"Tay, sure ka bang wala kang ipabibili?" ani Sherin nang lumabas ng bahay. Napadouble take siya dahil maluwag ang talyer. "Natapos niyo na rin po ang kakarag-karag na kotse ni Vicente?"
Mula sa kinukumpuning truck ay tumingin sa kanya ang ama, "Hindi basta kakarag-karag na kotse iyon, anak. Vintage Ford Mustang 'yon. At kung sakali naman, kilala mo naman ang kalidad ng trabaho ng tatay mo, kahit sabi mo nga' y pusporo na ang kailangan ay napapatakbo ko pa."
Napangiti siya, "Sabi ko nga po. Galing talaga ng tatay ko," aniya na yumapos sa bewang nito, isinandal niya ang pisngi sa likod ng ama. Nang humuwalay siya sa ama ay nakisilip siya sa makina ng truck na kinukutingting nito. "Narito pa 'yong Mustang kahapon, di ba? Kailan niyo po natapos ang restoration project niyo do'n sa kotse?"
"Kahapon din. Pero kaninang umaga lang kinuha ni Vince. May pupuntahan daw at iyon ang gagamitin."
Nagkibit-balikat si Sherin, pero nagtaka rin. Pumunta pala sa bahay nila kanina ang binata pero hindi siya inabala. Nasasanay na siya na nitong mga nakalipas na araw, basta dumating ito ay ginagambala siya. Kesehodang nasa kwarto siya, nagluluto o kaya ay naglalaba. Lalapitan siya nito para bigyan ng pasalubong, na madalas ay mga pinoy kakanin, minsan naman ay imported chocolates.
Pinasadahan ng tingin ng ama ang suot niya, "Sigurado ka ba na iyan ang isusuot mo, anak?"
Niyuko ni Sherin ang sarili. Naka back and white stripped t-shirt siya na nakapaloob sa ripped boyfriend jeans. Nakatupi ang laylayan ng pants niya. Chuck Taylor's na puti naman ang kanyang pamaa. Ang mahabang buhok ay naka-pigtail braids, pero may suot pa rin siyang baseball hat na puti. Ang tanging accessories niya ay relo. Ang cellphone at notebook niya ay nasa itim na sling bag.
"Wala namang mali sa suot ko, Tay."
Bumuntong-hininga ang ama niya, "Hindi ka man lang ba magbibistida, bunso? Mas magandang tingnan iyon lalo na't makikipagdate ka."
Kumunot ang noo ni Sherin, "Date? Sinong may sabing date 'to? I-interview-hin ko lang si Jason, Tay.
"Kung interview lang at bakit kailangang sa Sta. Cruz pa kayo pumunta? Pwede naman dito sa bahay o kaya'y diyan sa Food Court malapit sa palengke."
"Nadoon kasi yung preferred niyang restaurant. Nakakahiya namang aabalahin ko na nga 'yong tao, hindi ko pa pakakainin sa restaurant na gusto."
Binitawan ng ama niya ang pliers na hawak, pinunasan ang grasa sa mga kamay saka tumingin sa kanya, "Tumanda na ako nang ganito, anak, at alam ko unang tingin pa lang kung may nararamdamang espesyal ang isang lalaki sa isang babae. Nang sumunod siya dito kahapon para ipagpaalam ang paglabas ninyo ay batid ko nang may espesyal siyang pagtingin sa iyo."
Napatawa si Sherin. Naalala ang nangyari kahapon sa mismong talyer nila. Pagtigil pa lang ng kotse ni Shanina sa tapat ng bahay nila ay nagulat siya nang kasunod nilang dumating si Jason. Ayon dito ay ipagpapaalam siya sa ama.
Lumingon siya sa kalsada nang may pumaradang kotse doon. Hindi naman heavily tinted ang kotse kaya kita niyang si Jason ang driver noon. Isa pa'y inaasahan na niyang kotse ang dala ni Jason dahil nang ipagpaalam siya nito kahapon ay sinabi na kaagad ng kuya niya na kung sa big bike siya isasakay ni Jason ay hindi ito papayag na sumama siya.
Bago pa makababa si Jason ay sineyasan na niya ang binata. "Alis na po kami at baka kung ano-ano na naman ang itanong niyo sa i-interview-hin ko," mabilis siyang humalik sa pisngi ng ama.
"Ingat, Sherin." Si Kuya Paul ang nalingunan niya. Nakatingin ito sa kotseng susundo sa kanya.
"Opo, Kuya. Bye, Tay," aniya bago tuluyang lumulan sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Cheatmate (COMPLETED)
RomanceClassmates Series Book 2 The tomboy and the playboy. Best Buddy. Best friends. 'Yan sina Sherin at Vince noong high school. Pero hindi akalain ni Sherin na ang babaeng ipinakilala niya kay Vince ang magiging dahilan nang pagkasira ng pagkakaibigan...