14

2.4K 0 0
                                    

"Puwede mo ba kaming samahan?" tanong sa akin ni Ate Dina nang pumasok siya sa aking kuwarto. Bagong ligo ito at mukhang may lakad kahit alas-tres pa lamang ng hapon.

Kasalukuyan akong naglalaro ng game sa aking computer nang humarap ako sa kanya. "Samahan saan?"

"Kasal kasi ngayon ng dati naming classmate na nasa San Isidro. Hindi na nga kami aabot sa simbahan, kaya sa handaan na lang mamayang gabi kami pupunta. Doon na din kami matutulog."

"Bakit kailangan nyo pa akong isama? Hindi ko naman kilala 'yun."

"Eh kasi nga, itong si Dianne ay gustong sumama din. Eh may pasok pa siya bukas. Ipagda-drive mo lang naman kami papunta doon. At mamayang gabi, iuuwi mo din si Dianne."

Napadilat ang mga mata ko sa nadinig ko. "Bakit ako pa? Bakit hindi na lang ikaw ang magmaneho at maghatid kay Dianne pauwi?"

Namewang ang ate at saka lumapit sa harapan ko. "Alam mo ba kung ilang oras ang biyahe papunta ng San Isidro? Kung ihahatid ko sila at iuuwi si Dianne, aba'y hindi na lang ako pupunta. Magsasayang lang ako ng oras."

Hindi ako nakasagot. Oo nga naman. Kung susumahin ay humigit-kumulang sa tatlong oras ang biyahe papunta doon. Tapos pabalik pa kung ihahatid si Dianne. Anong sense nga naman kung isa sa kanila ang magmamaneho. So kahit pumapayag na ang utak ko sa hiling ni ate ay tumatanggi pa din ang kalooban ko. Isa nga sa mga dahilan ay dahil nandun si Sunny panigurado. Eh may tampuhan kami nun. LQ na parang hindi LQ.

Hindi nga naglaon ay napa-oo na ako ng kapatid ko kahit labag sa loob ko. Matapos ang trenta minutos ay nakapaligo na ako't nakapagbihis. At hindi naglaon ay sakay na kami ng aming lumang model na Pajero at binabaybay ang daan papuntang San Isidro. Siguradong gabi na ang dating namin doon sa tantiya ko. Habang daan ay hindi ako umiimik. Nagsasalita lamang ako kapag kinakailangan o kung may tinatanong sa akin. Hindi din kami nagkikibuan ni Sunny, kahit paminsan-minsan ay nagtatama ang aming mga paningin. Magkakatabi sila sa likod ng nobyo niya at ni Dianne. Habang nasa kanan ko naman nakaupo si Ate Dina.

Halos lagpas na alas-otso nang marating namin ang nasabing lugar. Hindi na sana ako bababa ng sasakyan, dangan nga lang ay inalok ako ng mga bagong kasal na makisalo sa kainan na hindi ko naman tinanggihan. Pagkatapos ay hindi na ako nakihalubilo sa mga tao. Bagkus ay tumambay na lang ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay na umuwi si Dianne.

Medyo may kadiliman ang isang bakanteng lote kung saan ko ipinarada ang sasakyan. Mula dito ay lalakarin mo lang ng konti ang lugar kung saan ginaganap ang handaan. Halos madidinig mo nga mula sa kinaroroonan ko ang malakas na tugtog ng sound system at ilang mga hiyawan. Ibinaba ko ang sandalan ng driver's seat upang kahit papano'y maidlip muna habang naghihintay.

Halos hindi pa nagtatagal ang pagkakapikit ko'y may nadinig na agad akong kumakatok sa salamin ng sasakyan. Dahil nga sa madilim ang lugar at tinted ang salamin ng bintana ng sasakyan ay hindi ko maaninag ang kumakatok. Nang ibaba ko ang bintana ay nakita kong nakatayo si Sunny.

"Puwedeng pumasok?" tanong niya.

Nagpalinga-linga ako sa paligid upang tingnan kung may kasama siya. Wala. "Nasaan si Tony?"

"Hayun, busy sa pakikipaghuntahan sa mga kainuman niya."

Katahimikan.

"Papapasukin mo ba ako?" susog niya muli.

Inalis ko sa pagkakalock ang pinto ng sasakyan at saka siya sinenyasan na pumunta sa kabilang pinto. Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan ay muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Subalit hindi nagtagal ay siya din ang bumasag nito.

"Alam kong nagagalit ka sa akin dahil sa mga sinabi ko. Pero 'yun ang totoo. Aminin mo man o hindi, Diego... 'yun ang totoo. Katawan ko lang ang gusto mo sa akin at hindi mo naman talaga ako mahal."

"Pa'no mo naman nasabi 'yan?" baling ko sa kanya.

Ibinaling ni Sunny ang posisyon niya ng pagkakaupo paharap sa akin. "Bakit? Mahal mo talaga ako? Ako na kahit may nobyo at magpapakasal na ay nagpapakantot pa sa ibang lalaki? Magising ka nga sa katotohanan, Diego! Hindi ako ang babaeng nararapat sa'yo."

Hindi ako nakaimik. Sandali kong sinuri ang sarili ko kung sa mga darating na panahon ba na kung sakaling magkatuluyan nga kami ni Sunny, hindi ko ba ibabalik sa kanya ang nakaraan? Hindi ko ba iisipin na kahit mahal ko siya ay maaaring may gumagalaw pa din sa kanyang ibang lalaki bukod sa akin? Hanggang saan ang magiging pagtitiwala ko sa kanya? Ngayon, katulad ng sinabi niya, may nobyo na siya't magpapakasal ay may nangyayari pa din sa amin. Mantakin mo! Kasama pa namin mismo sa bahay si Tony! Gaano ba ako nakakasiguro na hindi gagawin sa akin ni Sunny ang ginagawa niya kay Tony?

"Mabuti kang tao, Diego," pagpapatuloy niya. "Hindi ang katulad ko ang nararapat sa'yo kundi ang babaeng totoong mamahalin ka at hindi ka pagtataksilan. Naiintindihan mo ba sinasabi ko? Ang lahat ng nangyayari sa atin ay kagustuhan lang ng mga laman natin. Aminin mo man o hindi."

"Bakit mo ito ginagawa kay Tony? Akala ko ba mahal mo siya?"

"Oo, mahal ko si Tony at nagkakasala ako sa kanya. Inaamin ko. Inaamin ko na mas naaliw ako o nasasarapan ako sa mga ginagawa natin kesa sa ginagawa namin ni Tony. At kaya ko nagawa ito ay dahil natukso ang katawan ko na alamin kung anong ligaya o sarap ang maibibigay ng isang kagaya mong biniyayaan ng... ng alam mo na."

"At dahil nga mahal ko si Tony, darating ang araw na aaminin ko din sa kanya ang pagkakasalang ito. Sana lang ay makuha niya akong mapatawad."

Inabot ni Sunny ang kamay ko at mariing pinisil. "Diego, tulad ng sinabi ko, mabuti kang tao. 'Wag mong sayangin ang buhay mo sa akin. Please lang. At 'wag ka na ding magalit sa akin. Ayoko namang magkakahiwa-hiwalay tayo na may samaan ng loob. Kahit papaano naman siguro'y nag-enjoy din tayo sa isa't-isa, diba?"

Muli kong kinapa ang damdamin ko. Tama nga ako. Maaring hindi ko kaya na ilagay ang sarili ko sa posisyon ni Tony. Hindi ko kayang isipin na ang babaing mahal ko, pinaglaanan ko ng oras at buhay, ang babaeng pakakasalan ko ay ginagalaw ng iba. Baka hindi ko malaman kung anong magawa ko. Kaya't kahit gusto ko si Sunny ay iisipin ko na lang na para sa sarili ko ding kapakanan ang kalimutang mahal ko siya. Iisipin ko na lang na si Sunny ang bumuhay sa pagkalalaki kong matagal na nakakulong sa sitwasyon ko.

"Sunny..." Seryoso akong tumingin sa kanya. "Hindi mo kasi maiaalis sa akin na makaramdam ng ganito sa'yo. Sa edad kong 'to, at sa sitwasyon ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ikaw ang unang babae sa buhay ko."

Ngumiti si Sunny. "Alam ko." At pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi.

*** *** ***

If by any form of miracle that you like my work... please consider buying me a coffee... I will greatly appreciate...

Thanx in advance.

https://www.buymeacoffee.com/johnpoe

SUNNY (SPG R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon