Napadilat ako dahil sa mga malalakas na katok sa pintuan ng aking kuwarto. "Diego! Ano ba?! Hindi ka pa ba lalabas diyan? Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ayaw mong lumabas ng kuwarto?"
Naalala ko na tatlong araw na pala akong hindi lumalabas ng kuwarto matapos ang nangyari sa silid ni Sunny. Hanggang ngayon ay matinding hiya at inis pa din sa sarili ang nararamdaman ko. Ni hindi ko nga alam kung nagsumbong si Sunny kay Ate Dina tungkol sa nangyari. Sana ay hindi na siya magsumbong upang 'wag nang madagdagan pa ang nararamdaman kong bigat ng kalooban.
"Diego, ano ba?!" muling sigaw ng kapatid ko. Palakas na ng palakas ang kanyang katok na halos magiba na ang pintuan ng kuwarto.
Ayoko din namang mag-alala pa sila ng husto kung bakit ako nagkakaganito, kaya't minabuti kong sumagot na lamang kahit papaano. "Ate, please lang. Hayaan nyo na muna ako dito. Ayokong lumabas."
"Bakit nga? Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Wala."
"Wala pala eh. Bakit ayaw mong lumabas?"
"Ate, please lang! Please lang. Hayaan nyo muna ako. Please lang."
"Kung hindi ka pa lalabas diyan, mapipilitan akong tawagan si Papa. Gusto mo 'yun? Siya ang magpapalabas sa'yo dito." Naisip ko, kapag si Papa na mismo ang pumunta dito at kumatok sa pinto, malamang na sirain pa nito ang knob ng pintuan para lang mabuksan. Kung ganun ang mangyayari ay mas katakot-takot na tanungan pa ang magaganap na baka maging dahilan upang malaman ng lahat ang tunay na nangyari.
Bumangon ako mula sa higaan at saka lumapit sa pinto. Hindi para buksan ito kundi ang ipaalam kay ate na ayos lang ako. "Ate, please lang..." malumanay kong wika. "May dinaramdam lang ako. Hindi nyo ako matutulungan kung anuman ang problema kong 'to. Pero sinisiguro ko sa inyo na okay lang ako at 'wag nyo na akong masyadong alalahanin. Lalabas din ako kapag okay na ako. Promise. 'Wag na kayong masyadong mag-alala."
Hindi kaagad sumagot ang nasa labas ng kuwarto. "Jigs, nag-aalala lang naman ang ate sa'yo. P-pero kung talagang okay ka, eh di sige. Hahayaan ka na muna namin. Basta lumabas ka na agad diyan ha. Nag-aalala talaga ako sa'yo."
Hindi na ako sumagot. Ayoko na kasing humaba pa ang paliwanag ko sa kanya. Kung tutuusin ay hindi ito ang unang pangyayari na nagkulong ako sa kuwarto ng ilang araw dahil sa sama ng loob. Hindi nga naglipat saglit ay nadinig ko na ang papalayong yapak ni Ate Dina. Ngunit sa totoo lang ay hindi ko pa sigurado kung lalabas na ako mamaya o bukas o sa makalawa. Hangga't nandito sa bahay si Sunny at dala-dala ko ang kahihiyang nararamdaman ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanila.
Babalik na sana muli ako sa higaan ko nang muling may kumatok sa pinto. Nakaramdam ulit ako ng inis at bubulyawan ko na sana ang kumakatok, nang... "Diego, si Sunny 'to."
Natigilan ako't hindi ko malaman ang gagawin. Anong kailangan niya? tanong ng isip ko. Pagagalitan nya ba ako dahil sa nangyari? Nagpasya na lang akong huwag sagutin ang katok niya.
"Diego, puwede ba tayong mag-usap?"
Hindi pa din ako sumagot.
"Diego, hindi ako galit sa'yo. Please lang. Buksan mo ang pinto at mag-usap tayo."
Hindi ako kumibo. Nagdadalawang isip pa din ako kung pagbubuksan ko si Sunny o hindi. Isa lang ang natitiyak ko noon, na kapag pinagbuksan ko siya, malamang na pag-usapan namin ang nangyari sa loob ng kuwarto niya. Pero sinabi naman niyang hindi siya galit, at isang dahilan 'yun para mawala ang pangamba ko na pagsasabihan niya ako ng mga masasakit na salita. May ilang minuto din ang lumipas bago ko napagpasyahang pagbuksan si Sunny.
"Puwede bang tumuloy?" mahinahong bungad niya.
Sa halip na sumagot ay iniwanan ko lang na bukas ang pinto at saka siya malayang pumasok ng kuwarto at sinara ang pinto. Tumungo naman ako sa aking computer upang kunwari'y buksan ito para maglaro.
"Medyo magulo ang kuwarto mo," puna ni Sunny habang inililibot ang kanyang paningin sa buong kuwarto. "Diego... Tayong dalawa lang ang nakakaalam sa nangyari. Alam natin pareho na maling-mali ang ginawa mo. Pero mas pinili ko na lang na manahimik at huwag nang gumawa ng kahit anong gulo. Alam ko kasi na hindi ka masamang tao. Kung anuman ang naging dahilan mo kaya't nagawa mo 'yun... s-siguro..." nauutal pa niyang pagpapatuloy. "S-siguro naiintindihan ko kung bakit."
Lumapit sa akin si Sunny. "Diego, hindi na natin kailangang palakihin pa ang bagay na ito. Kung ako lang, magagawa kong kalimutan ang nangyari alang-alang sa pinagsamahan at kabaitan sa akin ng mga kapatid mo. Sana ganun ka din. Hindi na ako galit sa'yo."
Unti-unti kong inangat ang mukha ko sa kanya. "S-sorry sa ginawa ko. Kaya ko lang nagawa 'yun... dahil gusto kita, Sunny."
Napangiti ang dalaga sabay lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Naiintindihan ko. 'Wag kang mag-alala. Alam kong hindi ka salbahe. Dahil kung ganun, hindi ka para tumakbo na parang isang bata nung nahuli kita. Kung salbahe ka, baka ginawan mo na ako ng mas masama pa dun."
"Sunny, sorry sa ginawa ko... Hindi na mauulit 'yun." Gusto kong maluha nang mga sandaling iyon, pero mas pinili kong magpakalalaki, dahil ayokong isipin ni Sunny na isip bata ako. Gusto kong panindigan ang pagkakasalang nagawa ko at humingi ng tawad nang taos sa puso.
"Okay lang 'yun. Basta 'wag mo nang uulitin."
Tumango ako nang marahan. "Pangako. Hindi na."
"Lalabas ka na at kakain?"
Tango ulit. Pagkatapos ay niyakap niya ako na para bang isang bata na gustong patahanin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni Sunny habang magkadikit ang aming mga katawan. At kahit gaano karami nang paghingi ng tawad ang nagawa ko, hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng kakaiba sa aking kaibuturan. Namalayan ko na lang na biglang tumigas at tumayo ang aking alaga na bumukol sa loob ng aking suot na short pants. Hindi naman iyon nalingid kay Sunny na napangiti na lamang habang ako nama'y pinamulahanan ng mukha.
"Naku, Diego," ani Sunny. "Pigilan mo 'yang alaga mo't baka tumalon. Sayang naman 'yan kapag nakawala pa."
*** *** ***
If by any form of miracle that you like my work... please consider buying me a coffee... I will greatly appreciate...
Thanx in advance.
https://www.buymeacoffee.com/johnpoe
BINABASA MO ANG
SUNNY (SPG R18)
Short StoryWARNING!! R18 This is a short erotic story with themes and sexual topics not intended for minors.