Chapter 22

822 63 27
                                    

"Anong mangyayari kung sakaling nagtrain ka sa Special Forces, eh, di ba, Scout Ranger ka na?" tanong ni Sherin.

Natigil lang ang pagtatanong niya kanina kay Jason noong nasa sinehan sila, pero ngayong pauwi na sila ay balik na naman siya sa pag-interview sa binata.

Matapos makilala ni Sherin ang kapatid ni Jason ay niyaya na niya ang binatang mamasyal sa mall sa Sta. Cruz para makaiwas sa posibleng awkwardness pagbalik nila sa lamesa.

Pamamasyal na nauwi sa panonood ng sine.

Nagpaalam naman siya sa ama na lalampas sila sa alas-otsong uwi na nauna na niyang naipagpaalam dito dahil alas-otso y medya pa ang tapos ng pelikulang panonoorin nila. Pagkatapos noon ay nagyaya pang magsnacks si Jason.

"Usually ay return to sender after ng completion ng training. Not unless nagustuhan ka at nirequest na matransfer sa division nila."

"Pero pwede iyon na kahit member ka na ng isang military elite group, magtrain ka pa rin sa iba? Hindi ba..." Napatigil ang pagtatanong si Sherin nang muling tumunog ang cellphone. Pinaikot muna niya ang mga mata bago sinagot ang tawag, "Malapit na, Kuya. More or less five minutes nariyan na ako."

"Five minutes? Ang tagal naman," ani Kuya Paul sa kabilang linya.

"Anong matagal? Every minute ka na ngang tumatawag, naiinip ka pa? Daig mo pa si Tatay magbantay."

"Nasaan na ba kasi kayo eksakto?"

Napahawak sa sentido si Sherin. Mas makulit kaysa sa karaniwan ang kuya niya. Pupusta siyang nakainom ito, "Street na natin, Kuya. Three minutes, nariyan na ako. Bye na," aniya na pinutol na ang tawag.

"I'm taking a dose of my own medicine," tatawa-tawang salita ni Jason.

Nagtatanong ang mga mata niya nang tumingin sa lalaki.

"Gan'yan din ako sa mga manliligaw ni Dhey. Mas malala pa nga. Naalala ko noong minsang umuwi ako na nataong may sumundo kay Dhey sa bahay. Ako ang unang humarap. Kinausap ko habang nakacomplete military uniform pa ako," nakangiting paliwanang nito. "Nang maging sila ni Dhey ay niyaya ko sa firing range. Ipinakita kong asintado ako kaya 'wag siyang paloko-loko."

Napatawa si Sherin, "May kalokohan ka rin pala sa katawan."

"Marami. Hindi ko lang pinapakita sa iyo. Saka na kapag sinagot mo na ako," anito na kumindat sa kanya. Itinigil na ang kotse sa tapat ng bahay nila.

Napatawang muli si Sherin pero hindi na nagkumento. Inalis na lang niya ang seat belt.

"Alam mo namang kaya ako narito ay dahil sa iyo, di ba? Gusto kong ligawan ka, Sherin," anito na inabot ang kamay niya.

Napatingin siya sa mga kamay nito. Bumuntong-hininga si Sherin, "Cap..."

"May isang linggo pa ako bago bumalik sa detachment. Pwede bang hayaan mong sa isang linggong iyon ay ipakita ko sa iyong malinis ang hangarin ko?"

Napakislot si Sherin nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Paglingon niya ay si Kuya Paul. Kaagad niyang hinila ang kamay at binuksan ang pinto.

Bumaba din ng kotse si Jason, "Magandang gabi po, Sir."

"Magandang gabi naman. Salamat sa paghahatid sa kapatid ko. Makakaalis ka na," anang kuya niya, halata sa boses, maging sa mabuway na pagkakatayo, na hindi lang ito basta nakainom. Lasing talaga ito. Inakbayan siya nito saka humakbang papasok sa bakuran nila.

Napailing si Sherin. Hindi naman mahilig mag-inom ang kuya niya kaya malamang na dinayo na naman ito ng ilang kaibigan. Lumingon siya kay Jason. Pasunod ito sa kanila pero sinenyasan niya ang lalaki na huwag na, "Thank you at ingat ka."

Cheatmate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon