Pagkatapos kong magbihis ay bigla na lang sumulpot lahat ng kaibigan ni Zay.
"ZAYDEN!" Galit na sigaw ni Liam. Pumasok siya sa k'warto kung saan ko iniwan si Zay.
"Liam, where's Althea Ellez?"
"Hinatid ko na pauwi. Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo? Umiiyak siya at sinabing nakita niyang may nangyari sa inyo ni Shantal."
"Hindi ko alam.... Hindi ko sinasadya ang nangyari."
"Tangna naman! Nakakaawa siya, Zayden!" Sigaw ni Liam saka binigyan ng malakas ng suntok si Zay.
"Hindi mo siya sasaktan 'di ba? Pero bakit mo ginawa 'yon? Iyon na 'ata ang pinakamasakit na ginawa mo sa kanya. Nagtiwala ako sayo!" He punched him again.
"G*go ka! Isa kang g*go!" Pinagsusuntok ni Liam si Zay. Hinahayaan lang siya ni Zay na gawin 'yon.
"Enough, Liam."
"Hindi makakatulong ang galit mo, Liam." Umawat na ang iba nilang kaibigan. Susugod na sana ulit si Liam, pero umawat na rin ako.
"Stop it. Wala siyang kasalanan. Nangyari na wala na tayong magagawa." Saad ko.
"Isa ka pa! Hindi ka na nahiya sa mga ginagawa mo! Bumigay ka kay Zayden na hindi man lang iniisip na boyfriend siya ng kapatid mo. Masahol ka pa sa hayop, Shantal!" Asik ni Liam saka ako hinawakan sa aking braso. Masakit ang pagkakahawak niya.
"Ayaw kong manakit ng babae, pero kapag si Thea na ang nasaktan wala akong pakialam kahit pa babae pa ang kaharap ko." Madilim ang tingin niya sa akin. Kitang-kita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Kahit saktan pa nila akong lahat hinding-hindi ko sasabihin ang totoong nangyari sa amin ni Zay.
"Bitawan mo ako!" He did not listen to me. Mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Let her go." May kamay na pumigil sa kamay ni Liam. Napatingin kami sa taong 'yon. Si Zephyr! Seryoso ang mukha niya habang nakatingin kay Liam.
"Bitawan mo na siya." Malamig na utos niya saka ako sinulyapan. "Ako na ang bahala sa kanya." Dagdag niya at bigla na lang akong hinila paalis. Walang kahit na anong sinabi ang mga kaibigan niya.
"Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako, pero hindi niya ako pinakawalan. Namalayan ko na lang na nasa labas na kami. Napadaing ako nang bigla niya akong isinandal sa pader. Madilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Why did you do that? Ganyan ka ba talaga? Kahit sinong lalaki na lang? Babae ka t*ng ina tapos ganyan ka! Pagkatapos mong maghubad at bumukaka sa akin kay Zayden naman! T*ng ina lang Shantal! T*ng ina talaga!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Natigilan ako. Ngayon ko lang kasi nakitang magalit si Zephyr. Totoo nga ang sinabi nila na hindi maganda kapag ang mabait ay nagalit.
"Makakaya ko pa na ako ang paglaruan at saktan mo, pero kung mga kaibigan ko na lint*k lang!" Umigting ang panga niya. Wala akong ibang nakikita sa kanya kundi galit at ----sakit?
"Ano bang pakialam mo? Bakit ka nagagalit? Anong gusto mo? Sayo lang ako maghubad at bumuka? Asa ka! Ginamit lang kita para mabawasan ang lungkot ko para kay Zay. Ginamit lang kita habang hindi pa sa akin si Zay. Wala akong kakampi nang mga panahong 'yon kaya ginamit kita. Bakit? Kasi mabait ka at isang malaking uto-uto. Hindi mo ko matatanggihan kahit ako pa ang pinakamasamang babae sa buong mundo. Salamat dahil nagpagamit ka! Hindi ka naman lugi, magpasalamat ka na lang dahil natikman mo ako kahit papaano bago ako natikman ni Za___"
"Shut up!" He shouted and punched the wall.
"Akala ko magbabago ka pa. Iniisip ko pa namang magbabago ka na. Bakit ba nagsayang pa ako ng oras sa isang katulad mo? You're ruthless... Ruthless than demon." He said and left me alone. Napaupo na lang ako. Bigla akong nanghina sa mga sinabi ko lalo na sa mga sinabi niya. Hindi ko sinasadya lahat ng mga sinabi ko sa kanya. Sinasabi ng puso at isip ko na hindi ko ginamit si Zephyr. Na hindi ko siya pinaglaruan. Pero sh*t! Iba ang sinasabi ng labi ko.
BINABASA MO ANG
Book 1: Ruthless
RomanceThe person I care the most, is the person I'll let hurt me the most. _____ "I hate you." She always tells me those words. Damn! How I wish I could hate her, too. Side Story (IJHE): Zephyr Adair Ramsden