Chapter 8: To a Mafia

6.7K 257 19
                                    

Ela's pov

"Iha,glad you came"  nakipag beso-beso naman si tita. Pinapunta kasi niya ako dito, may sasabihin daw syang importante.

"Have you already eaten?" tanong niya, tango lang naman ang sinagot ko. Dahil kinkabahan ata ako. "ok, let's go" pumunta na kami sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan ito pupunta pero maraming mga kahoy ang dinadaanan namin.

Huminto ang kotse sa maliblib na lugar, i dont know. Basta madaming naka-itim,at yung isang kamay parating nakalagay sa loob ng suit nila.

"Come iha, follow me" Sinundan ko si tita patungo dun sa isang pintong bakaal at masasabi ko na talagang RPG lang ang makakabukas nito kung may mga intruders man dahil sa sobrang lapad nito.

Pagpasok namin ni tita ay agad bumungad sa amin ni tita ang mga malalamig nilang tingin pero agad din silang tumayo at yumuko bahagya bilang paggalang.

Pwera lang sa isang lalaki na hindi tumayo at busy lang sa kanyang laptop, tinapunan niya lang kamin ng tingin at biglang kumalabog ang dibdib ko nang tumingin sya sa akin, ako na ang unang nag-iwas ng tingin.

Pumunta si tita dun sa swivel chair na nasa center at nasa kaliwa yung lalaki naka-upo. Sinenyasan naman ako ni tita  na umupo dun sa kanan, so bale pa-oblong yung lamesa.

Sobrang seryoso ng lahat at nakapaligid sa amin ang iba't-ibang klase ng mga baril na nasa dingding nilagay. Lahat seryoso.

Nakapagtataka kung bakit ako nandito...kami ni tita. Tinignan ko si tita na pinaparating 'bakit tayo andito'

"Iha, listen to me, very well" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni tita pero kahit papaano tumango lang ako.

"Alam ko kanina mo pa gustong itanong kung bakit tayo nandito at bakit madaming baril" hindi na ako sumagot at nagpatuloy si tita sa pag sasalita.

"Iha, alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng Mafia?"

"Yes tita alam ko yan, at Illegal ang mga business nila at sila yung mga taong di natatakot pumatay. Wait... Tita why are you asking me about that Mafia thing, don't tell me..." kinabahan naman ako sa iniisip ko ata sa sasabihin ni tita.

"Yes, iha your conclusions are right, this people around you are A members of a Mafia and their leader is your Father"

Lumaki naman ang mata ko at napasinghap, nakikinig lang ang mga tao dito sa loob at walang nag-iingay. Pwera na lang sa isa na busy sa pagtitipa sa kanyang laptop.

Teka, so ibig sabihin nakapatay na ng ilang beses si papa dahil hindi sya magiging lider nito kung hindi sya nakapatay ng tao ng ilang beses.

"How did that happen Tita? Mahirap makabuo ng isang Mafia org."

Huminga muna ng malalim si tita bago nagsalita.

"Yung mga angkan mo iha ay nagsimula bilang mga gangster sa tabi-tabi. Hindi ko alam ang buong kwento pero naging isang Mafia organization na ang hinahawakan ng Great Grandpa mo, na pinasa niya sa papa mo. Ang mga lider ng mga Mafia ija ay tinaguriang mga walang puso. Pero nagkalaman sa papa mo ng magkita sila ng mama mo. Isang anak ng Mafia din ang mama mo only child ang mama mo kaya siya ang naging heiress. Magkalaban ang Mafia ng papa at sa mama mo. May nabuong away, a mafia war.

Nagbabarilan ang Mga miyembro ng bawat Mafia. Nandun ako, bumabaril din" Nabigla naman ako sa sinabi ni tita.

"I've already killed people Ela, not just once nor twice but many times. Ok, back to the story. Nagtuos ang mama at papa mo. Hindi ko alam pero nang nakita nang papa mo na may kasamahan syang babaril sa mama mo. Imbes na ang mama mo ang barilin ay yung kasamahan niya. Sinundan ko sila at nakita kong nahimatay ang mama mo dahil nadaplisan pala ito. Humingi nga ng tulong ang papa mo sa akin. Dinala ng papa ang mama mo sa sekretong apartment niya. Tumakas sila sa labanan"

Married to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon