Chapter 7

693 56 17
                                    

"Bakit nag-iisa ka? Gusto mong lumipat sa area namin?" ani Sherin kay Dahlia. Paglabas ng comfort room ay nakita niya itong walang kasamang nakaupo sa bleachers. May CAT formation kaya kahit sabado ay nasa school grounds sila.

"Nasa CR din ang mga classmates ko. Nauna lang akong lumabas," nakangiting sagot nito.

Tumango siya, "Akala ko wala kang kasama. Pero kung dumating yung time na mawalan ka ng kasama, pwede lang lumapit sa akin. Ipakikilala din kita sa mga kaibigan ko," aniya na itinuro kung saan nakaupo sina Sherin, Armida, Angelie at Shanina. Nasa covered court sila ng school at nagpapahinga. Break time lang pero mamaya ay balik formation na sila.

"Sige," nakangiting sagot nito.

"Hi, Dahlia," ani Vince na nakisingit muna ng bati bago muling bumalik sa pagdepensa.

Break time nila pero ang mga kaklase niya ay naglalaro ng basketball. Kakampi ni Vince sina Benj, Owen, Anton at Dennis, kalaban ng mga ito ang iba pang miyembro ng basketball varsity.

Ngumiti ang babae kasabay ng pamumula ng pisngi. Napailing na lang si Sherin, "Sige, balik na ako do'n sa mga kaibigan ko," aniya nang makitang palapit na ang mga classmates ni Dahlia.

"Aba ina, sumisimple sa crush niya," ani Angelie na tatawa-tawa paglapit niya. Hindi na niya kailangang sabihin sa mga ito na girl crush niya si Dahlia dahil kabisado na rin ng mga ito ang mga katangian na hinahangaan niya sa mga babae.

"Pero alam mo, babaknet, sa totoo lang, mag-ayos ka lang, pabahain mo ang buhok mo, iwasan mo ang pagsamang magbasketball sa mga kuya mo, tapos isuot mo yung isa sa mga dress na regalo ko sa iyo, mas malaki pa ang ganda mo sa mga babaeng crush mo," ani Jeraldine.

"Yang dress na naman na iyan," nalukot ang mukha ni Sherin. Tatlo na ang regalong dress sa kanya ni Jeraldine at noong linggo lang ay pinipilit siya nito na isuot iyon noong magsisimba sila. Na syempre ay hindi niya ginawa, dahilan para magtampo ang kaibigan. Kahapon lang nawala ang tampo nito sa kanya.

"Eh di lalo nang dumami ang nagkacrush diyan kay Sherin. Yun ngang mamaton-maton, may alam akong may gusto sa kanya," ani Shanina na taas-baba ang kilay.

"Siya nga? Sino?" ani Angelie sa nanlalaking mga mata.

Ngumiti si Shanina, "Secret muna."

"Ito, pang-asar. Hindi pa sabihin! Parang hindi tayo friends!" ani Angelie na biglang nagsalubong ang kilay.

"Teka, 'yong may crush ba kay Sherin, kung sakali, possible boyfriend ba 'yan, o girlfriend?" Kunot-noong tanong ni Jeraldine.

"Wala sa plano ko 'yang pakikipagrelasyon," singit ni Sherin.

Kahit close siya sa mga kuya ay inirerespeto pa rin naman niya ang awtoridad ng mga ito. Kinukunsinti siya ng mga kapatid sa halos lahat ng bagay, pero nagkakasundo ang mga ito sa paki-usap na wag muna siyang magboboyfriend habang nag-aaral. Nang tanungin niya kung bakit ay sinagot siya ng totoo. Base sa experience mismo ng mga ito, sa ganitong edad ay puro eksperimento pa raw ang ginagawa ng mga lalaki. Lahat sinusubukan, lahat inaalam. Alak, bisyo, lalo na pagdating sa mga babae. Pero ang lahat ng iyon ay dala lang daw ng kusyosidad at hindi naman seryoso. Mapaglalaruan at masasaktan lang daw siya kung papatol siya sa kahit na sino. Sabi ng mga kuya niya ay oras na magtapos na siya ng kolehiyo ay hindi na hahadlangan ng mga ito kung papasok na siya sa seryosong relasyon.

At ang katapatang iyon ng mga kuya ang totoong dahilan kaya nagdesisyon siyang 'wag isama ang pakikipagrelasyon sa prioridad. Alam niyang kapakanan niya ang tinitingnan ng mga ito. Kaya sa ngayon, okay na siya sa mga crushes.

Cheatmate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon