^_^
_____"I don't want to drink that filthy medicine," aniya ni Sapphire habang nakahiga sa kanyang kama at nakatulala lamang sa kisame.
Why would I drink that? I'm not crazy. Why am I even here?
"Sure Miss Ellison. Babalik nalang po ako mamaya."
Hindi tinignan ng dalaga ang kanyang nurse at wala man lang pake sa paligid niya. Hindi pa niya matanggap ang nangyari sakanya.
Isang oras na ang nakalipas at ganun pa rin ang posisyon ni Sapphire sa kama nito. Nakatunganga at nakatingin sa kisame.
Iniisip niya kung paano ito nagawa sa kanya ng kanyang mga magulang. Sinisisi niya din ang sarili niya sa nangyari. Sa lahat lahat ng nangyari. Kung bakit naging ganito ang maayos niyang buhay.
Bakit ayaw nila maniwala sa akin?
Mukha ba akong sinungaling?
But why did they send me to a mental hospital?
But I'm not crazy. I'm really not. Hindi ako baliw.
Akala ko kaibigan. Akala ko totoo. Sinisiraan na pala ako.
Akala ko mahal ako. Akala ko importante ako. Ginagamit lang pala ako.
I treated them with kindness. But they took advantage of me.
Being here. I don't know what to feel.
All I can say is.. What's wrong with me?
Bumangon si Sapphire sa kanyang kama at tinignan ang papalubog na araw sa kaniyang maliit bintana sa kwarto nito. Hindi niya mapigilang mamangha kung gaano ito kaganda dahil sa anyong kulay nito.
"You're so beautiful." Bulong ni Sapphire sa sarili at nakatingin lang sa papalubog na araw buong magdamag at hindi namalayan na madilim na pala ang paligid.
Sapphire always admires sunsets.
Hindi namamalayan ni Sapphire ang oras. Kahit limang oras na siya nakatulala at hindi gumagalaw ay hindi niya napapansin kung gaano na ito katagal.
She's numb. She became numb all over the years that she's been here.
Nawala lang ang atensyon niya nang may kumatok sa pintuan niya at pumasok ang kaniyang nurse. Meron siyang sariling nurse. Pero kahit anong gawin nito ay hindi pa rin sumusunod si Sapphire.
"Miss Ellison, eto na po ang pagkain niyo." Tinignan niya ang pagkain at nakitang iba naman ang putahe ngayon. May tatlong pirasong broccoli at isang pirasong apple. Meron din itong soup, kanin, at ilang pirasong karne. May kasama din itong tubig na nakalagay sa plastic na baso.
Hindi umalis ang nurse niya at hinintay siya matapos kumain. Hindi pwede iwanan si Sapphire kumain ng mag-isa at baka may masama siyang gawin dahil may butter knife duon at tinidor. Hindi hinahayaan ng hospital na iwanan ang mga pasyente kumain at maligo mag-isa dahil ang iba ay suicidal at baka may gawin itong masama sa kanilang sarili.
Sapphire was suicidal before. When she was still new. But she realized that they won't let her. So she decided to give up and just live her hellish life here.
Naalala niya pa nung kakadating niya lang dito ay sinubukan niyang i-untog ang kanyang sarili sa pader dahil pinapatay siya ng kanyang isip pero madaling nakapasok ang mga nurse at napigilan siya.
Hindi din siya makatulog ng maayos sa gabi dahil paulit-ulit siyang binabangungit ng nakaraan kaya napipilitan siyang uminom ng gamot at minsan kapag hindi na niya kaya ang sakit ay tinuturukan siya para ito ay kumalma.
Binilisan niya ang pagkain dahil hindi siya sanay sa presensya ng ibang tao. Nasanay siya na siya lang ang mag-isa at mas gusto niya iyon.
Ayaw niya na magtiwala. Paano siya mag-titiwala kung ang mga pinagkatiwalaan niya ay sinaktan siya?
Pagkatapos niya kumain ay inassist siya para maglinis ng katawan. Babae ang nurse niya kaya walang malisya nalang sa kanya.
Kakaligo niya lang at nagpalit na siya nang kanyang pantulog. Wala siyang ginagawa buong araw.
Higa. Kain. Higa. Sinusubukan niyang pigilan ang kanyang isip at ibarado ang kanyang utak sa mga bagay na makakasakit lang sa kanya. Pero hindi niya kaya. Unti-unti siyang kinakain ng isip niya. Habang tumatagal ay napapasigaw siya sa sakit. May sumisigaw sa ulo niya. Nakakabingi ito at hindi na niya mapigilan sumigaw ng malakas.
Hawak-hawak niya ang kanyang ulo at sinasabunutan na ito para mawala ang sumisigaw sa kaniyang isip pero hindi niya ito mapahinto. Naririnig niya ang boses ng mga nanakit sa kanya. Naririnig niya ang nanay niya. Naririnig niya ang sampal na binigay sa kanya. Naririnig niya iyak niya. Naririnig niya lahat.
Hindi nagtagal ay dumating ang mga nurse at tinurukan siya nang pang-pakalma at pang-patulog para mawala ang sakit niya.
"Hindi natin siya pwede pabayaan. Mas lalong lumalala ang kondisyon niya. Ni-wala man lang bumibisita sakaniya na kamag-anak. Walang paki sakaniya ang kaniyang mga magulang." aniya ng Doctor ni Sapphire habang tinitignan ito na natutulog ng mahimbing.
"Doc, ayaw niya inumin yung vitamins niya. Hindi din siya kumakain ng marami. Nangangayayat siya." Halatang nag-aalala ang nurse ni Sapphire dahil napamahal na rin ito sa kanya dahil dalawang taon na rin itong nandirito sa Ospital.
"We'll find ways," iyon na lang ang nasabi ng Doctor at umalis na sa kwarto ni Sapphire.
Inayos naman ng kanyang nurse ang kanyang mga gamit na kumalat. At umalis na rin ito pagkatapos.
Walang ka-laman laman ang kwarto ni Sapphire. Pure white. Isang kama na kasya ang dalawang tao, isang upuan at study table lamang ang naroon. Minsan ay ginagamit niya ang kanyang upuan para panuorin ang araw na papalubog para ma-distract sa ibang bagay ang kanyang isip kahit sandali lamang.
For her, the most beautiful things on earth are the sun and the butterflies. Butterflies because she likes how free they are. They can fly and go anywhere they want. Ang iba't ibang kulay ng paro-paro ay kanyang pinaka-nagustuhan. Sobrang ganda nito. Ang araw naman ay dahil pinapaalala ito na bawat umaga, bagong araw at paghihirap. At sa hapon ay pinapaalala nito kung gaano ito kaganda at isang araw nanaman ang nalampasan niya at siya ay buhay pa.
Ang mga damit ni Sapphire ay nasa isang cabinet na maliit katabi ng kanyang kama at puro hospital gown lang ito. Nabibilang lang kanyang sariling damit dahil ang iba ay kinuha ng Ospital at ito ay baka gamitin ni Sapphire sa maling paraan at baka gamitin ito para saktan ang kanyang sarili.
Nagising si Sapphire ng tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw. Gumising siya ng pagod na pagod dahil sa gamot na tinurok sa kanya. At hindi niya namalayan na siya ay nakatulog ulit dahil sa pagod kahit wala naman talaga siyang ginawa kahapon. Ang gamot na tinuturok sa kanya ay malaki ang epekto sa katawan niya kaya hindi na siya nagulat na gumising siya na pagod.
_____
i hope u like it huhu

BINABASA MO ANG
We Found Love (Short Story)
Short StoryEveryone thought she was crazy. But she's not. She was sent to a mental institution. And she can't do anything about it. __ story is written in tagalog&english = taglish