Chapter 7: Married

6.2K 179 3
                                        

Ela's POV

What time is it? Ugh! 12:32 na,. Nakasuot ako ngayon ng puti na cocktail dress at pula na platform heels. Bakit ako naka-suot ng ganito? Ngayon lang naman kasi ako ikakasal. Tch.

*Flashback*

Tinignan Ko ang orasan sa bedside table Ko... ko? At bakit parang hindi ito ang aking kwarto.

"Ouch!" Ugh. Ang sakit ng ulo ko. Ano ba ang ginawa ko kagabi? Ahh. Nag-usap kami ni Rafael, Pumunta kami sa bar at "Aray!!" Ang sakit talaga ng ulo ko. Di ko na matandaan. Tinignan ko ang suot ko at nabigla na lang ako nang di ito ang suot ko kagabi.

"Aaahhhhh!!!" Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok dun ang gwapong nilalang.
"What the Fuck?!" Mura na naman!

"Hoy lalake ka! Anong ginawa mo sa akin?! Nantsansing ka kagabi no?! Bakit iba na ang suot ko?! Sagot!!!" Hinihingal akong sabihin yun. Full force ko kaya yun. Hindi ko naman masabi na na-devirgenized ako.

Di naman masakit yung 'ano' ko. Duh! Alam ko kaya yan. Mga klasmeyt ko nga noong high school ako uso ang joogle na word sa amin.

(A/N: Joogle po mean sa amin Sex XD )

"What the! Fuck! No! I'm not the one who change your clothes its Manang Olga . Tss. Paranoid." Napabusangot naman ang mukha ko sa sinabi niya.

"Mika" tawag pansin niya sa akin. Umupo siya dun sa iisang couch. Pumikit siya at huminga ng malalim at tumingin sa akin.

"Mika, let's get married today. And I don't take no for an answer." Yun lang ang sinabi niya at umalis kaagad.

*End of flashback*

Di talaga ako makakasabi ng No. eh! Umalis kaagad. Tch.

Ok lang naman sa akin eh. Hay Di pa to alam ni tita at Yany. Bukas ko nalang to sasabihin. Ang bilis ng pangyayari.

Una namatay sina mama at papa. Pangalawa kinausap ako ni att. Tungkol dun sa last will testament. Pangatlo na-meet ko yung gwapong halimaw at ngayon ikakasal na ako.

At kung tinatanong niyo kung asan siya? Naku! Umuna na siya, ihahatid lang daw ako ng driver nila.

"Mam ihahatid na po kita" ay! Ito na pala.

PUMUNTA na kami sa kotse. Habang bumabyahe ay iniisip ko yung sinabi ni tita kanina sa cellphone.

*Flashback*

Nagbibihis ako at nag-readey para sa kasal 'namin' na sinabi ni Rafael ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkita ko si tita pala. Ano kaya ang problema at tumawag siya?

"Ela..." mariing sabi ni tita

"Ta, ano pong problema?"

"Pumunta ka dito, dito sa bahay ko" sobrang seryoso ang tinig niya...

"Tita, alam kong mabibigla ka, pero ikak---" nang biglang bumukas ang pinto.

"Mika, handa ka na? Uuna na ako" kunot noo niyang sabi. "Sino yan?" Habang papalapit sa akin.

Sinenyasan ko din naman siya na diyan lang muna siya. Pumunta ako dun sa terrace.

"Ela, sino yun?"

"Si Rafael po tita"

" Bakit ka nandyan?" Malamig na tanong ni tita

"Kasi ano po tita...uhmmm... wag ka pong mabibigla pero ikaka---" ng biglang may kumuha sa cellphone ko at pinatay.

"Oi! Akin na nga yan"

"Tch. No, Mamaya na."

"Pero, Raf, kailangan tong malaman ni tita

"Na ano?"

"Na ikakasal na ako" halos pabulong ko nalang na sabi na nakatingin sa kanyang mga mata habang kinakagat ko yung ibabang labi ko. Umiwas din naman kaagad siya at ganundin ako.

"*ehem* Mamaya na lang wag kang mag-alala sasamahan kita bukas"

"Ok" at umuna siyang umalis.

*End of Flashback*

Pagkadating namin dun sa opisina kung saan kami ikakasal ay nakita ko na dun si Rafel na may lalaking katabi at ang nakapag-sorpresa sa akin ay nandun si Yany.

Patay! Magtatampo ito dahil sa iba pa niya nalaman.

"I called her to be your witness" sabat naman ni Rafael. Lumapit naman kami ni Yany sa isat-isa.

"Bakit di mo man lang sinabi sa akin?" Sabi niya na nagtatampo na galit? Aish.

"Sorry brad. Hehe" awkward kong tawa.

"Maya na yan" Sabi ni Rafael

Sinimulan na ng Attorney ang pagpapakasal sa amin. Ginawa na ang proseso at nagkapirmahan na at...

"You may now kiss the Bride" sabi ng Mayor

Di ko inaasahan na hahalikan ako ni Rafael sa labi. Nakadilat ako nung hinalikan niya ako. Pumalakpak yung kasama ni Rafael.

Ngumiti si Yany pero pansin ko yung kamay niya na naka-kuyom ng sobrang higpit. Hiniwalay naman ni Rafael yung labi niya sa labi ko.

Baka nagtatampo lang...

------------------------------------------------------------------

Late update. Sorry! Wag niyo kalimutang mag-vote ha :3.. thank you!!!

Married to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon