tanong ko kay Xavier nang makaalis si Ira para sagutin ang kanina pang nagri-ring niyang phone.

“Yeah,” I was not expecting this nerd to be part of the said council pero anong mayroon sa council? Basing from Ira's question earlier the council has control or some sort of power to the students? Or are they people who possesses the most powerful powers?

“Anong meron sa councils?” I am too curious that I cannot stop my mouth from asking. This could harm me but really, I have to know everything or kahit na iyong mga importanting mga bagay na maaari kong magamit at iwasan.

“What's your name?” nangunot ang noo ko.

“Dain,” I answered. He took some deep breaths again like his patience is running out. Tama naman, ah? My name's Dain in this world!

“Tama naman, ah? My name is Dain? Bakit ano bang pangalan ko bukod sa Dain, ha?!”

“Are you dumb?” nakakainsulto 'to ah?

“Gago ka ba?”

“I meant your real name! Your soul's name if you still don't get it, dumb!” iritado na niyang ani. Parang tanga rin kasi hindi nalang dineretso, malamang automatic na 'Dain' ang isasagot ko kung hindi naman klaro ang tanong niya!

Kalahating tanga ka rin kasi eh. Bat kasi hindi mo kinaklaro. Raya! My name's Raya, okay na?” iritado agad, ang gwapong tao pero pinaglihi naman sa sama ng loob.

“A meeting with the councils will take place at 4 AM tomorrow. You have to be there. There will be a verdict for you,” hatol para saan? Wala naman akong nilalabag na batas ah? Or wala nga ba? Pero teka nga, bakit 4 am?

“Ang aga naman ng meeting na 'yan. 4 am talaga?”

“If you don't want to be toasted I suggest for you to just obey,” hindi naman ako mag di-disobey. Bawal bang mag tanong kasi 4 am talaga? Sinong mga baliw na school student councils ang mag-me-meeting ng gano'ng oras? Sino pa ba? edi councils nila rito.

Enlight--” I wasn't even able to finish my word when he once again disappeared. My teleportation din sila rito! Ikalawang beses na niya 'tong ginagawa! But a meeting with the councils? Bakit councils? Where is the Dean or the School Principal? Anong mayroon sa council nila? Pero takteng lalaking 'yon ah? Bigla nalang naglalaho nang hindi manlang nagpapaliwanag saakin ng klaro!  Tangina, wala man lang akong clue kung anong dapat at mga hindi ko dapat gawin para hindi ma-offend ang council kagaya ng pagkaka-offend nung langhiyang Idro na 'yon na hindi ko naman alam ang dahilan!

“Miss Sienna--” nabalik ako sa wisyo nang pumasok si Ira. I should ask Ira. Alam na niya ang totoo, alam kong matutulungan niya ako sa mga ganitong bagay. Dapat na akong mag tanong. I can't always be kept in the dark especially in this kind of situation, I have the right to know.

“Asan na si Xavier, Miss Sienna? Hindi ko napansing lumabas, ah?”

“Nag teleport,” her forehead creased. Tama naman diba? Nag teleport siya-- wait, teleportation ba ang tawag din nila sa gano'n dito? Nako, naman!

“S-seryoso ba, Miss Sienna?” ngayon naman ako na ang nangunot ang noo. Bakit? Mukha ba akong nagbibiro? Totoo ngang nag teleport 'yon, ah? Alangan namang namalikmata lang ako eh harap-harapan siyang naglalaho?

“Mukha ba akong nagbibiro, Ira?” mukha na ba akong joke ngayon? Porke hindi 'yong totoong Dain ginaganito na niya? Aba naman! Bakit? Anong meron?” umalis siya at may tinignan na kung ano sa paligid pagkatapos ay lumapit sa pinto at ni lock iyon. Suspicious. What is happening here?

CALEIA UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon