Kabanata 83

47.9K 1.8K 592
                                    

RIAN

"DRAKE!" HINGAL AKONG napabangon at kusang umaagos ang luha kong nakatitig sa kawalan.

Napahawak ako sa dibdib kung saan ay dama ko ang bilis at bigat sa bawat pag pintig ng puso ko.

Kusang nanginginig ang labi ko at tumitig sa mga palad kong namamawis. Bigla akong napapikit ng mariin ng manumbalik sa isipan ko ang isang masamang panaginip.

Kung saan at naliligo ako ng dugo, mga dugo ni Drake habang nakahiga ito sa mga hita ko.

"Rian?"

"Drake!" napalingon ako sa pag bukas ng pinto at natagpuan ko ang mga nag aalalang mata ni Drake.

"Hey what's wrong?" mabilis siyang lumapit at agad akong napayakap sa kaniya. Mahigpit ang hawak ko sa mga damit niya at hindi mapigilan ang pagiging emosyonal, ang humikbi at kagatin ang ibabang labi.

"D-Drake,"

"Rian, ano bang nangyari? May masakit ba sayo? Ang tyan mo ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital? Fuck don't cry, I'm getting nervous, Rian." nanatarantang tanong ni Drake at akmang bibitaw niya ako para tignan ng mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"H-huwag mo akong iiwan ah." hagulgol ko ulit sa dibdib niya at marahan na hinagod ni Drake ang likod ko.

"Hinding hindi 'yun mangyayari. Tahan na, masama sa baby natin kung lagi kang umiiyak." pag aalo niya at sa totoo na iinis na ako sa klase ng pag bubuntis ko.

Madalas akong umiiyak kahit pa minsan wala namang dahilan. I know it is because of my hormones, a symptoms of pregnancy but I hated how emotional I am right now.

Idagdag mo pa yung sitwasyon at ang panaginip ko, mas lalo lang akong nahihirapan na dalhin ang sariling nararamdamna dahil sa mga nangyayari, hindi ko tuloy maiwsan na kainin ng takot. Bigla lang ako natauhan ng mapansin ang suot na damit ni Drake.

Bumitiw ako mula sa pagkakayakap at nag angat ng tingin sa kaniya.

"Aalis ka?" tanong ko at hinagod siya ng tingin. Nakabihis siya at hindi siya tumanggi na tumango bilang sagot.

"Tumawag na sila Uno, nakabalik na si Liam sa head quarters." paliwanag niya at higit akong kinabahan.

Mas ayoko siyang paalisin ngayon, mas natakot ako na baka magkatotoo ang mga panaginip ko.

"D-Drake---"

"Hey, walang mangyayaring masama. Mag tiwala ka, uuwi ako palagi para sa'yo at sa anak natin."

"P-pero... I-isama mo na lang kaya ako. H-hindi ako mapapa---"

"Shhh.... Rian, listen." nilukob ni Drake ang mukha ko ng mga palad niya at matamis ang ngiti niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha ko.

"Napag usapan na natin 'to, dito ka lang, kayo ng baby natin... Please... huwag mo akong alisan ng dahilan para umuwi araw araw." hinaplos niya ang pisngi ko.

"I'll always reserved the very last second of the day with you." napangiti akong tumango sa sinabi niya at mahigpit akong yumakap.

"Huwag mo kaming paghihintayin ng matagal ah."

"Hinding hindi," at nag tama ang mga mata namin. Gustuhin ko man sumama kay Drake ay alam ko na hindi iyon makakabuti para sa akin, sa baby namin at higit lahat ay para kay Drake--- na sigurado akong mahahati lang atensyon niya, at ayoko umabot na maging pabigat ako ng dahil lang sa katigasan ng ulo ko.

Hindi ko magagawang itaya nag buhay niya ng anak namin. Matamis ang naging ngiti namin sa isa't isa at kahit puno ako ng pangamba ay dama kong tutupad si Drake sa mga pangako niya at kagta labi akong yumakap kay Drake.

Bloody PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon