Chapter 10
Samantha’s POV
“Ssshhh~ Tahan na, Caroline” habang hinahaplos ko siya sa likod.
Hindi na kami pumasok nang afternoon. Napansin kasi namin na mukang stress si Caroline kaya naisipan namin na pumunta nalang sa bahay ni Yannie.
Tissues scattered all over the floor. Kinwento samin ni Caroline ang nangyari kanina. Nakakainis naman kasi si Dylan. Kala ko pa naman eh aalagaan niya at di niya sasaktan ang kaibigan namin. Pero hindi naman pala.
Ganyan talaga. Not all things in the world ay constant. Kumbaga sa lyrics nang kanta nang 1Direction na Night Changes “everything that you ever dream of, Dissapearing when you wake up” Yung tipong sa panaginip lang nangyayari ang mga bagay na perfect. Hindi palaging masaya.
“Alam ko na! Mag Girl Shopping nalang tayo!” suggest ni Yeyayin.
“Tapos let’s go to Sizzy Ice Cream Parlor. Let’s go, Caroline?” pagsang-ayon ni Sheeka.
“I don’t like. Just send me home. Magpapahinga nalang ako. Kayo nalang muna.” tumayo si Caroline at inayos ang uniform niya na gusot gusot na.
“Ano ba yan! Nanliligaw palang pero sinasaktan ka na. Pano pa kaya kung nasagot mo na? Edi mas masakit?” mukang bitter na sabi ni Yannie. Ano bang problema neto? Ayaw na ayaw kay Dylan para kay Caroline. Pero tama nga naman sabi niya.
“So, papagpatuloy mo pa ba ang pagpapaligaw?” tanong ko.
“I don’t know. Siguro masyado lang siyang nagselos kaya ganun.”
“Wait.. Wait.. Wait.. Don’t tell me inlove ka na sa kanya?” sabi ni Zafirah habang tinuturo turo si Caroline.
“I don’t know, again.” sagot ni Caroline na pinupunasan luha niya.
“Pag-isipan mo nang mabuti, Caroline. Baka magsisi ka sa huli.” medyo bossy na pagkasabi ni Yannie.
“So, ano nang plano? Hahatid ka or Shopping tayo?” tanong ko.