Kabanata 63

50.9K 1.5K 293
                                    

DRAKE

AYOKONG UMALIS NG bahay o iwan si Rian mag isa. I always wanted to be on her side, to watch over her small acts and even to witness how stupid she is, lalo na kung pinapairal niya ang katigasan ng ulo. Mas gusto kong lagi akong nasa tabi ni Rian para awatin at gabayan siya but I have no choice for now.

Mas kailangan kong unahin ang misyong 'to, hindi para sa kahit na ano o sino, kung hindi para kay Rian, at sa magiging anak namin.

Hindi ko maiwasang ngumiti kasabay kapag na iisip na magkakaanak kaming dalawa kasabay nun ay ang magkahalong kaba at tuwa.

Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ngayon. Kahit wala pang kasiguraduhan na buntis si Rian, ay nasasabik na agad ako at siyempre, hindi mawawala yung takot at kaba. Na kung kakayanin ko bang maging mabuting ama, na mabibigay ko ba lahat ng kailangan at suporta na kakailanganin niya, na paano kung malaman niyang hindi ako normal? Na kung malaman niyang nag iisip bata ako? Na may posibilidad bang masaktan sila ni Luther? Matatanggap kaya ako ng anak namin?

Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko, idagdag mo pa 'yung sobrang takot ko para sa kaligtasan nila. Na hanggang buhay at matatag ang buong SI, hindi ako kailanman mapapanatag para sa kaligtasan ni Rian at nang magiging pamilya namin.

Kaya nga nandito ako ngayon para malaman kung sino ang lalaking na huli ni Uno. Ang lalaking sinubukan siyang pigilan para makuha yung files ni Damon. At kahit gusto kong unahin ang pagpapa-check up ni Rian ay nangangati na akong matapos ang kahibangan ng SI.

"Sigurado ka rito?" tanong ni Hunter at halos sabay sabay kaming nakababa ng sasakyan. Nauuna nga lang si Uno.

Naka suot pa siya ng shades at tumapat sa sinag ng araw.

"Picturan mo nga ako rito, parang maganda yung sun kiss. Maka experience man lang ng halik." banat niya at mayabang ang pose niya sa gitna. Nagkatinginan kami ni Hunter at sabay na ngumisi.

Sabay kaming lumapit kay Uno at kinuha ko pa ang cellphone, "Sige pose." utos ko at sumunod ang gago.

"Galingan mo maging maniniyot, hindi yung puro ka iyot." reklamo niya.

Sabay pustura na akala mo'y na sa isang magazines, at nakahawak pa siya sa shades niya. Napatingin ako kay Hunter at mas lumapad ang ngisi niya.

"In three, two, one... say..."

"Oh shit!" malakas na sigaw ni Uno ng sabay naming apakan ni Hunter ang mga paa niya at mukhang gigil na gigil si Hunter na durugin ang buto ni Uno. Nakita ko pa kung paano niya diinan ang paa ni Uno.

"Makabawi man lang ako sa mga kagaguhang mong tukmol ka." ngisi ni Hunter at impit na naluluha si Uno.

"Fuck you!" and he instantly lift his hands and threw a punch to Hunter, nasalag iyon ni Hunter at demonyong tinawanan si Uno.

"Fuck you too, Silvero."

"Sa wetpu mo lang ako pwedeng tirahin. Gago!" banas na sigaw ni Uno at natawa ako ng marahas niya kaming tabigin ni Hunter. Pinapagpag ang suot na sapatos.

"Isa ka pa, gago! Pinagkakaisahan niyo ang gwapo." asar na sigaw ni Uno sa akin.

At nilapitan niyang una si Hunter, "Parang kinalimutan mo na 'yung gabing kayakap mo ako sa dilim" sabay haplos niya sa mukha ni Hunter at malandi siyang kumurap kurap na akala mo'y baklang nang aakit.

Tumalim ang mata ni Hunter at tinabig niya ang kamay ni Uno at ang gago! Sinadya niyang bumakat sa mukha ni Hunter iyong alikabok mula sa sapatos.

Pigil akong tumawa at akmang lalapit sa'kin si Uno ng inambahan ko siya ng suntok, "Sige subukan mo at itataob kang gago ka!" saad ko at kahit kaibigan ko siya, di ako magdadalawang isip na suntukin siya.

Bloody PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon