Chapter 18

702 62 24
                                    

"Cor?" aniya na nakasilip pa rin sa likuran ni Vince.

"Kaskasera ka pala," anito na napailing pa.

Nanlaki ang mga mata niya, "Ikaw 'yon?" Nang tumango ito ay saka lang siya umalis sa likuran ni Vince. "Pinakaba mo ako! Akala ko madadala na ako sa presinto."

Tumawa si Jason, nilingon ang lalaking katabi niya at tinanguan, "Kamusta, Vince?"

Tumango rin ito, "Mabuti naman."

"Wait!" Kumunot ang noo ni Sherin, "Pamilyar ang motor mo. Ikaw din ba 'yong rider na pinatigil ko last week?"

Nakangiting tumango si Jason, "Pagkahatid ko ng gamit ko sa bahay ay bumalik ako sa restaurant, pero wala ka na."

"Ah. Pumunta kami kina Angelie. Nagplano ng engagement party nina Owen at Jeraldine."

Bumakas ang saya sa mukha ni Jason, "Talaga? Kung gano'n ay hindi lang pala binyag ng anak ni Djonas ang dapat i-celebrate ng batch natin bukas."

Lumarawan ang realization sa mukha ni Sherin, "Kaya ka umuwi dahil magnininong ka?"

"Nasabi ni Djonas na Monday group daw ang kinuha niyang sponsors ng first baby niya. Nakakahiya kung ako lang ang wala sa grupo natin."

"Sus! Mauunawaan naman tiyak ni Djonas kung sakaling hindi ka nakapunta. Si Djonas pa nga ang madalas na nag-e-explain sa amin sa tuwing hindi ka nakaka-attend sa get-together natin."

"Actually, isa lang naman sa mga dahilan ang pagdalo ko sa binyag ng anak ni Djonas. May iba pang dahilan." Nakangiting nagkibit-balikat ito, ngiting sa wari'y may ipinapaalala sa kanya, "Matagal na panahon din akong nawala at palagay ko'y tamang panahon na para bumalik."

"Ahm," biglang nawalan nang imik si Sherin. At lalo siyang walang maisip na isagot dahil sa paraan nang pagtitig sa kanya si Jason.

"Isang linggo ka na pala dito kung gano'n?" ani Vince.

"Bumalik din ako sa Maynila noong lunes. Kinailangang ko kasing magreport sa Fort Bonifacio. Kadarating ko lang kanina. Papunta kina Djonas nang mamataan ko si Sherin."

"Fort Bonifacio? Ibig sabihin, legit 'yang sticker mo?" anang kuya niya na kalalabas sa talyer, akay nito ang motor.

"Yes, Sir."

"At hindi mo talaga huhulihin ang kapatid ko?"

"Hindi po, Sir. Kakamustahin ko lang po sana siya," tumingin ito sa kanya. "Kaso, imbes na tumigil, humarurot pa," nailing ito, pero nakangiti naman.

"Sorry na," nakapeace sign pa si Sherin. "Akala ko kasi..."

"Kung matatagalan pa ang kamustahan niyo ay sa loob na kayo mag-usap," anang kuya niya na sumakay sa motor at binuhay na ang makita. "Uuwi na ako, bunso. Ikaw na ang bahalang magsabi kay Tatay na dumaan ako."

Tumango siya. Lumuwas ng Maynila ang ama para bilhin ang piyesang kailangan para matapos na ang kotseng nirerepair nito. Ang vintage na kotse ni Vince na hanggang ngayon ay nakaparada pa rin sa talyer nila.

"Sige, Kuya, ingat ka. Ikamusta mo na rin ako kay Ate Jo at sa mga bata."

Tumango ang kuya niya, "Dadaan lang muna ako dito kina Paul at may ibibilin din ako," anito bago pinatakbo ang motor.

"Hindi na rin ako magtatagal. Tiyak na inaantay na ako ni Djonas. Pinapupunta niya ako sa kanila ngayon," ani Jason na muling lumulan sa motor.

"Ngayon? So hindi ka makakattend sa binyagan bukas?"

"Aattend ako, syempre. Nasabi sa akin ni Djonas na bukod sa Monday group ay invited din ang mga classmates natin. Gusto kong personal na makamusta ang ibang classmates natin, pero gusto din ni Djonas na makapagkwentuhan kami na kaming dalawa muna kaya ngayon na ako pupunta, dahil tiyak na bukas ay puro inuman na."

Cheatmate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon