Kabanata 66

42.9K 1.7K 239
                                    

DANA

SHE SWIFTLY MOVED, and every step she takes is full of mastery. She never wastes a single time to take charge of everything, from a speck of small dirt until Drake's bruises are now thoroughly tidied up.

I was so amazed at the way she utilized it quickly and full of confidence. Halos wala akong naitulong kung hindi pulutin yung ibang naging kalat sa pagwawala ni Drake.

Na kahit may mga katulong kanina ay halatang mas gamay ni Rian ang mga gagawin. iyon nga lang ay kinailangan niya ng tulong namin para buhatin si Drake sa kwarto nito.

At ngayon, hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Ang paraan kung gaano siya kasigla na iginagayak ang mga pagkain na dadalhin niya sa kwarto ni Drake.

"Is it your job? Halatang kabisado mo na ang mga gagawin." hindi ko maiwasang mag tanong at natigilan si Rian.

Nag angat siya ng tingin at bumungad agad ang maganda niyang mga ngiti.

At bilang isang babae, alam ko, nararamdaman ko ang kakaibang saya niya. Na oo, madalas ko siyang makitang tumatawa at ngumingiti sa harap ng iba, na naging masaya rin siya kay Liam, pero ngayon.... ibang iba ang mukha niya.

Bakas na bakas ko iyong tuwa na alam kong walang katumbas.

"It is my job before, but it turns into an eternal vow." walang alinlangan na sagot ni Rian, and she sweetly smiled at me.

I should be mad dahil hindi man niya aminin, alam ko na ang pakikipagbalikan niya kay Liam ay hindi totoo.

Na ano man ang dahilan niya ay darating ang oras masasaktan pa rin si Liam, dahil kitang kita ko na handa siyang iwan ang lahat para kay Drake. Pero hindi ko magawang magalit kay Rian, na ayoko man maging bias pero hindi ko maiwasang unawain si Rian at hangaan siya sa mga ginagawa niya.

"Rian,"

"Po?"

"A-Anong meron kay Drake?" I asked and I still can't figure out how it happened.

Na mukha siyang sinasapian. I never saw this kind of breakdown, hindi ganiyan si Liam noong na depress. Hindi lang namin makausap ng maayos si Liam at madalas siyang nagkukulong.

"He has DID,"

"DID?"

"Dissociative Identity Disorder, formerly known as multiple-personality disorder." pagsisimula niya at nanatili akong naka upo at bukas ang tainga na pinakinggan siya.

"It is a disruption of identity as evidenced by two or more distinct personality states, luckily Drake only has Wyn and Luther. Drake as their host, an owner of the body, and Luther as their protector." dugtong ni Rian sabay tikim nito sa mainit na sabaw.

"And those with DID have disrupted sense of self and show alterations in behaviors, attitudes, and emotions when these alternate personality states occur. Kasama na rin dun yung mga memory gaps, o some events na hindi niya maalala due to traumatic experiences, and mostly yun din ang dahilan kung bakit sila may DID." at isinalin ni Rian ang mainit na sabaw sa isang mangkok.

"I can't explain precisely dahil hindi ko 'to pinag aralan but I do have my own research as I discovered that he is sick."

"And you are telling me na ang dahilan ng sakit niya ay---" natigilan ako at parang hindi ko maisip na dahil kay Lim kung bakit nagkaganoon si Drake.

Naninikip ang dibdib ko, at muling nag luha ang mga mata. Hindi ko inalis ang mga tingin kay Rian at umaasa pa rin ako na iba ang dahilan, na iba ang isasagot niya sa akin.

"Opo, Drake already had DID bago pa siya mawala ng tuluyan sa inyo. He had Wyn, not a protector but he keeps Drake's memory to protect him from pain." napahagok ako ng hangin at hindi maiwasang matakip sa bibig.

Bloody PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon