___Pretending. That's what they call it.
You're depressed? They call it dramatic. Pretending. Kulang sa pansin. Ganun naman talaga ang mga tao ngayon.
"Sapphire? Are you still listening?" Pagkuha ng atensyon ng Doctor kay Sapphire na nakatulala at malayo ang iniisip.
Oras nanaman ng weekly check-up nito kay Sapphire. Puro tanong lang naman ito kay Sapphire. At kahit anong gawing tanong ng Doctor ni Sapphire ay parang wala man lang itong paki sa paligid niya
"What now?" Halata sa mukha ni Sapphire na may bahid ng iritasyon ito sa kanyang mukha. Pero pinilit niya na ayusin ang kanyang toni ng boses kahit halatang halata naman na naiinis ito.
They think that they're helping. No one can help me. No one can heal me. Only me can heal my broken self.
Aminin man ni Sapphire ay wala talagang makakatulong sa kaniya. Nawala lahat sa kaniya. Ang kaniyang pamilya, kaibigan, lahat lahat. Ano pa ang saysay ng buhay niya? Kung ang mga mahal niya sa buhay ay wala na?
"I suggest that you should do some of your hobbies. To kill time and make yourself busy." Aniya ng kaniyang Doktor dahil alam niya na hindi lumalabas ng silid nito si Sapphire.
Kill time? I'd rather kill myself.
Hindi maiwasan ng utak ni Sapphire mang-demonyo sa kaniyang sariling utak. Minsan ay narerealize lang ni Sapphire na sobrang delikado ng kaniyang iniisip.
"Sure." Sabi nalang ni Sapphire para matapos na ang usapan at hindi na tumagal. Tutal paulit-ulit lang naman ang sinasabi nito sakanya at hindi din naman ito nakakatulong sa kaniyang mental health.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumalik na si Sapphire sa kwarto niya. Wala ang kaniyang nurse dahil ni-request niya na kaya niya na ang sarili niya at grabe pa ang pinagdaanan niya para mapilit na huwag muna siya bantayan ng kaniyang personal nurse. Sa tagal-tagal niya dito ay wala na siyang interes pataying ang sarili niya dahil alam naman niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya hahayaan ng mga naka-paligid sa kaniya.
Nagtataka siya kung bakit pilit nila pinipigilan magpakamatay ang mga tao dito sa Ospital. Diba dapat kapag hirap na hirap na at di na makabangon ay dapat tapusin na ito para mawala ang sakit? Pero hindi. Umaasa pa rin sila na maaayos ang kanilang lagayan kahit wala ng pag-asa.
Kinuha lahat ng gamit niya. Phone. Pens. Lahat ng pwede niya gamitin para saktan ang sarili niya. Kahit ang strings sa hoodies niya. Shoelaces. Belts.
Witty.
Pero nakukuha niya naman ito. Pag nasa tabi niya ang kaniyang personal nurse. At ibabalik ulit pag wala ng nagbabantay sa kaniya. But she chose not to. It will ruin her mental health more kung gagamitin niya ang kaniyang cellphone.
Bago siya tuluyang bumalik sa kaniyang silid ay dumiretso muna siya sa nurse' headquarters para manghingi ng art papers. Gusto niya gumawa ng butterfly ngayon.
Hindi naman siguro nila iisipin na gusto niya ng art papers para saktan ang sarili niya diba? Pwede naman pero masyado siyang tinatamad ngayon.
"Excuse me? Where is my nurse?" Tanong ni Sapphire sa dalawang babae na nag ta-type sa kanilang computer. Tinignan muna siya ng isang nurse na nakaupo at may hawak na ballpen sa isang kamay bago siya nginitian at tumayo ito.
"Sapphire, right? Busy pa si Nicole ngayon dahil may inutos sa kaniya. Ako muna ang bahala sayo. Ano ang kailangan mo?" Tanong nito habang nakangiti at lumapit sa kaniya.
Ang saya ah.
Hindi ngumiti si Sapphire pabalik at nanatiling blangko pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/258558086-288-k581570.jpg)
BINABASA MO ANG
We Found Love (Short Story)
Historia CortaEveryone thought she was crazy. But she's not. She was sent to a mental institution. And she can't do anything about it. __ story is written in tagalog&english = taglish