Padabog kong isinarado ang pinto ng aking kuwarto dahil sa inis na nararamdaman ko. Kung tutuusin ay hindi nga ito inis, kundi galit. Biro mo ba naman, masaya na ako nung umuwi ako ng gabing 'yun, dahil kagagaling ko lang sa pagkikita namin ni Mary at madami akong natutunan sa kanya kung paano mapaligaya sa pagtatalik ang isang babae. Especifically si Sunny. Pero anong nangyari? Biglang sumulpot na lang ng walang pasabi ang gagong syota ni Sunny na si Tony na galing pa ng Dubai. Nasira tuloy ang mga plano ko sa buhay. Kung bakit kasi pumayag pa si Ate na doon din tumigil sa bahay ang hayup na 'yun.
Habang kumakain kami ng hapunan nang gabing 'yun ay panay ang kuwento ni Tony na kaya lang daw siya umuwi ng Pinas ay para kay Sunny. Kaya daw siya umuwi ay upang ipakita niya dito kung gaano niya ito kamahal. Kung matatandaan ay nagkaroon sila ng pag-aaway sa telepono ilang araw na ang nakakaraan. Kesyo hindi daw niya matiis na magkagalit silang dalawa, kaya't kahit gumastos siya ng pagkamahal-mahal na pamasahe ay ayos lang, basta't magkabati lang daw sila ng mahal niya.
Bullshit!!
Kilig na kilig naman si Ate Anna sa pagyayabang ng gago. Ani pa nito, kahanga-hanga daw ang ipinamalas ni Tony na pagmamahal kay Sunny. Kaya nga't siya na din mismo ang nag-alok na doon na lang din sa bahay manatili ang gago habang hinihintay ang paglabas ng visa ni Sunny. At siyempre, ang ibig sabihin nun ay sa kuwarto din ni Sunny matutulog ang gago. Siyempre, magsyota sila eh! At siyempre, dahil matagal na hindi nagkita ang dalawa, anong aasahan mong gagawin nila mamaya sa kuwarto?
Buwiset!!
Si Sunny nama'y hindi makatingin sa akin ng diretso. May minsan pa ngang nahuhuli ko siyang pasimpleng sumusulyap sa akin, at kapag napapatingin naman ako sa kanya ay bigla niyang ibababa ang tingin niya o ibabaling sa kung saan. Alam kong napansin niya ang masamang hilatsa ng mukha ko at alam kong alam niya ang dahilan kung bakit. Ano 'to? Bakit siya nandito? Paano tayo?... 'Yun ang mga tanong na hindi ko mabigkas ngunit ipinapahiwatig sa kanya ng mga mata ko.
Habang nasa loob ako ng aking kuwarto ay hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako na para bang pusang hindi matae. Naiisip ko kasi ang siguradong mangyayari mamaya kapag solo na sina Sunny at ng syota niya sa loob ng kuwarto. Hindi matanggap ng kalooban ko ang gagawin nila. Oo nga't sabit lang ako sa relasyon nila, pero... gusto ko si Sunny...
Oo, mahal ko si Sunny.
Dahil sa sobrang pag-iisip ko nang gabing iyon ay hindi na naman ako nakatulog. Ang nakakabuwiset pa, paggising ko kinaumagahan ay si Tony ang una kong nabungaran sa kusina na kumakain ng almusal. Habang si Sunny nama'y nagtitimpla ng kanyang kape.
"Brad, kain tayo," yakag ni Tony pagkakita sa akin, pero hindi ako umimik. Tumuloy lang ako at nagtimpla ng sarili kong kape. Pinipilit ko pa ding mahuli na nakatitig sa akin si Sunny upang ipakita o iparamdam sa kanya ang pagkadisgusto ko sa mga nangyayari. Pero mailap ang kanyang mga mata.
"Siyanga pala," pagpapatuloy pa ni Tony. "Umiinom ka ba, brad? Magpapainom kasi ako mamaya. Celebration kumbaga, para sa pagbabalik-bayan ko."
Gusto kong sabihin kung ano ba ang big deal sa pagbabalik-bayan niya't kailangan pang icelebrate. Big shot ba siya? Pero nagpigil na lang ako at hindi umimik. Pagpasok ko ng kuwarto ay muli kong ibinalibag pasara ang pinto. Sana'y makuha niya ang ibig kong ipahiwatig na hindi, as in hindi ko talaga gusto na nandito siya hindi lang sa bahay, kundi maging sa aming buhay.
*** *** ***
If by any form of miracle that you like my work... please consider buying me a coffee... I will greatly appreciate...
Thanx in advance.
https://www.buymeacoffee.com/johnpoe
BINABASA MO ANG
SUNNY (SPG R18)
Short StoryWARNING!! R18 This is a short erotic story with themes and sexual topics not intended for minors.