Sh*t! Anong ginagawa niya rito? Napaayos ako ng upo. Wala nang bakanteng upuan. Last na lang 'tong sa tabi ko.
"Maupo ka. You don't have to ask me." Sagot ko at tumingin ulit sa labas ng bintana. Naupo na siya sa tabi ko, pakiramdam ko biglang sumikip ang dibdib ko. H*ck! Para bang hindi kami magkakilala ni nagkasama sa Aklan sa lamig ng pakikitungo namin sa isa't-isa.
"How are you?" Tanong niya at alam kong para sa akin 'yon. Hindi pala si Zay ang classmate ko kundi si Zephyr. Bakit nandito rin siya? Himala dahil kahit na isa ay wala siyang kaibigan na kasama. Nasa ibang course sila marahil.
"Fine." Tipid na sagot ko. Pero nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana.
"Shan."
"Don't talk to me." Ani ko.
"Bakit naman? Are you mad?"
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"
"Naisip ko lang. Pasensiya na pala kung hindi na kita nakamusta nang bumalik tayo rito. Kailangan ko kasing bantayan sa ospital si Lolo."
"I'm not asking you. Hindi ko kailangan ang pangangamusta mo." I heard him laughing kaya napatingin ako sa kanya.
"May nakakatawa?" Taas kilay na tanong ko.
"Naalala ko lang. Sabi mo sa akin magiging good girl ka na. Hindi ka na makikipag-away, pero ano na naman 'tong ginagawa? Nagtataray na naman sa akin. Nang-aaway ka pa sa iba. You will control your temper para walang mangyaring gulo, pero hindi mo naman ginagawa."
"At naniwala ka naman do'n? Masyado kang uto-uto. Bakit ka ba nandito, huh?"
"Dito ang classroom ko. Stop asking the obvious."
"Tsk!" Magiging classmate kami. Masyado 'atang maliit ang mundo para sa amin. Tumahimik na ang lahat nang pumasok ang Professor namin. Nagpakilala siya at gano'n din ang ginawa namin. Pagkatapos ng isa pang subject ay break time na namin. Kinuha ko ang bag ko saka tumayo. Aalis na sana ako, but Zephyr blocked my way.
"What?" Iritadong tanong ko. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. "Tumabi ka nga. Nagugutom na ako." Totoong nagugutom na ako. Kanina ko pa gustong kumain.
"Can we talk?"
"Sa susunod na lang. Gutom na ako." Bahagya ko siyang 'tinulak para makadaan ako. Hindi naman ako nabigo. Iniwan ko na siya, pero namalayan kong nakasunod lang siya sa likuran ko.
Hindi ako mapakali. Para siyang bodyguard ko kung makasunod. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nakakasalubong namin. Bakit nga ba hindi? Zephyr Adair nakasunod sa likuran ni Shantal Delevigne.
"H'wag mo nga akong sundan." Saad ko saka siya hinarap. May pagtataka naman sa mukha niya. Feeling inosente talaga.
"Ano?"
"Sinusundan mo ako."
"Papunta rin ako sa cafeteria." Napamaang ako. Napahiya ako roon ah. Inirapan ko lang siya saka ulit ako nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating sa cafeteria ay hinanap ko si Olga, pero mukhang may klase pa siya. Naghanap ako ng bakanteng upuan.
"Zephyr!" Napatingin ako sa tumawag. It was Ciara. Nakaupo siya hindi kalayuan sa table ko. Kasama niya si Roux, Avery at Blaze. Lumapit naman si Zephyr sa kanila at do'n umupo.
"Kumusta ang klase?" Tanong nila kay Zephyr. Rinig na rinig ko 'yon dahil malapit lang sila sa akin.
"Ayos lang. Sa inyo?"
"Ayos lang din."
"Nasaan ang iba?"
"Si Zayden baka nasa tabi-tabi lang. Si Liam naman may inasikaso raw. Si Xavier natutulog sa library. Si Reid at Pierce naman ay may pinuntahan. Hindi namin alam kung saan." Zephyr just nodded. Pumunta ako sa counter para bumili ng foods. Parang may gusto akong kainin, pero hindi ko alam kung ano?
BINABASA MO ANG
Book 1: Ruthless
RomansaThe person I care the most, is the person I'll let hurt me the most. _____ "I hate you." She always tells me those words. Damn! How I wish I could hate her, too. Side Story (IJHE): Zephyr Adair Ramsden