Kabanata 55

707 42 12
                                    

Sa gitna ng pag-aalala ko kay Zay hindi ko man lang naisip si Zephyr. Hindi ko man lang naisip ang kalagayan niya.

Para akong nanghina nang makita ko siyang bumagsak. Nakita ko ang matinding sakit na iniinda niya dahil sa paghampas sa kanya.

"Zephyr!" Nagmadali akong lumapit sa kanya. "Tulungan niyo si Zephyr. Dalhin natin siya sa ospital!" Natatarantang sabi ko sa mga kaibigan niya.

Hindi ko alam kung paanong natapos ang rambol nila at kung paano kami nakarating ng mabilis sa ospital? Masyado akong lutang, hindi na ako makapag-isip ng tama ngayon.

"Ayos na si Zayden. Ginamot na ang mga pasa at sugat niya. Nagpapahinga na siya sa k'warto." Saad ni Liam. "Si Zephyr naman ay nagpapahinga na rin. Sabi ng doktor, may posibilidad na magkaroon ng epekto ang biglang pagkakahampas sa ulo ni Zephyr." Bigla akong kinabahan.

"Ano raw?"

"Baka bumalik kaagad ang mga alaala niya o baka hindi na talaga." Sh*t! Kung babalik na nga kaagad ang mga alaala niya bakit sa ganitong paraan pa? At kung hindi na nga talaga 'di ba ang unfair naman nun para kay Zephyr?

"Kasalanan ko. Kung hindi ko sana siya niyayang pumunta sa gulong 'yon hindi sana mangyayari 'to. Hindi ko man lang inisip ang kondisyon niya." Saad ni Blaze.

"Kung hindi rin naman kayo nauna ni Zephyr baka kung ano na rin ang nangyari kay Zayden."

"Magiging okay lang sila lalo na si Zephyr. Babalik ang mga alaala niya. Iyon ang paniwalaan natin." Ani ni Avery.

"Pupuntahan ko muna si Zephyr." Pagpapaalam ko at naglakad papuntang k'warto ni Zephyr.

Nang makarating do'n naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Parang naulit lang din ang unang aksidente niya. Ganitong kaba rin 'yon. Tipong hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Kung magiging okay lang ba siya o hindi?

Bakit? Bakit kailangan niyang magdusa ng ganito? Bakit siya pa? I'm pretty sure na sobrang hirap sa side niya na mawalan ng alaala. Pagkatapos nangyari pa 'to. Awang-awa na ako kay Zephyr.

"I'm sorry. Sa pagnanais ko na mailigtas si Zay ikaw naman ang napahamak. Hindi man lang kita inisip. Hindi ko man lang inisip na delikado din 'yon para sayo. Kung alam ko lang na mangyayari sayo 'to sana pinigilan na lang kita na makipag-away." Saad ko, naiiyak na. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapayakap sa kanya. Do'n ako sa dibdib niya tuluyang napaiyak.

"Sana kapag nagising ka na naaalala mo na lahat para naman hindi ganito kabigat sa dibdib..." Hikbi ko. Halos basa na ng mga luha ko ang dibdib niya.

"Zephyr..." Napahinto ako sa pag-iyak when I heard him groaned. Naramdaman ko rin ang paggalaw ng katawan niya. Inangat ko ang mukha para makita kung gising na siya. Parang tumalon sa tuwa ang puso ko nang makita kong gising na nga talaga siya.

"Zephyr, may masakit ba sayo? Kumusta ang pakiramdam mo? Mabuti't gising ka na." Masayang sabi ko.

"Sino ka?" Naputol ang pagsasaya ko dahil sa unang lumabas sa bibig niya. Ano raw? Sino ako? Tama ba ang narinig ko?

"Teka...nagbibiro ka ba? Ano bang tanong 'yan, Zephyr?" Pinilit kong tumawa dahil iniisip kong nagbibiro lang siya.

"I'm serious. Who are you?" Seryosong tanong niya. Para akong nabasag. Hindi na naman niya ako kilala? Effect na ba 'to ng pagkakahampas sa kanya? Hindi na rin ba tuluyang babalik ang mga alaala niya?

Nanghihinang napalayo ako sa kanya. Napaupo ako. Nakagat ko ang ibabang labi, pinipigilan na maluha na naman. Napatingin ako kay Zephyr. Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Hindi na naman niya ako maalala! Back to zero na naman lahat!

Book 1: RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon