Chapter 02

33 2 3
                                    

2 weeks later...

I was just standing in front of the Hybe building dahil hindi ako makapaniwalang nangyayari ang mga bagay na 'to. First, being able to step inside this building is a far-fetched dream. Second, being Enhypen's manager seems impossible for every fan out there and Third, hindi ko alam kung anong klaseng swerte and dumapo sakin para pagpalain ako ng ganito.

Napahawak ako sa batok ko habang pinagmamasdan ang pagkataas-taas na gusali. It was so huge and wonderful, at mas lalong nakakaproud lalo pa't alam ko kung paano nagsimula ang kompanyang ito. This building symbolizes the hard work, passion and success of all the people who were here from the very beginning. And as the bighit family grows, or should I say hybe family, I can also see how hardworking their new artists are. These are my observations as a fan pa lang, but what excites me is that, i'll be a part of this family soon and i'll get to experience what it feels like to be in the same work environment as them. It is such an honor kahit pa sabihing dalawang buwan lang ako dito.

Sinalubong ako ni Changmo sa lobby at hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda ng loob. My mouth turned into a big 'O' at kung hindi lang ako pumasok dito para magtrabaho ay malamang nagtatalon na ko. Lory you are finally living the dream! 

Changmo eyed me weirdly dahil hindi ko mapigilang ngumiti. Yung feeling na hindi ko talaga magawang pigilan yung saya and it freaking shows! He offered me a bottle of cold water para ata mahimasmasan ako kahit papano, while he explained kung anong una naming gagawin. Pinaalalahanan niya rin ko about the do's and dont's as a manager.

"Lory...being star struck is understandable, but please don't lose your composure and remain professional at your best. You're a manager here, not a fangirl." striktong paalala ni Changmo sakin. Alam ko naman yun and i'll do my best to do so. This is a huge responsibilty at hindi ko sasayangin yung tiwalang binigay sakin ng pinsan ko...but for now, pwede bang kiligin muna?

Pumunta kami sa isang mini conference room at dun ipinaliwanag sakin ni Changmo yung mga dapat kong gawin. Magsimula sa schedule ng Enhypen for music shows, fanmeeting, photoshoots at marami pang iba. He also gave me a quick tour sa floor lang ng Belift Lab dahil wala naman daw akong kinalaman sa iba pa. Dun na rin pala ko titira sa dating dorm ni Changmo, katabi lang ng sa Enhypen dahil sa paggising pa lang nila sa umaga ay simula na ng role ko bilang asawa.. este manager pala.

"Are you ready to meet them?" huminto kami ni Changmo sa harap ng malaking pinto, bahagya itong nakaawang kaya naririnig ko yung tugtog mula sa loob. Napamura ko sa isip-isip ko. Putang ina po with respect!Parang gusto kong tumili at magtatalon sa tuwa.

"Sandali wait, time first!" para kong nagrarap sa bilis ng pagkakasabi ko.

"Lory..."natawa ko sa reaksiyon ni Changmo kasi yung itsura niya parang nagsisisi ata na ako yung kinuha niya. Hindi niya kasi alam na fangirl ako nung una, but he already made the offer kaya wala ng bawian!

Nagpaalam muna ko para mag-cr dahil gusto ko munang pakalmahin yung sarili ko,but on second thought, is it really possible for an engene to be calm in front of Enhypen? seryoso kaya ba?

Dirediretso akong pumasok sa cr at nang wala kong makitang tao ay agad akong impit na tumili at tumalon-talon.

"i'll be your girlfriend~" pakanta kong sambit sabay suntok sa hangin. Sinayaw ko pa yung iba nilang choreo ng mapansin kong hindi na pala ko nagiisa sa loob ng banyo. 

I was flustered and I felt like my whole body frozed for a second. Sobrang nakakahiya.. to the point na gusto ko na lang tumakbo pauwi sa bahay, pero hindi ko yun pwedeng gawin. Like what Changmo said, I must remain professional. 

I composed myself and act like nothing happenned. Hindi ko alam kung pano ko yun ginawa. naghugas pa ko kunwari ng kamay as if hindi talaga ko affected, but when I look at the mirror, i saw how Jay's lips rose into a crooked smile. Sa totoo lang kanina pa ko nagpa-practice on how to put a great first impression, but it's all ruined now. At sa lahat ba naman ng tao siya pa. baks nakakahiya...

He's into a Fangirl (MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now