Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 3:Okay

6.8K 224 2
                                        

Ela's pov

Kani-kanina lang binigay yung sulat at di ko pa na bubuksan.Mamaya na ihahatid ang labi ni mama at papa ang kapatid na din ni mama ang nag aasikaso para sa pag-vivigil dito pati na din sa paglibing.

*tok*tok*

"Ela,lumabas kana"malumnay na sabi ni tita

"Opo tita"sabi ko..

Nandyan na siguro ang mga labi ni mama at papa.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Pagkakita ko sa labas, inilibut ko ang aking paningin. Ang daming tao puro nka itim meron ding nakaputi. Sa paglibot ng aking paningin nakita ko kaagad ang kabaong ng aking mga magulang.

Dahan-dahan akong naglakad patungo doon. Sa bawat hakbang ng aking paa patungo sa kanila,mas bumibigat ang aking pakiramdam. Tumulo na din ang aking mga luha. At ini-iwasan ko talagang humikbi.

Sa pagkarating ko sa kanilang harapan di ko maiwang humikbi. Bakit? Bakit nangyari sa akin 'to?

Ma,Pa?Bakit ang aga niyo naman ata nagpunta sa langit?

Ma,Pa kahit ganito lang ako isang simpleng college student,hahanapin ko ang pumatay sa inyo.Gagawin ko ang lahat mahanap lang ang pumatay sa inyo.Kahit sino pa man ang kailangang gamitin gagamitin ko. Alam ko Mama at Papa nakikita niyo ako ngayon. Miserable. Pero wag kayong mag-alala mama at papa Ipaghihiganti ko kayo.

****araw ng libing****

Ihahatid na namin ang mga labi ni mama at papa.

Kung nalungkot ako noong araw na nakita sa kanilang libingan, mas nakakalungkot ngayon dahil di ko na sila makikita kahit man lang ang patay nila na katawan. Hanggang litrato nalang.

-----

Panay ang tulo ng luha ko sa pagkakita ko na ilalagay na sila sa lupa. Magkatabi lang sila ng pwesto dahil yun ang sinabi ko kay tita.

"Ela, ilagay mo na ang bulaklak mo"sabi ni tita tinanguan ko lang siya bilang sagot.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinalalagyan nila..

Ma,Pa..Sa paglagay ko ng bulaklak nito ay di lang tanda ng pamama-alam kundi isang tanda ng Paghihiganti.

Mahal ko po kayo. Paalam.

Sabay ng paglagay ko nang bulaklak..

"Ela,tara na"sabay kapit sa balikat ko

"Opo tita"

Binuksan na ni tita ang pinto para sa akin,tumingin muna ako sa puntod nila mama. Bye Mama,Papa. Pagrating namin sa bahay ay madami na ang bisita. Tinawag ako ni tita na kumain,pero tumanggi ako at doon nalang sa kwarto.

Naiiyak na naman ako. Pero wag muna ngayon. Nakaka-pagod. Humiga na ako sa aking higaan,pagod na ako mabibigat na rin ang mga talukap ng mga mata ko. Nakaka-pagod. Tuluyan ko nang sinarado ang mata ko.

Napakadilim. Nasaan ako?
"Mama?Papa?"

Inuulit-ulit ko ang pagtawag sa kanila ngunit walang sumasagot.
"Saan ka pupunta Ela?"

"Sino ka? Ba't andito ka?Bakit may hawak kang Baril? Ibaba mo yan" pakiusap ko sa kanya. Ngunit tumawa lang s'ya na parang Baliw.
"Hahaha!!! Ngayon Ela,Ikaw na ang Susunod!"

Bang!

"Aah!"

Panaginip. Isang nakikilabot na panaginip. Sino,sino sya? 'Di ko s'ya mamukhaan. ahh! Masakit pa ang ulo ko para isipin yan. Panaginip lang yun.

KINABUKASAN

Pumunta dito yung Family Lawyer namin.
"Good Morning Ela" Bati ni Mr.Monro sa Akin
"Good Morning din po, Ate pakidala naman ng makakain dito."sabi ko sa aming katulong
"Naparito po kayo?"

"Gusto ko lang basahin at ipaliwanag sa'yo yung last will testament ng papa mo"

"Ano po ba nakalagay Dyan?" Sabay bigay niya nang papeles sa akin.

"Ah,Iha ang sabi jan sa tatay mo makukuha mo lang yaman mo kung Magpapakasal ka" What? Pakasal? Eh,21 years old pa lang ako.

"Pakasal? Wala na po bang ibang paraan dyan?"

"Iha, kung pwede lang sana na baguhin ko yan dahil nag aral naman ako ng abogasya,mababago ko yan. Kaya lang Loyal ako sa pamilya n'yo pero mas loyal ako sa tatay mo. Yan din kasi ang huling kahilingan niya sa akin" mahabang litanya ni att.

"Yun po ba" ok lng naman siguro dba. Pag-nakuha ko na yung yaman makikipaghiwalay ako sa kanya after 12 months. Ok lang matitiis ko. Kailangan ko rin kasi ng pera, gagamitin ko sa aking paghihiganti.

"Ah, att. Pipirmahan ko po" at parang nabigla pa yata s'ya. Sino ba naman ang hindi, eh kasal ang pinag.uusapan hahaha

"Sure ka iha?"

"Opo"at binigay nya sa akin ang papeles"Att. Gwapo po ba yan? Describe niyo daw sya."

"Oo,may itsura at sure akong type mo" napatingin naman ako sa kanya. Kailan niya pa nalaman ang mga type ko? haha.

"Search mo nalang iha sa gogaals" wow! siguro talagang sikat sya ha. "Oh Ito ang Pangalan" sabay bigay niya sa akin ng papel na may pangalan 'William Rafael Mendez' napakunot naman ang noo ko sa pangalan parang pamilyar,ay takte! Di ko matandaan.

"Sige iha lalakad na ako may pupuntahan pa ako" sabi niya sa akin sabay tayo at nakipagkamayan sa akin.

"Sige po, Ingat po Kayo"

Yung letter...

Ay oo nga di ko pa yun nabubuksan.

Pumunta na ako sa kwarto ko at kinuha yung sulat.Huminga muna ako nang malalim at tuluyan na yung Binuksan.

(Gasps!!!)

------------------------------------------------------------------ Please Vote po kayo.. labyu! :* sorry kng last year ko pa to na.update. sorry pooo!

Please VOTE.COMMENT. BE A FAN :-) :-) :-)

Married to a Mafia BossMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon