Chapter 10

21 4 0
                                    

Aella's POV

"Ms. Andrade!" Muling sigaw ng aming Physics Instructor. 

"Present! I'm here!" I shouted again dahilan para pagtinginan ako ng ilang studyante, agad ko naman silang inirapan at ibinaling nalang ang aking tingin sa hindi kalayuan.

Napakasarap ng simoy ng hangin dito sa tabi ng bintana. It feels like i forgot all my problems. Napapikit ako nang humampas sa akin ang sariwang hangin. I suddenly removed my ponytail just to feel the presence of this fresh air. But all of these are just temporary. Hindi ko parin maiwasang mapa-isip. Hindi ko maiwasang maalala lahat nang pangyayari, trauma, at sakit nang nakaraan. I can't even focus, listen in my class, and even can't answer my Instructor's question. I don't know why but i just can't imagine my life as a student without you, Axe. 

'A lot has changed, since you disappeared.'

"Ms. Andrade! I'm asking you!" Laking gulat ko nang sumigaw muli ang Instructor, agad naman akong tumayo.

"Sorry Mr. Kensington. What's your question again?" I almost stuttered while asking. Umiling ang Instructor at ibinagsak ang hawak na libro sa lamesa.

"I'm asking you how to pronounce your name." He asked me calmly, pero bakas sa kanyang mukha ang pagkainis. 

'Napakadali lang pala.'

"A-yel-ya An-dra-de Mr. Kensington." I answered his question confidently. Tumango-tango lang ito at ibinaling ang tingin sa iba ko pang kaklase.

"Ok class for today, we have our graded recitation." Muli kong sinulyapan ang ilan kong mga kaklase na nagrereklamo nanaman habang nagbubulungan. "I'll give you 5 minutes to review."

We have no choice, i mean they have no choice. Ako lang naman lagi ang nangunguna sa rank dahil sa Physics. Physics is very easy unlike sa mga subjects na hindi naman dapat matutunan. Physics is the only one how i can survive in this demonic school. The one and only one i hate the most is our Physics Instructor at hindi ko alam kung bakit. These semesters, wala akong natutunan sa kanya. Natuto lang ako sa pagbabasa ng libro at pag research about Physics.

"Hi, okay ka lang?" Ivhan asked me.

"Ofcourse." Pormal kong sagot at ibinaling ang tingin sa 'di kalayuan.  "You, are you okay?" I asked him because why not?

"Bago lang ako dito, can you be my friend?" Napalunok ako sa kanyang sinabi. 

"Why?"

"You're nice, funny, and gorgeous." Dinukot ko ang tumbler sa aking bag at sunod sunod na ininom ito. Muli ko siyang sinulyapan at kinausap.

"You want me to be your friend because I'm good at Physics. Gusto mo lang mangopya." Magsasalita na sana siya nang tumayo ang Instructor para kunin ang cards. "Goodluck...Ivhan." Nginisian ko siya at ibinaling ang aking tingin sa Instructor. Umiling nalang ito at sinimulan nang makinig.

"Put your reviewers back inside your bag kung ayaw niyong punitin ko 'yan isa-isa." Agad naman nagtino ng upo ang mga ito at sinimulan nang makinig. Napansin kong ang iba ay nagbubulungan parin at hindi maalis ang pagrereklamo, nginisian ko nalang ito at muling ibinaling ang tingin kay Ivhan na nakatingin sa aking mga mata habang nakangiti.

"What?"

"You're just pretty."

Binalewala ko nalang ang kanyang sinabi at nag focus sa recitation.

"This first question is for Mr. Santos." Panimula ng Instructor.

'Who's that?'

Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Ivhan na nakatayo na pala ngayon. 

Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now