Chapter 8: Holding Hands

17 2 0
                                    

Tangina, ano daw? Tinitigan ko siya sa mata, nakangiti ang mga iyon. He's a really good looking, obvious naman. Hindi magkakagusto rito ang isang Raya Agasse kung hindi.

"Nangangalay na braso ni Master, Missma'am, " ramdam ko ang ngiti na nakaplastar sa mukha ng taong nagsabi niyon. Hindi ko matignan kung sino dahil busy ako kakatitig kay Xavier. Magtigil sabi, Raya! I imaginarily shook my head to remove those thoughts that could hinder what I am currently doing right now. Focus, Raya. Please! Wait.... come to think of it, this is a good opportunity! Maaari ko siyang mabuntunan ng hindi sila nagdududa kung sakaling girlfriend niya ako! Damn, I'm that smart? I flipped my hair, of course in my head.

I took his hand flirtingly that made him chuckle. Damn, smexy. Pilit akong ngumisi kunyari hindi naapektuhan sa pag chuckle niya. Kalma, Raya! Tumawa lang ng marahan pata ka ng nababaliw. Dinig na dinig ko ang pagtibok ng puso ko at pakiramdam ko namamanhid ang kamay ko dahil sa panginginig.

"A-anong boyfriend ka diyan! Hoy, hindi ako easy to get 'no!" 'Yan! Tama ang ganiyang galawan, Raya. Ganiyan dapat lagi. Kunyari hindi ko muna tanggap. Kailangang magpakipot muna! Easy to get na ang tingin ng halos lahat ng tap kay Dain dito, dapat ko rin iyong baguhin.

"Dali na, ipakilala mo na sa'kin! Tignan mo oh, parang tayo ang pinag-uusapan kanina pa nagbubulong-"

"Will you stop gossiping, we're here, come on. Ask away," pagpuputol niya sa sinabi ko. Hinila ko ang kamay ko mula sa handshake namin kanina pero hindi niya ako hinayaang mabawi iyon. Instead, he intertwined our fingers. What the fuck? Is he this flirty? Nakakapanindig balahibo! Nilagay niya sa lap niya ang kamay naming dalawa pagkatapos ay pinatupang pa ng isa niyang kamay ang kamay kong hawak na niya. Why is he suddenly this...uhmmm....showy?

Nilingon ko ang mga kaklase namin, including his friends na mabilis na nagsilapitan saakin at sunod-sunod na nag tanong, but of course if it's related to me being a soul shifter mahihina ang boses nilang nagtatanong.

"Did you feel anything when the book dragged you?--"

"Is it fun in your world?"

"Alam mo ba kung bakit ka na andito?"

Nalulula ako. Sunod-sunod ang tanong nila at kung umasta sila parang hindi makikisig na mga lalaki kundi nga premature [a joke connotation for immaturity.] Nararamdaman ko ng umiikot ang ulo ko. Hindi ko pa nga mga kilala ganito agad ugali. Groupo ba sila ng mga walanghiya? Malamang, oo. Si Zerkus palang at itong master nila over the board na ang pagkaka-walanghiya.

"Aren't you going to help me with your friends? Come on, my head is spinning," nakita ko ang ngiti niyang mas lalong lumapad nang marinig siguro ang sinabi ko sa mindlink. Utang na labas, tama na kakangiti. Kingina, pag ako talaga napikon sasamain 'tong lahat sila, hindi lang mga kaibigan niya pati siya.

"Hm," tikhim niya kaya naman nagsilingunan ang mga kaibigan niya sakaniya. Napahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay tinigilan na ako. Wala pang sinasabi si Xavier pero ang bibilis ng magsi-upo ng mga lalaking iyon sa likuran namin.

"Come on, we are just asking," ani ng isa. Asking your face. Anong asking 'yan kung hindi niyo nga ako pinapasagot! Ni isa ata sa tanong ng mga 'to wala akong nasagot ng maayos dahil sinusundan agad ng isa, dalawa, pangatlo pang tanong.

"Will you shut up? My head is really spinning now. Matatamaan talaga kayo saakin kapag hindi pa kayo nag tigil," naiirita ko ng ani. Totoo iyan. May masasaktan talaga ako, unti nalang. Narinig kong tumikhim si Treasia. Ulol.

CALEIA UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon