Chapter 12

943 88 16
                                    

I tapped his less-swollen cheek. "Calm down, bachelor." I put a distance between us.

"What? Hindi mo tatapusin ang sinimulan mo?"

"Walang kailangang tapusin dahil wala namang sinimulan. At kung meron man, tapos na dahil wala na ang babae mo." I hit his arm. "Bitaw na. Tapos na ang drama."

"Ouch." He scoffed as he shook his head, but he did let me go. "Hindi ko siya babae, just to clarify that."

"Whatever you say." 

"See? Sabi sa'yo eh. Mapanakit ka talaga." 

"Right. At ako talaga ang mapanakit ah?" Ako kasi ang nakalimot. I rolled my eyes. "Buksan mo na lang ang kotse nang makaalis na tayo at matapos na ang kailangang paper works."

Surprisingly, he did unlock the car and even opened the car door for me. "What did you mean? Mapanakit din ako?"

"Hindi. Bwisit lang talaga. Dalian mo na!"

Rhyn just chuckled at me as he closed the door and immediately went to the driver's seat. "So? Where to, Yelo ko?"

"Bwisit na.." I glared at him. "Wag ka nga diyang paasa!"

"O? Anong ginawa ko?"

"Mukha mo! Umandar ka na, ano pang inaantay mo?"

"Utos niyo po, mahal na prinsesa."

"Doctor Carlisle, can you not --" 

"Akala ko ba, Rhyn na ako."

I exhaled sharply. "Rhyn. Can you --"

"Ba't naman ganyan ang pagkakasabi mo? Galit ka ba? Grabe ang gigil mo sa pagsabi ng pangalan ko ah."

I inhaled sharply, biting my lip in the process. "Rhyn, our precious client, pwede niyo na po ba akong dalhin sa kung saan naroroon ang mga papeles na dapat ng asikasuhin?"

His teasing face was immediately replaced with a frown. "So, back to client na ako?" I shot him daggers. He puts his hands up. "Okay, okay, ikaw naman. Hindi na mabiro."

"Magbiro ka kapag nakakaalala ka na. Hindi 'yang magsasabi ka ng kung anu-ano pero hindi mo naman alam ang dating nito sa'kin." I muttered as I crossed my arms.

"Anong sabi ng mahal na prinsesa?"

I felt a nerve showed up on my forehead. "Tigilan mo ko, bwisit ka. Andar na at baka ma-late pa ako --"

"Hindi ka malelate. Kasama mo na ako, bakit ka pa male-late?"

I looked at him. "Paper works ka ba?"

"Pick-up line ba 'yan? But I'll bite, bakit?"

"Sorry, but no. Hindi siya pick-up line. At tinanong ko 'yun dahil ayun lang naman ang kailangan ko po para ma-finalize ang lahat para sa aking trabaho." 

He finally put the car in reverse and started driving. "Akala ko pa naman sasabihin mo na ako na lang ang kulang para maging official na tayo."

"Luh." 

"Aminin, kinilig ang mahal na yelo."

"You wish. Hindi nakakakilig ang hirit mo, doktor. Please don't quit your day job."

That earned me a hearty laugh from him -- something the old him used to do with me. "Ibang klase talaga, haha. Do you know a lot of girls would be dying to be in your place?"

"Well, sucks for you then as none of them is me. Kung gusto mo, mag-U turn ka diyan nang mabalikan ang babae mo dun sa restau."

He smirked. "Ito namang mahal na yelo, selos agad."

I'm Here AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon