Kabanata 7

4 1 0
                                    


Kabanata 7

Kinabukasan ay late na akong nagising kaya kumaripas agad ako patungong banyo nang bumungad sa akin ang matinding sikat ng araw mula sa labas pagmulat ko. Halos magwala na ako sa pagkuha ng mga damit kaya ang nagyari ay makalat na sa loob ng aking kwarto. Ang iilang damit ko ay nasa labas na at nakakalat.

Nasaan na kaya iyon si Migo? Siguradong maasar iyon dahil late na akong nagising.

I took a quick look on my reflection on the mirror before picking up my bag and headed outside my messy room.

"Umalis na si Migo?" tanong ko kay Alexandro na nakatayo sa may entrada ng mansion.

"Umalis na po, Ma'am," aniya habang nakatingin pa rin sa kung saan.

I nodded and just went to my car. Because time is of the essence, I do not certainly have the moment to dwell on that. At saka, ano naman ngayon kung nauna na siya?

Ang ipinag aalala ko lang ngayon ay late ako at baka pagalitan ako ng aming head. I groaned as the traffic took its chance on the road. Halos pigain ko na ang manibela dahil sobrang inis na nararamdaman.

Though it is my fault and I should not blame anyone or anything. It's just everything annoys me and gets me more irritated, led by frustration I guess.

Agad kong pinaandar ang sasakyan nang umusad na ang mga naunang behikulo.

"You're late."

Imbes na yumuko dahil sa paparating na sermon ay nag angat ako ng tingin sa nagsalita. The familiar tone and texture of his voice soothed my ears.

Nakatayo ako sa harap niya. His secretary was on his side holding an iPad. Ang malas ko nga naman at naabutan pa nila ako sa hallway habang nagmamadali ako sa pagpasok.

"Sorry," I said in low voice.

Akala ko ay papagalitan niya pa ako ngunit umalis na siya at tuluyan ng lumabas ng building, sinusundan ng mga tingin ng mga tao sa loob.

Lumunok ako at naisip na galit pa siya sa akin. It's really no good to mess up with him, huh?

"Bati na ba kayo ni Sir?" usisa ni Francine nang nasa cafeteria na kami.

"Bakit, nag away kayo, Miss Sylvia? singit naman ni Chia.

Napabaling din tuloy sa amin ang iba.

Bumuntong hininga ako at tumango. Hindi ko sana gustong malaman nila ito pero dahil sa malakas na boses ni Francine kaya sila ngayon nakikiusisa.

I glared at Francine who is now sipping on her softdrinks, averting her gaze. Nag peace sign siya nang malingunan ako.

"Naku, sino ang nay atraso kung ganoon?" tanong naman ni Jeane. "Lover's quarrel?"

"Hay naku, kaya ayaw kong mag jowa, eh," sambit naman ni Chia at naghair flip.

"Ang sabihin mo, wala lang sa'yo nagkakagusto!" si Alice kaya binato siya ni Chia ng popcorn.

"Ito ba 'yong tinatanong mo sa akin noong isang araw, Miss Sylvia?" tanong ni Julius sa mahinang boses sa tabi ko.

Pinagigitnaan nila ako ni Francine.

Tumango ako bilang sagot.

"Pero nagkausap na ba kayo?" si Francine at buong atensyon na ay nasa akin.

We talked but it didn't resolve anything. It just triggered negative emotions, for me.

"Wala namang nangyari. Maybe he wanted space..."

Teardrops Over My Head [Art Of Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon