Chapter 6:His Pov

6.2K 192 2
                                    

William's Pov

Habang hinaplos ko ang buhok ni Mika ay naalala ko yung mga oras na kasama ko siya. Hayy..

"I Miss you" I really miss her. Nagising naman si Mika at papupungay pa ang mata. Tsk. Iinum inum di naman pala kaya.

"Bashet ka nandito? Hmm..." Tsk ano ba naman sasalita tutulog naman din kaagad.

Hinalikan ko na ang noo ni Mika. Wala lang ganito kasi ako sa kanya. Hinahalikan ko sya kapag natutulog na o bagong gising. Aaminin ko nangungulila pa rin ako sa kanya.

Bukas ko na lang to papaka-inin di naman din niya siguro kaya.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko. Nahagip kaagad ng mata ko ang litrato na aking minamahal. Napangiti na lang ako ng mapait.

Kinuha ko kaagad ang litrato at pumunta dun sa veranda.

Asan ka na ba? Nakalimutan mo na ba talaga ako?

Tinigan ko ang litrato at hindi ko talaga maikaka-ila na maganda siya.

"I miss and I Love you Lorrina Zanches"

Who's Lorrina? She's my fiancèe. I used to call her Lorri. Pinagkasundo kami ng parents namin noong college ako at high school pa siya. Una mag-kaaway kami, para nga kaming aso't pusa.

Pero as the time pass by, nahulog ako sa kanya ako pa nga ang unang nagtapat na mahal ko sya. Sinabi niya rin na mahal din niya ako.

Mula noon para na kaming mag-asawa pero may mga limitation pa rin. Nag-sstay siya sa condo ko pero kailangan ko na siyang mai-uwi bago mag-12 midnight. At nirerespeto ko siya, di ko siya ginagalaw dahil gusto ko na 'yun' gawin kapag kasal na kami.

Pero nga naman ang panahon. Di mo malalaman kung anong plano. Na-aksidente siya. At ang pinaka-masakit pa ay yung di namin makita ang bangkay niya. Hinanap namin siya ng dalawang taon. Ginamit ko lahat ng mga connection ko para mapadali ang paghahanap sa kaniya. Pero damn! Di namin siya makita.

Hanngang sa sinabi ng papa ko na wala na siya. Dapat ko daw yung tanggapin. Siguro tama sina mama at papa. Dapat ko na atang tanggapin na wala na ang mahal na mahal kong babae. Ako lang din naman ang masasaktan.

Nag-focus ako sa kompanya ko. Para maibaling ang atensyon ko sa iba. I've been an workaholic. Nalilimutan ko na siya sa isipan ko, pero hinding-hindi sa puso ko. She'll only be the girl that I love and forever will be.

Kung nagtataka kayo bakit ko tinaggap na mag-pakasal sa kanya. Its not because that I love her. Pangalawa kong kita sa kanya ay naalala ko sa kanya si Lorri magkahawig nga ata sila eh.

Noong sinabi niya sa restaurant na gusto lang daw niya ng civil wedding ay nagalit ako dun, dahil akala ko matatapakan pride ko dun. Pero nag-explain naman siya, kaya na-intidahan ko. I really feel sorry for her.

At ang plano ko kapag kasal na kami ay dito ko siya patitirahin sa bahay ko. Madami akong kaaway na nakapaligid sa akin kaya mabuti na yung sigurado.

Since I'm the third powerful bussinessman in Whole asia, its my pleasure to marry like her. At sila din yung nasa ikalawang pwesto na pinaka-makapangyarihan sa buong asya. Noon ko lang nalaman na may hinahawakan din naman pala si Mr. Perez na isang mafia organization. At alam ko na hindi sila basta-basta susunod sa akin. Sa anak ng boss lang sila susunod at yun ay si Mika.

Siguro wala pa siyang alam tungkol sa mafia ng kanyang papa. At kapag nakasal na kami, we will be the no.1 position in bussiness world. At sigurado akong magiging madaming threaths ang matatanggap ko kaya kailangan kong pag-igihan ang mga trabaho ko.

Good thing nandyan pa ang mama at papa ko. Tinutulungan nila ako sa mga trabaho. And pinabantayan ko na din sila 24/7 alam yun ni papa, kahit malupit ang papa ko mahal ko pa din yun.

Haisst kani-kanina lang tinawagan ko yung secretary ko na ipa-cancel lahat ng meeting ko. I already made my decision. 'Cause starting tommorow everything will changed.

Im going to marry her

-------------------------------------------------------------------

Sorry guys short update kinakalawang kasi yung utak ko -__-

Please comment kung may mga suhestiyon kayo.

Wag niyo kalimutang mag.vote. ^0^

Married to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon