Chapter 00

71 1 3
                                    

A/N:Important!
The time frame of this story is 3 years after Enhypen's debutation. Inadvance ko so that it would fit the scenes that I wanted to happen. Basically,Heeseung is 23, Jasuke 22, Sunoo 21, Jungwon 20 and Ni-ki 19. (Korean age) Furthermore,this story will not contain any mature scenes because respect chooses no age. Whether the boys are minors or not, respect must be observed all the time:)

P.S. this story will be written in English and Filipino. Happy reading my fellow engenes:)

It was around eleven in the morning at halos tumalon ako palabas ng bahay dahil sa pinaghalo-halong emosyon, excitement, kaba, at saya. Hindi ko na alam kung ano bang dapat maramdaman. I will be attending Enhypen's fansigning event at eto ako madaling-madali kahit dalawang oras pa bago magsisimula.

Para kong tanga na pangiti-ngiti sa kawalan habang bitbit ang mga hinanda kong regalo para sa kanila. Nagpractice na rin ako ng pick-up lines, nagbabaka-sakali na baka tumatak ang joke ko sa isipan nila.

I prepared a pack of mochi for Sunoo, alam ko kasing mahilig siya sa matatamis. Tapos nagdala naman ako ng bunny headband na isusuot ko mamaya kay Jungwon, gustong-gusto ko talagang pisilin yung pisngi niya pati na rin pindutin yung napakalalim niyang dimples. May dala naman akong dog food and toys para kay Layla- aso ni Jake. Naisip ko kasi na ako ang kauna-unahang fan na magreregalo sa aso niya, for sure di niya ko makakalimutan. Binilhan ko naman si Sunghoon ng nailcutter, oo di ka nagkamali ng nabasa, para meron siyang pang-maintain sa kuko niya na mas maganda pa sa'kin. Nagdala naman ako ng bunggeopang para kay Ni-ki at isang pack ng ramyeon para kay Heeseung.

At itong pinakamalaking paper bag ko ay para naman kay Jay. Mahal ko silang lahat pero normal lang naman magkaroon ng bias. Lahat naman siguro tayo ganon diba? There will always be this person who stands out the most in your heart and that doesn't mean that you're a solo stan. You still support all of them but it just happens that this one person made a huge impact on you.

Jay became my bias mainly because of his character. He is determined and strong-willed. He knows what he wants. He acts strong and tries to be cool around people but he's an actual softie inside. Hindi ko naman siya kilala personally pero ang lakas ng impression sakin ng ugaling pinapakita niya. Idagdag mo na rin na gwapo siya. Hindi ko yun idi-deny dahil saksi naman lahat ng may mata.

I bought a beginners book for Fashion Design dahil alam kong dito siya interesado. Nakakatuwa lang din dahil pareho pa kami ng hilig. I also bought a bottle of honey because I know he needs it whenever he is stressed. Nagdala rin ako ng ilang fanarts na pinaghirapan kong gawin para sakanya. Masyado ko talagang pinaghandaan ang mga regalo ko para sakanila kasi isang beses ko lang naman tong magagawa.Supporting your idols is okay lalo na kung napapasaya ka ng ginagawa mo but you still have to set your priorities straight. Kaya ngayon,susulitin ko na ang lahat. It's just sad to think that one day, all of this things will just become a beautiful memory of our youth.

Bago ko makalimutan, may isa pa kong regalo para sa kanila. Isinama ko na lang sa paperbag para kay Jay. I recorded a song for them. Simpleng accapela lang at sinave ko sa USB. Gusto ko lang subukang kantahan sila, kasi every fanmeeting events,napapansin ko na maraming nagrerequest sa kanila na kantahan tayo. Kaya ngayon, bakit kaya hindi naman ako ang kumanta para sakanila?

Pagsakay ko ng taxi ay agad kong narinig ang kanta nila mula sa radyo.

"I'll give you my lo-lo-love, I'll give you my love. I'll be your boyfriend."

He's into a Fangirl (MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now