Kabanata 59

848 35 14
                                    

This is the last chapter:)

———

"Seryoso ka ba sa sinasabi mong 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Zephyr naman! H'wag mo akong pinapakaba."

"Bakit? Ayaw mo bang mahalin kita? Ayaw mo bang subukan ko?"

"Gusto ko. Pero hindi p'wede. Ayaw kong magmukhang mang-aagaw. Mas lalong ayaw kong maging isang panakip butas lang. Halimbawa nga, akin ka na talaga, pero hindi ko pa rin maiaalis ang katotohanan na naging akin ka lang dahil naging panakip butas lang ako."

"I'm sorry. Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko naman magagawa sayo 'yon. You are a sister and a friend for me. I'd rather hurt myself than you. Mahalaga ka sa akin at hindi ako makapapayag na masaktan ulit ang damdamin mo nang dahil sa akin."

"Maraming salamat. Kahit na parang kapatid at kaibigan lang ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa akin masaya at sobrang thankful pa rin ako sayo. Hindi mo ipinaramdam sa akin na wala lang ako kahit na may ibang mahal ka na. Sana hindi ka magbago sa akin."

"Kung magbabago man ako hindi sayo." Ngumiti ako sa kanya at bahagyang pinisil ang pisngi niya. "Ako dapat ang magpasalamat sayo."

"Walang anuman." Mabilis na sagot niya at saka ngumiti sa akin.

_____

"Zephyr!" Si Yvette kaagad ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pintuan ng condo ko.

"Bakit?"

"Ilang araw na kitang hindi nakikita. Saan ka ba pumupunta?"

"Kahit saan." Tumango siya sa sinabi ko.

"Dinalhan nga pala kita ng pagkain. Baka gusto mo?" Walang paalam na pumasok si Yvette sa loob ng condo ko. Napailing na lang ako bago ko isinara ang pintuan. Sinundan ko si Yvette, papunta na siya ngayon sa kitchen ko.

Napatingin ako sa dining table na nasa harapan ko, parang piniga ang puso ko dahil parang nakikita ko si Shantal na kumakain dito. Napatingin ako sa ibang direksyon, pero gusto kong magmura dahil nakikita ko pa rin siya. Kahit saan ako tumingin dito ay nakikita ko siya. Bumabalik sa utak ko ang mga masasayang araw na magkasama kami.

"Kain na, Zephyr." Natauhan lang ako nang marinig ko ang boses ni Yvette. Nakahanda na pala sa hapag ang pagkaing dala niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Oo. Tapos na." Nakangiting aniya. Naupo na lang ako, sinimulan ko nang kumain.

"Bakit?" Tanong ko nang mahuli kong kanina pa nakatitig sa akin si Yvette.

"Nasasaktan ka pa rin ba hanggang ngayon?" Napahinto ako sa pagsubo dahil sa tanong niya.

"Hindi naman mawawala 'yon."

"Umaasa ka pa rin ba na babalikan ka niya? Kahit sa paglibing sa Lolo mo hindi talaga siya nagpakita. Wala man lang siya sa mga oras na kailangan mo siya. Don't worry, I'm just here lang para sayo." Uminom ako ng tubig pagkatapos ay tumayo na. Nawalan na ako kaagad ng gana.

"Teka, tapos ka na kaagad?" Sumunod siya sa akin. "Busy ka ba? Gusto mo bang lumabas tayo? Manood tayo ng sine tapos mamasyal tayo, kumain na rin tayo sa labas. Libre ko." Excited na sabi niya at hinawakan ang braso ko. Tumigil ako sa paglalakad, seryosong binalingan si Yvette.

"You mean a date?" Kunot noo na tanong ko. Bigla siyang napayuko.

"You know naman what I felt for you. Why don't you give me a chance? I promise na hindi ako kagaya ni Shantal. Hindi kita iiwan at mas lalong hindi kita sasaktan." Hindi ako sumagot. "Gusto ko lang naman na maging maayos ka na. Gusto kitang tulungan na makalimutan si Shantal."

"Gusto mong maging rebound kung gano'n?" Straight to the point na tanong ko. Napatingin siya sa akin.

"Kung gano'n ang tawag do'n. Oo, gusto ko. I don't care kung magmumukha akong katawa-tawa sa ibang tao. Gusto talaga kasi kita. Sa Aklan pa lang may nararamdaman na ako para sayo. Okay lang kahit na hindi mo ako magawang gustuhin. Ayos lang sa akin na gamitin mo ako para makalimutan mo si Shantal. Gusto ko lang na makasama ka, na maiparamdam ko sayo kung ano 'tong nararamdaman ko. You can have me. Gamitin mo ako para makalimutan mo lahat ng sakit na ibinigay sayo ni Shantal. Please, Zephyr. I really like you."

"Bahala ka." Kibit balikat na sagot ko.

"Pumapayag ka na?" Masayang tanong niya. Sa lahat 'ata ng gagawing rebound siya lang ang masaya. Bahala nga siya, gawin niya kung anong gusto niyang gawin. Wala na akong pakialam. Masyadong magulo ang isip ko ngayon.  She's willing to be a rebound, okay fine! Wish granted. Hindi na ako ang dating Zephyr na kilala ng lahat. Iyong malambot na puso ko parang tumigas na mula nang iwan ako ni Shantal at nang mamatay ang Lolo ko.

"Gusto mo naman 'di ba?"

"Pumapayag ka nga!" Masayang sabi niya. Tumalon pa siya sa sobrang tuwa.

"Pumayag ako, but it doesn't mean na mayro'n ng tayo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na malabong magkaroon ng tayo. We can flirt each other, pero hindi ibig sabihin nun mayro'n ng sa atin Yvette. Malinaw sana sayo 'yan."

"Malinaw na malinaw." Sumaludo pa siya sa akin.

"Good. Magbihis ka na. Aalis tayo."

"Where are we going?"

"You asked me a date, right?"

"Yes."

"Alright, let's have a date tonight. Magbibihis lang din ako." Kumindat pa ako sa kanya.

"Oh my gosh! I'm so excited!" Niyakap niya ako bigla. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi.

"That's too fast." Saad ko nang natapos ang halik.

"Hala! I'm sorry. Nadala lang ako." Namumulang sabi niya. Napangisi na lang ako. Ganito pala ang gusto niya. Alright, Yvette. Let's play a game. Turuan mo akong makipaglaro sa mga babae.

"It's okay, honey. I won't mind." Nakangisi pa ring sabi ko. Hinawakan ko siya sa baywang at saka siya hinila palapit sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa, siniil ko na kaagad siya ng halik. Siya naman ang nabigla sa ginawa ko, pero nakabawi rin kaagad. Niyakap niya ako at saka humalik din pabalik. Marahan kong kinagat ang ibabang labi niya dahilan para kumawala ang munting ungol mula sa labi niya.

"Zephyr..." She begged. Tumigil ako sa paghalik sa kanya. Pareho kaming habol ang paghinga habang nakatingin sa isa't-isa.

"Please..." Damn it! Ang bilis naman 'atang bumigay sa akin? Tinangka niya akong halikan, pero mabilis akong umiwas.

"Let's have our date first." Natatawang sabi ko at bahagyang pinisil ang baywang niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at marahang kinagat ang parteng 'yon. "Patient, Yvette. Darating din tayo do'n."






_____

Maybe the next chapter will be the EPILOGUE!

Book 1: RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon