So, ganun pala ang gustong set up ni Sunny! Ang mag gamitan lamang ng katawan. Sige, kako. Naisip kong pagbigyan siya sa kanyang kahilingan bagama't may bahid ng panghihinayang ang aking kalooban.
Dahil dito, napagpasyahan kong burahin ang anumang damdaming nabuo ng puso ko para sa kanya. Kahit mahirap ay pinilit kong kalimutang may nararamdaman ako. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ko na siya gustong matikman ulit. Kaya't muli akong nakabuo ng plano na bigyan siya ng isang pagtatalik na hindi niya malilimutan. Paano? Ito ang unang tanong na pumasok sa isip ko.
Siyempre, wala akong ibang puwedeng lapitan kundi ang internet. Kaya't kinabukasan, ay nagresearch ako kung paano paliligayahin ng husto ang isang babae sa kama. Dahil batid ko na kahit nasasarapan si Sunny sa mga pagniniig namin ay alam kong may kulang pa din. Noon ko nalaman ang tinatawag na oral sex para sa mga babae. Ganun pa man, ang konseptong ito ay hindi na bago sa akin dahil sa ilang mga porn videos na napanood ko na. At bukod dito ay ginawa na din sa akin 'yun ni Sunny. Pero paano ko naman gagawin kay Sunny 'yun?
Halos buong araw akong nagbasa ng mga articles at nanood ng mga videos kung ano ang mga dapat gawin. Halos nakalimutan kong maglaro ng video games ng araw na iyon, dahil sa maghapon kong pagreresearch. Hanggang sa maging kampante ako na kaya kong gawin kay Sunny ang mga natutunan ko. Pero, bago ang lahat, kailangan ko muna ng praktis.
Kinuha ko ang telepono ko at nagdial. "Hello?"
"Kumusta?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Busy ka?"
"Hindi naman. Anong atin?"
"Puwede ba tayong magkita?"
"Sure! Basta ikaw."
Matapos ang maiksi naming pag-uusap ni Mary sa telepono ay agad na akong naligo at nagbihis. Hindi naglaon, makalipas ang magdadalawang oras ay nasa loob na ako ng motel kung saan kami magtatagpo. Habang hinihintay ko si Mary ay patuloy kong sinasariwa sa aking isipan ang mga natutunan ko sa internet. Alam ko na mayroon pang ibang mga bagay at kaalaman ang puwedeng maidagdag si Mary, kaya't medyo excited din ako.
Hindi naman nagtagal ay may nadinig na akong katok sa pintuan ng kuwarto. Dali-dali ko itong binuksan at tumambad sa akin ang nakangiting si Mary.
"Hi," bati niya.
Ngumiti din ako at bumati at saka ko siya pinapasok. Nakasuot lang ito ng simpleng t-shirt at maiksing maong na shorts. Dahil dito'y kitang-kita ko ang puti at kinis ng mga hita niya kahit sa malamlam na ilaw ng mga lampshades sa kuwarto. Pagharap niya sa akin ay agad niya akong hinalikan sa labi. "Namiss kita," aniya.
Katulad ng turo niya sa akin nung una, kailangang iparamdam ko agad sa isang babae ang pananabik ko, kaya't hinawakan ko ng magkabila kong kamay ang malambot niyang puwet at pinisil. "Ang bango mo naman."
Napahalakhal si Mary habang nakakawit sa batok ko. "Mukhang natututo ka na ah! Alam mo na ang mga dapat mong sabihin. Gusto ko 'yan."
"Magaling ka kasing magturo," wika ko habang nakahawak pa din sa puwet niya at inaamoy ang kanyang leeg. Kahit pangalawang beses pa lang namin itong pagkikita ay tila ba kampante na ang kalooban ko kay Mary. Nagagawa kong sabihin ang mga dapat kong sabihin at gawin ang mga dapat kong gawin.
"Okay... Anong gusto mong matutunan ngayon?"
Kahit dadalawa lang kami sa loob ng kuwarto'y nagawa ko pang ibulong sa tenga niya ang nais kong sabihin. "Gusto kong kumain."
Muli siyang napahalakhak. Mas malakas ngayon. "'Yun lang ba? Sige, ituturo ko sa'yo lahat ng dapat mong matutunan. Pero sa isang kundisyon."
"Anong kundisyon?"
"Ibibigay mo sa akin lahat. I mean, lahat..." Pagkasabi'y hinalikan niya ako sa labi ng maalab.
*** *** ***
If by any form of miracle that you like my work... please consider buying me a coffee... I will greatly appreciate...
Thanx in advance.
https://www.buymeacoffee.com/johnpoe
BINABASA MO ANG
SUNNY (SPG R18)
Short StoryWARNING!! R18 This is a short erotic story with themes and sexual topics not intended for minors.