Chapter 13

695 65 23
                                    

Napaismid si Sherin nang mamataan ang lalaking nasa counter at kausap ni Mechie. Birthday ni Fatima at hindi niya inaasahang nasa labas ng bahay nila ito ngayon, lalo na't kung pagbabatayan ang suot nitong uniform ay mukhang tumatao pa sa hardware store.

Pero unti-unting nabura ang ismid niya nang narealize na mas mabuting wala sa bahay nila si Vince. Kinukulit siya ni Famita na pumunta sa bahay ng mga ito. Ilang taon na siyang hindi nadalo sa birthday ng kapatid ni Vince at ayon dito ay magtatampo na itong talaga kung hindi siya pupunta ngayon.

At unti-unti siyang napangiti nang mapagmasdan ang seryosong mukha ng teller na kausap nito.

Dahil wala namang ibang taong naroon ay siya na kaagad ang tinawag sa kabilang counter.

"Good afternoon, Dess," nakangiting iniabot niya dito ang deposit slip at bungkos ng pera na idedeposit. Kita iyon ng talyer.

"Good afternoon din," nakangiting sagot nito, inumpisahan nang i-process ang idedeposit niya.

"Miss Sherin," Ang nakangiting mukha ni Menchie ang nalingunan niya, "Noong pumunta kayo dito last time, sabi ko parang pamilyar kayo, pero hindi ko lang kaagad maisip saan kita nakita. Tapos nasabi sa akin ni Dess na writer ka nga daw po. Meron akong mga novels mo, kaso nasa amin. Hindi ko dala."

Ikinumpas siya ang kamay, "Wag na 'yong kayo at po. Para naman tayong hindi magkaedad niyan. At salamat, ha. Reader pala kita." Napangiting lalo si Sherin. "Inform mo ako kapag nadala mo. Pipirmahan ko."

Ngumiti ito, "Thank you na kaagad."

"Walang kaso. Masaya nga akong makakilala ng mga readers ko. Actually, kapag nalaman kong reader ko, friend na kaagad ang turing ko," aniya bago tumawa.

Tumawa rin si Menchie, "Ay, mas gusto ko 'yon. Masarap ipagmayabang na kaibigan ko na 'yong hinahangaan kong writer."

"Gusto mo, para ultimate bragging, over snack ko pirmahan ang books mo para may pirma na, may picture taking pa tayo," pabirong wika niya.

"Pwede?!" ani Menchie, halata ang excitement sa mukha.

Tumawa ulit si Sherin, "Oo naman. Inform mo lang ako kapag nadala mo 'yong books tapos pag-out mo, saka ko pipirmahan over dinner. Pahingi ng scratch, isulat ko ang number ko para matext mo 'ko."

Dali-dali itong kumuha ng papel at iniabot sa kanya. Matapos maibalik ni Sherin ang papel ay ngumiti ulit si Menchie bago bumaling kay Vince. Ibinalik na ang updated pass book dito.

"Thank you, Sir," pormal na salita nito bago muling yumuko.

Hindi napigilan ni Sherin ang mapatawa nang mahina nang makita ang pagkakakunot ng noo ni Vince. Lalong nagsalubong ang kilay nito nang tumingin sa kanya. Nagkibit-balikat siya at muling bumaling kay Dess.

Umusal lang si Vince ng pasasalamat at saka tumalikod.

"Nakausap ko si Audrey at nasabi niya sa akin na binalaan mo rin siya noon, kaso..." Napalingon muli si Sherin kay Menchie. Nakasunod ito ng tingin kay Vince, may disgusto sa mga mata.

Nagkibit-balikat siya, "Wala, eh. Magaling talagang mambola 'yon si Vicente. Kaya ikaw, ingat ka."

"Oo." Sumulyap itong muli sa kanya, "Salamat sa babala," anito bago binalingan ang panibagong kliyenteng lumapit.

Paglabas ng bangko ay tumingin sa relo si Sherin. Labinlimang minuto makalipas ang ala-una. Mahaba-habang oras pa. Ang alam niya ay kalimitang pasado alas sinko nagsasara ang hardware store nina Vince. Hindi niya kailangang magmadali. Nilakad na lang niya ang Bigbox, ang mini-department store sa lugar nila. May oras pa siyang mag-ikot doon at humanap ng pwedeng ipangregalo kay Fatima.

Cheatmate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon