1

11.9K 6 0
                                    


Ako si Diego.

Diego Sagrado ang buo kong pangalan. Maniwala man kayo o hindi, 'yun talaga ang apelyido namin. Hindi sa nagmamayabang ako, alam nyo ba na humigit kumulang sa isang-daang babae na ang naikama ko? Maaring isipin nyo na ang guwapo-guwapo ko. Ngunit nagkakamali kayo. Hindi ko idinaan sa gandang lalaki ang mga babaing dumaan sa buhay ko. Dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi naman ako kaguwapuhan, at hindi din naman kapangitan. Ang tanging gamit ko lamang ay ang lakas ng loob ko, kumpiyansa sa sarili o self confidence at ang malaking "kargada" ko.

Sa kuwentong ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa sa mga naging karanasan ko sa isang mga babaing hindi ko malilimutan. Maaring sa mga mababasa ninyo sa mga sulat ko ay masasabi ninyo na napakasama kong lalaki dahil sa mga tema ng kamunduhan na nakasaad dito. Maari ngang ganun, kaya't binabalaan ko na kayo, kung hindi ninyo kayang sikmurain ang mga mababasa ninyo dito, ay tumigil na lang kayo at maghanap ng ibang paglilibangan.

Bago ang lahat ay hayaan nyo munang ikuwento ko sa inyo ang buhay ko upang mas lubos ninyo akong makilala. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid at nag-iisang lalaki. Ang panganay namin ay si Ate Dina na pitong taon ang agwat ng aming edad. Samantalang ang bunso naman naming si Diane ay anim na taon ang agwat ng edad sa akin. Kinse anyos pa lamang ako nang maulila kami sa ina, dahil namatay si Mama sa cancer. Tatlong taon mula nang mawala si Mama ay muling nag-asawa si Papa, bagay namang hindi matanggap ni Ate Dina. Kung ako naman ang tatanungin ay okay lang. Hindi naman kasi naging pabaya sa amin si Papa kahit noong nabubuhay pa si Mama. Malakas ang negosyo niyang pag-iimport ng mga tela kaya't naibigay niyang lahat ang mga pangangailangan naming magkakapatid, maging ang aming mga luho.

Para maiiwas ni Papa ang bago niyang pamilya mula sa galit ni Ate Dina, ipinasya niyang bumili na lang ng isa pang bahay sa Maynila para sa bago niyang pamilya. Naiwan lang sa aming magkakapatid ang bahay nila ni Mama. Magkaganunman, hindi pa din pumapalya si Papa sa pagsustento sa amin. Kahit na may sarili nang trabaho si Ate Dina at kunwari'y hindi siya umaasa sa pera ni Papa. Pero ang suweldo niya sa trabaho niya sa bangko ay kanya lamang at ang kinakain niya at iba pang bills sa bahay ay galing pa din kay Papa. Sumatutal, nakasandal pa din siya sa aming ama.

Nakatapos ako ng Fine Arts sa kolehiyo. Ang problema ko nga lamang sa buhay noon ay masyado akong mahiyain at mahina ang loob. Masyado akong takot sa rejection, kaya't twenty-one year-old na ako noon ay hindi pa ako nagkaka-girlfriend at hindi ko pa nagagamit ang pinag-aralan ko. Masyadong mahina ang loob ko kaya't buong kabataan ko ay naigugol ko sa pagkulong sa aking sarili sa kuwarto na ang tanging pinagkakaabalahan ko ay ang internet at video games. Ang mga tanging kaibigan ko lamang ay ang mga nakikilala ko sa mga online games na nilalaro ko. Kumbaga, isa akong nerd. Baduy manamit. Hindi marunong mag-ayos ng sarili at hindi maalaga sa katawan. Ako yung tipo noong hindi mapapansin ng kahit na sinong babae kahit sumayaw pa ako sa harapan nila. Baka nga pandirihan pa ako at ipapulis.

Pero, dumating ang araw na narealize ko na kailangan kong baguhin ang sarili ko para na din sa sarili kong kapakanan. Iyon ay nag-umpisa sa isang babae na ang pangalan ay Sunny.

Si Sunny o Sunny Grace ay classmate ng ate ko noong high school sila dito sa Batangas City. Tatlo silang magbabarkada noon. Si Ate Dina, yung isa na ang pangalan ay Angelique at si Sunny. Hindi ko alam kung anong klaseng babae si Sunny noong high school sila, dahil hindi ko naman siya madalas makita noong mga bata pa sila. At sa pagkakaalam ko, pagka-graduate nila noon ng high school ay lumipat na ang pamilya nina Sunny sa Bohol, kaya't hindi ko na din siya masyadong nakilala. Hindi ko alam na meron pa pala silang komunikasyon ni Ate Dina kahit nasa malayo na sila. Kaya't nagulat na lamang ako isang araw nang makita ko siya sa bahay na may dala-dalang mga maleta. Nalaman ko lang na siya si Sunny nang ipakilala siya ni Ate Dina sa amin ni Diane. Aniya, doon daw muna titigil sa amin si Sunny pansamantala habang inaayos niya ang kanyang mga papeles papuntang Dubai. Tinutulungan o ginagastusan daw siya ng boyfriend niyang nasa Dubai sa pag-aasikaso ng mga papeles. Malayo nga naman ang Bohol kung doon pa siya manggagaling papuntang Maynila. At least sa amin daw ay ilang oras lang ang biyahe at nasa Maynila ka na.

Sa simula pa lamang ay at home na si Sunny sa bahay. Hindi lang si Ate ang ka-close niya kundi maging si Diane. May minsan pa ngang naaabutan ko sila na nag-iinuman sa salas ng bahay. Sa akin naman ay wala lang lahat ng 'yun. Basta ang importante sa akin ay 'wag akong pakikialaman sa sarili kong mundo. Magkakasundo tayo.

*** *** ***

If by any form of miracle that you like my work... please consider buying me a coffee... I will greatly appreciate...

Thanx in advance.

https://www.buymeacoffee.com/johnpoe

SUNNY (SPG R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon