"Itong mga damit mo. I bought that for you." Zephyr handed me a paper bag. Kinuha ko naman 'yon.
"Kompleto ba 'to?"
"Oo. May underwear at bra na rin d'yan. Kasiya naman siguro sayo."
"Zephyr!"
"Ano?"
"Your mouth!"
"What? Pfft. Nahihiya ka pa? Eh wala ka nang maitatago sa akin. Lahat na sayo nakita at nahawakan k__"
"Tumigil ka!"
"If you want to take a bath may CR d'yan sa likod. Mag-igib ka na lang ng tubig d'yan sa poso sa likod din ng bahay para may magamit kang tubig."
"Huh? Wala bang shower dito?"
"Wala. Bahay kubo tapos naghahanap ka nang shower. Hindi ko alam kung nag-iisip ka ba?"
"Malay mo naman 'di ba?" Inirapan ko siya. Tiningnan ko ang laman ng paper bag. Nagulat ako nang makita ang mga laman nito. Mga dusters na galing pa 'ata sa taong 1920s! Anong akala ni Zephyr sa akin? Manang? Lola? Buntis? Binili niya ba talaga? Baka naman hiniram niya lang sa mga kakilala niyang lola?
"Anong mga damit 'to?!" Gulat na tanong ko saka ipinakita ang laman ng paper bag.
"Duster. Ano pa ba?"
"I know! Pero bakit 'to? Duster ipapasuot mo sa akin. What do you think of me? Manang? Lola? Buntis? Kagabi pinaulam mo ako ng toyo't mantika tapos ngayon ipapasuot mo sa akin ang mga duster na 'to! Alam mo ba kung gaano kaganda at expensive ang mga damit ko? Gawa pa 'yon ng mga sikat na designer sa ibang bansa tapos duster lang ibibigay mo sa akin! Nakakainsulto ka!" Hindi ko mapigilang mairita!
"What is your problem with duster? Damit din naman 'yan. Kung ayaw mo 'di h'wag. Maghubad ka na lang total do'n ka naman magaling."
"B-beast!"
"It's easy. If you don't like it, throw it. Don't take a bath and don't change your clothes. Pagtiisan mo 'yang suot mo hanggang makabalik na tayo sa Manila." Natameme ako. Hindi ko 'ata kaya 'yon. Gusto ko na talagang maligo at magpalit ng damit!
"Here." Inabot niya sa akin ang pares ng tsinelas.
"I hate you!" Saad ko saka isinuot ang tsinelas. Pumili ako ng mga isusuot ko. Sinamaan ko siya ng tingin saka ako pumunta sa CR na sinasabi niya. Isinabit ko sa dingding ang mga damit ko. Tiningnan ko ang kabuuan ng CR. Malinis naman, but I'm not comfortable with the walls. Walls are made of planks. Mukhang matibay naman. Ang thatched naman ay gawa sa cogon grass. Kasiya lang siguro ang dalawang tao rito. Unlike in my bathroom, kahit sampung tao p'wede. Miss ko na ang mansion! I really want to go home!
I took the bucket para makapag-igib ng tubig sa poso hindi kalayuan sa CR. Napatingin ako sa poso. Hindi kalumaan. Pero paano kung dugo ang lumabas d'yan katulad ng mga nasa horror movies? Kahit nag-aalangan ay ginamit ko pa rin. Artesian Well is not that cool huh! Nakakapagod maglabas ng water. Kung faucet sana okay pa.
I look around. The ambience is very placid. There are lots of trees unlike Manila puro buildings and nakikita ko. Halos green ang nakikita ko rito, the sky is so clear and blue, the birds are humming, ang sikat ng araw ay hindi masakit sa balat and the wind breeze is relaxing. Sobrang iba ng pakiramdam ko rito kaysa sa Manila.
May mga kabahayan na rin pala hindi kalayuan sa amin. People are cleaning outside their house, may mga batang naglalaro sa isang burol na natatanaw mula rito.
Nang mapuno ko ang balde ay binuhat ko 'to papunta sa CR. Not too heavy, pero masakit sa kamay ang handle ng balde. Ibinuhos ko sa isang tub ang laman nito. Kulang pa kaya nag-igib ulit ako. Nakasampung balik ako sa poso bago ko napuno ang tub. Pinagpawisan ako dahil do'n. Better! Hindi ko na pala kailangan ng jogging at gym to exercise my body.
BINABASA MO ANG
Book 1: Ruthless
RomanceThe person I care the most, is the person I'll let hurt me the most. _____ "I hate you." She always tells me those words. Damn! How I wish I could hate her, too. Side Story (IJHE): Zephyr Adair Ramsden