PRESENT
_____
Pagkatapos kong isipin ang lahat ng nangyari, namalayan ko na lang na may ilang butil na ng luha na pumatak sa pisngi ko.
Gosh! Why am I crying? Dapat ay maging masaya ako sa lahat ng nangyari. Hiwalay na si Zay at Thea. Ang dapat kong gawin ngayon ay makaalis sa bulok na province na 'to para makasama ko na ng tuluyan si Zay. Ngayon wala na si Thea rito sa Pilipinas siguro naman mapapansin na ako ni Zay. Gagamitin kong dahilan ang kunwaring nangyari sa amin ni Zay para makuha ko na siya.
Napatingin ako sa nakaposas kong kamay. Namumula na 'to. Nasaan na ba si Zephyr?
"Zephyr! Pakawalan mo ako rito!" Sumigaw ako nang sumigaw, pero walang Zephyr na dumating. Nakakairita talaga ang lalaking 'yon! Nasaan na ba kasi siya?
"Zephyr!!! Come here!!!" Pagkatapos nang ilang ulit na sigaw ay nagpakita rin siya.
"Bumili lang ako ng pagkain. Baka gusto mong kumain?"
"Ayaw ko! Hindi ako nagugutom! Kumain ka kung gusto mo. Pakawalan mo lang ako rito!" Nagpumiglas ako. Pero mas nasasaktan lang ako sa ginagawa kong 'to.
"Ikaw ang bahala." Sagot niya saka ako iniwan. Pumunta siya sa munting kusina ng bulok na bahay na 'to. Damn him! Mapapatay ko na talaga siya!
_____
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makatulong ng gano'n kagabi. Nakaupo lang ako habang nakaposas ang mga kamay ko. Gosh! Sobrang sakit ng kamay, likod at leeg ko. Napatingin ako sa paligid. Tanghali na pala. Hinanap ko si Zephyr, pero wala siya. Ang tangna na 'yon! Sigurado akong masarap ang tulog niya kagabi habang ako naghihirap.
"Zephyr!" I called him, pero walang may sumagot. My gosh! What if...he left me here? No! No! No!
"Zephyr! Tangna ka! Nasaan ka? Magpakita ka sa aking buwis*t ka! Argh! Pakawalan mo na ako rito!" Boses ko lang 'ata ang naririnig ko sa buong paligid. Sobrang tahimik naman kasi.
"Gising ka na pala." Sumulpot bigla ang lint*k. May gana pa siyang ngumisi. Masaya ka na niyan? Lint*k ka!
"Pakawalan mo na ako." Pinilit kong maging kalmado.
"Uh, okay." Natuwa ako nang lumapit siya sa akin. "H'wag mo lang akong tatakasan." I nodded. ASA KA! Tatakasan talaga kita. Maghintay ka lang.
Sobrang saya ko nang pinakawalan na niya ako. Hinimas ko ang pulsuhan ko para kahit papaano ay mabawasan ang sakit.
"Nasaan tayo?"
"Province."
"Stupid. Maraming province. Kaya saang probinsiya tayo?"
"Basta." Tumayo siya at iniwan ako. Sumunod naman agad ako sa kanya.
"Basta? May province bang gano'n?" I asked sarcastically. Nagtaas balikat lang siya. Nasa kusina na kami ngayon. May mga kitchen utensils naman rito. I don't like the style nga lang ng kusina. It was very old. Kahoy ang ginagamit para makapagluto ng foods. Iyong sink naman ay gawa sa kawayan. Walang water tap dahil sa mismong bucket nakalagay ang stock ng water. Walang water dispenser! Walang kahit anong pangmayaman na gamit dito. Napatingin ako sa dining table, pati 'yon ay gawa rin sa kawayan. Seryoso? Gano'n ba ka-fan ng kawayan ang gumawa nito?
"Kumain ka. I know you're hungry." Itinuro niya ang nakahandang foods. Tumaas ang isa kong kilay nang makita 'yon. May kanin nga, pero ang pangit ng ulam. Grilled fish na ang sawsawan ay toyo na may kalamansi at kamatis. May iba pang fried seafoods. Iyong iba hindi ko kilala dahil ngayon ko lang na encounter.
"Ipapakain mo sa akin 'yan?"
"Oo. Bakit? Masarap naman 'yan."
"No way! I don't like those foods. I want bacon, scrambled eggs o 'di kaya lasagna, fiorentina steak, ribollita, polenta an__"
BINABASA MO ANG
Book 1: Ruthless
RomanceThe person I care the most, is the person I'll let hurt me the most. _____ "I hate you." She always tells me those words. Damn! How I wish I could hate her, too. Side Story (IJHE): Zephyr Adair Ramsden