Chapter Four.

99 7 2
                                    


🌴 Happy reading 😘🌴

Amira.

NAKAUPO AKO sa upuan ko sa loob Ng classroom namin. Nakatingin ako sa mga classmates ko na masayang nagtatawanan at Kung ano ano pa ang ginagawa nila.

Inilagay ko ang ulo ko sa desk ko at tumingin sa labas ng bintana. 'haist bat ang tagal Ng prof' bagot na Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko pinansin ang Kung Sino man ang umupo sa katabi Kung upuan. Saka bakit Kaya bigla nalang tumahimik ang kaninang maingay Kong mga classmates na animong may dumaan na anghel.

Nang angat ako Ng tingin para Makita ang dahilan Kung bakit sila natahimik. At nakita ko na nakatingin silang lahat sa gawi ko.

Anong meron sakanila. Mga nakanganga silang lahat at Yung iba tulala na nakatingin sa gawi ko.

Naramdaman ko na gumalaw ang nasa tabi ko. Pasimpli ko itong tinitigan at napakurap kurap ako Ng Makita ang isang gwapong nilalang na nasa tabi ko. Ito ba ang dahilan Kaya natahimik ang mga classmates?

Mukhang ito nga ang dahilan dahil.
Agaw pansin talaga ang itsura nito at sa tingin ko subrang tangkad din nito kahit na nakaupo ito at nakayuko Ng kunti.

Hindi ko maialis ang mga Mata ko sakanya dahil sa tanang buhay ko ngayon Lang ako nakakita nang ganito kagwapo. I mean gwapo Naman ang mga kuya ko pero kakaiba ang kagwapohan Ng isang ito. Hindi nakakasawang pag masdan.

Sobrang tangos nang ilong nito at natural nang mapula ang labi nito saka ang puti nito.
Ang hahaba pa Ng pilik Mata nito.

Siguro Kung may pagkakataon Lang ako na titigan siya buong araw ay gagawin ko.

Naramdaman siguro nito na nakatingin ako sakanya Kaya bahagya ako nitong nilingon huli na para iiwas ko ang tingin ko dahil nahuli na niya ako.

Bahagya pang tumaas ang gilid Ng labi nito na parang pinipigilan niyang ngumisi.

Nahihiyang nag baba ako Ng tingin saka ko isinobsob ang mukha ko sa desk ko.
Sigurado akong namumula ang magkabilang pisngi ko. Ngayon Lang ako nahiya sa tanang buhay ko.

'nakakahiya ka self' sermon ko sa sarili ko.

Ilang minuto akong nasa ganong position hanggang sa naramdaman ko na pumasok na ang prof namin.

Umayos ako Ng pag kakaupo at tumingin Ng deretso sa harap Hindi ko binalingan Ng tingin ang lalaking kanina ko pa nararamdaman na nakatingin saakin.

"Ok class before we start let's welcome your new classmates." Aniya ni prof.

"Transfer's introduce yourself's in front" dagdag ni prof.

Naglakad ang isang lalaki na Hindi nalalayo ang kagwapohan sa katabi ko at pumunta ito sa harap.

Ngumiti ito dahilan nang tilian Ng mga classmates ko na babae expect me.

"Hi my name is clyde milestone 19 years old my magic is lightening stone. Nice to meet you all" nakangiting pakilala nito at kumindat pa. Hmm tingin ko play boy ang isang to well tingin ko Lang naman.

Nahuli ko itong nakatingin sa gawi ko at Hindi ko Alam Kung saakin ba ito nakatingin or sa lalaking katabi ko. Nakita ko itong ngumisi saakin Kaya Hindi ko napigilan na lumabas ang pagka masungit ko at inirapan ko ito.

Umalis na ito sa harap at nag lakad papunta sa likod. May bakante pa kasing upuan sa likuran.

Tinapik nang lalaki ang balikat Ng lalaking katabi ko bago ito umupo sa likod.

Agad naman na tumayo ang lalaking katabi ko at parang Hari na nag lakad patungo sa harap.

Nag Tama ang mata namin at para nitong hinahalukay ang kaloob looban Ng Mata ko sa titig niya. Ako ang unang nag iwas Ng tingin dahil Hindi ko kayang makipag titigan sakanya Ng matagal.

Tumaas ang balahibo ko sa buong katawan Ng marinig ko itong nag pakilala.

"Alex mondragon. 20 y/old fire" malamig na pakilala nito. Parang bigla akong nakaramdam Ng lamig sa paligid kahit na Hindi Naman humahangin.

Napayakap ako sa sarili ko nang Wala sa oras. Busy ako sa kakayakap sa sarili ko kaya Hindi ko napansin na nakatayo na pala sa harap ko ang lalaking dahilan kung bakit bigla nalang nilamig.

Naramdaman ko na may pumatong Na Kung ano sa balikat ko.
Tinignan ko ang may gawa non at bahagya pang nanlaki ang Mata ko nang Makita ko Kung sino ang nag lagay Ng Kung ano sa balikat ko. Walang iba kundi ang lalaking dahilan Kung bakit ako bigla nalang nakaramdam Ng lamig. Si Alex.

Agad kong ibinaba ang tingin ko sa bagay na ipinatong niya sa balikat ko and I saw a red leather jacket.

Tinignan ko ito nang maramdaman mo na naupo na ito sa katabi Kong upuan.

"T-thanks" gusto Kong sampalin ang sarili ko dahil Hindi ko mapigilan na Hindi mautal.

Tumango ito at sumandal sa likod Ng upuan niya.

Nag simula nang mag turo si prof. Nakinig akong mabuti sa mga tinuturo ni prof.

Nagsusulat ako nang may naramdaman akong mabigat na nakapatong sa balikat ko. Nang tignan ko Kung sino. Walang iba kundi ang katabi ko.

Tulog na tulog ito kahit na nakapatong Lang ang ulo nito sa balikat ko.

Wala itong pakialam kahit na napapasulyap na dito ang iba naming classmates.

Tinaasan ko Lang sila Ng kilay sabay irap.

Agad nilang inalis ang tingin saamin at itinuon na Lang nila sa harap.

Lumipas ang ilang minuto at nag silabasan na ang mga classmates namin dahil lunch time na.

Kanina pa ako nagugutom pero Hindi ko magawang kumain sa cafeteria dahil may nakapatong na ulo sa balikat ko at saka nanghihinayang Akong gisingin ang nilalang na ito ang sarap Kasi nang tulog eh.

Lumipas ang limang minuto at nandito parin ako sa loob nang room. Hindi parin nagigising ang lalaking kanina pa natutulog. Malapit nang maubos ang pasensya ko dahil kanina pa tumutunog ang Tiyan ko dahil sa gutom.
Kunti nalang talaga at gigisingin Kona ang lalaking ito.

Muli nanamang tumunog ang Tiyan ko. At Hindi Kona talaga napigilan na lumabas ang pagkabrat ko.

Tinapik ko ang mukha Ng lalaking ito.
Maya Maya pa unti unti nitong inimulat ang mga Mata at bored na tinignan ako.

Sinalubong ko ang tingin nito at humalikipkip ako bago nag salita.

"I'm hungry buy me a food!" Demand ko Hindi Kona talaga napigilan ang ugali Kung Yun.

Napataas ang kilay nito at matiim ako nitong tinignan.

"why would I'll buy a food?" Mariin na tanong nito.

"Dahil ikaw ang dahilan Kung bakit Hindi pa ako kumakain!" Masungit na sagot ko. Gutom na talaga ako.

"At bakit ko Naman naging kasa..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tumunog nanaman ang Tiyan ko.


















Itutuloy....

THE LONG LOST PRINCE OF DARK KINGDOMWhere stories live. Discover now