Isang araw ay dumalo ako sa isang get-together ng mga kalaro ko ng DOTA sa aming lugar. Mga kagaya ko din silang mga walang buhay kundi ang paglalaro ng video games. Wala kaming ginawa maghapon kundi ang tumambay sa mall, magkuwentuhan at magpalitan ng mga tips sa paglalaro. Siguro, kung madidinig lamang ng mga normal na tao ang mga pinag-uusapan namin, malamang na maweirdohan sila sa kanilang madidinig.
Nang matapos ang nasabing get-together ay umuwi na din ako ng bahay. Mga bandang eight 'o clock na din yun ng gabi. Pagdating ko ng bahay ay naabutan ko sina Ate Dina, Sunny at isa nilang kaibigan na si Angelique na nag-iinuman na naman sa salas. Pagdaan ko ay napansin ko na binubulatlat nila ang mga lumang photo album ng pamilya namin. Nagtatawanan pa nga sila habang iniisa-isa ang mga lumang litrato.
"Oy, Jigs," tawag ni Ate Dina pagdaan ko. Jigs ang palayaw nila sa akin. Obviously, short for Diego. "Gusto mong tumagay?"
Umiling lang ako. Alam naman ni Ate na hindi talaga ako mahilig uminom. Ewan ko kung bakit niya ako naisipang alukin. "Kayo na lang."
"Kumain ka na ba? May tira pang ulam diyan sa ref. Imicrowave mo na lang kung gusto mong kumain. Si Sunny ang nagluto niyan."
"Bagets, tikman mo yung niluto kong ginataang tulingan. Maanghang ang pagkakaluto ko niyan," segunda naman ni Sunny sa akin. Paano kaya niya nachambahan na paborito kong ulam yun?
Kahit hindi pa ako gaanong nagugutom ay napagpasyahan kong tumuloy sa kusina upang tikman ang niluto ni Sunny. Nang matikman ko, aba! Naknampucha! Masarap nga. Tamang-tama lang ang anghang ng gata at ang pechay na sahog ay hindi lamog. Bagay na gustong-gusto ko.
Nang mga sandaling ganadong-ganado ako sa pagkain ay siya namang pagpasok ni Sunny sa kusina para kumuha ng yelo sa ref. "O ano, masarap ba luto ko?" nakangiting tanong niya.
"The best," tugon ko naman habang nakangiti. "Puwede ka nang mag-asawa."
Natawa siya sa nadinig sa akin. "Malapit na. Doon na nga kami magpapakasal ng boyfriend ko sa Dubai. Mahirap daw kasi doon ang magsama nang hindi kasal. Baka magkahulihan, madeport pa kami pareho."
"Malamang na tumaba ang boyfriend mo kapag nandun ka na. Masarap ka kasi magluto."
Tumawa ulit siya. "Malamang! Kaya ikaw, kumain ka lang ng kumain diyan para tumaba ka din."
Napatingin ako sa katawan ko. Hindi naman ako payat ah. Hindi rin naman ako mataba. Kumbaga sakto lang sa edad kong bente ang pangangatawan ko. "Okay naman katawan ko ah. Hindi naman ako payat."
"Mas mainam pa din yung medyo tumaba-taba ka. Puro ka lang daw kasi video game sabi ng ate mo. Kaya hindi ka tumataba." Pagkatapos ni Sunny kumuha ng yelo ay tinapik niya ako sa balikat bilang pagpapaalam. "O siya, diyan ka na. Babalik na ako sa salas. Damihan mo ang kain mo ha."
Pagtalikod ni Sunny ay hindi nakaligtas sa pansin ko ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot niyang fit na t-shirt at kulay gray na leggings. Umbok na umbok ang puwet niya na para bang ang sarap sampal-sampalin. Ang suwerte ng boyfriend nito, naisip ko. Malamang na pagdating nito ng Dubai ay mamaya't mayain ito ng tira ng boyfriend nya. Yosi lang ang pahinga kumbaga. Naisip ko na kahit naman siguro ako, sa kinis at puti ng kutis ni Sunny, kahit siguro patay ang ilaw ay makikita mo ang katawan nito kapag nakahubad na. Mamaya't-mayain din kita. Napapangiti na lang tuloy ako habang kumakain sa naiisip ko. Pero malabo yun. Hindi papatulan ni Sunny ang isang kagaya ko. Lalo na't barkada pa siya ng ate ko.
Hindi pa lumilipas ang limang minuto nang makalabas ng kusina si Sunny nang madinig ko ang malakas nilang tawanan. Mas malakas kesa sa mga nauna at hindi ako maaaring magkamali na boses ni Sunny ang nadinig ko.
"Tang-ina! Ang laki pala ng etits ni Diego!"
Halos mabulunan ako sa nadinig ko. Hindi ko man nakikita, pero may kutob ako kung ano ang pinagtatawanan nila. Iniwan ko ang kinakain ko at dali-dali akong pumunta ng sala. Hindi nga ako nagkamali.
"Brad, ang laki ng tite mo dito!" Tawa nang tawa si Sunny habang hawak ang lumang litrato ko noong limang taong gulang pa lang ako. Sa litrato kasing iyon ay bagong paligo ako at binibihisan ni Mama. Kaya kitang-kita ang nakalawit kong alaga. Kung bakit ba naman kasi hindi pa inalis ni Mama ang litratong iyon. Kung nabubuhay lamang si Mama, malamang na pinagalitan ko siya.
Namula ang mukha ko at halos matunaw sa hiya. Kahit pa sabihing ang dalawang kapatid ko, si Sunny at ang isa pa nilang kaibigan lang ang nandun, nakakahiya pa din. Ikaw ba namang pagtawanan ang etits mo ng taong hindi mo naman kaano-ano.
Agad kong hinablot ang litrato sa kamay ni Sunny at saka ako bumalik sa kusina. Pagkatapos ay pinunit ko ang litrato at saka itinapon sa basurahan upang wag nang magdulot pa ng kahihiyan. Tang ina, bad trip! Nakakaasar! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Kahit hindi pa ubos ang laman ng plato ko ay itinapon ko na ito sa sobrang inis. Akala ko pa naman ay magkakasundo kami ni Sunny habang tumutuloy siya sa bahay. Bad shot pala.
Pagkatapos ay umalis na ako sa kusina at tumuloy sa aking kuwarto. Nadaanan ko sina Ate na nagtatawanan pa din. Hindi ko lang alam kung napansin nila ang pagdadabog ko at ang pabalibag kong pagsarado ng pintuan ng kuwarto.
*** *** ***
If by any form of miracle that you like my work... please consider buying me a coffee... I will greatly appreciate...
Thanx in advance.
https://www.buymeacoffee.com/johnpoe
BINABASA MO ANG
SUNNY (SPG R18)
Short StoryWARNING!! R18 This is a short erotic story with themes and sexual topics not intended for minors.