Kabanata 37

73.3K 2.3K 435
                                    

RIAN

LIAM HELD MY hand and intertwined my fingers with his. He threw me a gentle look and a sweet smile. Pilit akong ngumiti bago ibinalik ang tingin ko sa may malaking screen.

Pagkatapos niya akong sunduin ay tinanong niya ako kung anong gusto kong gawin pero wala akong na isagot kaya mas pinili na lang naming manood ng sine.

Mas kinakabahan lang ako sa kung paano ako itrato ngayon ni Liam. He's so nice and caring more than what he showed for the last past few years. Kung para sa ibang babae, ang biglang pagiging mabait at sweet ng boyfriend nila ay pag bawi sa malaking kasalanan, para sa akin, iba ang meaning nun. It already happened for our first year, and he got a depression over our situation.

I sighed and hoping na mali ako ng iniisip dahil siguradong mas mahihirapan ako ngayong umamin kay Liam.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Liam habang palabas kami ng sinehan. Hawak pa rin niya ang kamay ko at lumilipad ang utak ko. Iniisip ko kung ano kayang ginagawa ni Drake ngayon o kung kaya niya rin ba gawin ang mga ginagawa ni Liam?

I'm so torn and drown in him. Lahat na lang ng bagay siya ang naiisip ko, if he can be sweet as Liam? If he can hang out with me this way? Mahilig ba siyang manood ng sine? Mamasyal? Kumain sa labas? o kung anong trip niyang gawin para sa isang babae bukod sa kama at sa trabaho niya.

Thoughts and images of him overflow in my head, and it was tough to forget him, that even though I tried to wash him for a moment, he's always there, endlessly running in my head.

At ang mas nakakainis, kahit alam kong malabong maging kasing sweet siya ni Liam, umaasa pa rin ako na magagawa niyang hawakan ang kamay ko ng ganito kahigpit, yayain akong lumabas for some romantic things at hindi dahil sa trabaho---

"Rian," napapitlag ako sa gulat at wala sa loob na tumingin kay Liam. Mukhang nag hihintay siya ng sagot ko at para akong tangang pilit na ngumiti.

"A-ano na nga ulit 'yung sinasabi mo?" alangan kong tanong at bumagsak ang mga mata niya. Mariing nakagat ang ibabang labi at pilit ang ngiting umakbay sa akin.

"NBS muna tayo, what do you think? Maaga pa naman para mag dinner, diba?" sabay tingin niya sa relo at napabuntong hininga akong tumango.

"Oo, ano bang bibilhin mo dun?" tanong ko na lang at umiling siya.

"Wala naman, but you told me before you love to buy some books, right? Ano na nga ulit 'yung favorite mong novel?" tanong niya.

"Bibilhan mo 'ko ng libro? Sayang lang, huwag na." pag dahilan ko kay Liam, hindi ko rin iyon mababasa dahil masyado na akong busy. Buti pa noong nag aaral pa ako, ang dami kong time para mag pagkalunod sa fiction.

"There's no waste when it comes to my girl, come one, tell me..." kagat labi akong napatitig sa masiglang mukha ni Liam and I feel so guilty. Sobrang konsensya na ang nararamdaman ko.

"Or Watson na lang? Para hindi puro lip tint gamit mo,"

"Liam," nagulat ako ng walang sabi niya akong hinila papunta sa Watson at makulit siyang tumawa habang pilit akong pina pipili ng mga make up.

"Ito bagay mo 'to," sabi niya pa at natawa ako ng ipahid niya sa mukha ko ang isang tester ng blush on.

"Liam ah pag ako nagka-pimples dito," natatawa kong reklamo. Napatingin ako sa itsura ko at mukha akong tindera sa palengke sa sobrang pula ng pisngi ko.

Sumimangot ako at todo tawa si Liam. Gigil ko siyang hinampas pero tinawanan niya lang ako, "Letse ka!"

"Hahaha. Ang ganda mo pa rin kahit palpak akong mag make up." he smiled and I did, I smiled back at him at pabiro ko pa siyang hinampas.

Bloody PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon