Chapter 9

30 6 1
                                    

Venizhieo's POV

Isang buwan na ang nakalipas nang hindi na namin nakasama si Axe. May mga araw na hindi kami maka focus sa pag-aaral at minsan kailangan naming mag cutting classes para lang magsaliksik tungkol sa paaralang ito. May mga oras na hindi kami makakain nang maayos at hindi mapakali sa sarili pero lahat nang iyon ay unti-unting nawawala, unti-unti naming nilalabanan ang lungkot para makahanap ng hustisiya sa pagkamatay ni Axe. Pilit naming kinakalimutan ang nangyari sa Athletic Field, umaasang buhay pa si Axe.

"Ven, are you okay?" Si Gwen habang hawak ang pisngi ko.

"Ofcourse." Pormal kong sagot at hinawakan siya sa kamay.

Sa ngayon, naglalakad kami ni Gwen papuntang room para mag review sa papalapit na exam. Kami ay nasa 5th Sem na, kailangan naming labanan lahat ng mahihirap na pagsubok dahil kung hindi pare-parehas kaming mamamatay ng mga kaibigan ko.

"Good morning Ven, Gwen." Hindi pa man kami nakakapasok, sinalubong agad kami ni Mrs. Musico ng pagbati. Tumango nalang ako at dumeretso sa aking upuan.

"Good morning." Bati ni Gwen na naiwan ko ngayong nakatayo sa pintuan.

"Ok for today, we have an important recitation." Panimula ni Mrs. Musico habang binabalasa ang cards na may sari-sarili kaming pangalan na nakasulat rito. 

"But Mrs. Musico wala pa kaming naiintindihan sa lahat nang lesson mo this sem." Angal ng isa naming kaklase. 

"I strongly agree." Si Zypher na nakapandekwatro ngayon, napangisi nalang ako sa kanyang sinagot.

"I know." Pormal na sagot ni Mrs. Musico kasabay ng kanyang pagtayo. "My questions are about our lesson in 1st sem." Dagdag nito sabay ngisi. "Ok, let's start." Walang choice ang mga studyante kundi makinig.

"What the freak." Sandali kong sinulyapan si Zypher sa kanyang sinabi.

"Urban Renewal was a 2021 tribute album dedicated to which iconic artist?" Unang tanong palang ni Mrs. Musico ay agad na nagbulungan ang aking mga kaklase. "Let's see kung sino ang makakaligtas." Dagdag ni Mrs. Musico kasabay ang pagbunot niya sa mga cards. 

 Bago niya pa man bangggitin ang pangalan na nasa card, biglang tumayo ang isa naming kaklase na si Quiqui na matagal nang kaaway ni Gwen. "But Mrs. Musico, we've already forgot thos----" 

"You! You are the first one." Hindi naituloy ni Quiqui ang kanyang gustong sabihin nang sigawan ito ni Mrs. Musico. "Answer my first question." Dagdag ni Mrs. Musico habang papalapit kay Quiqui.

"No!!!" Laking gulat namin nang sigawan ni Quiqui si Mrs. Musico kasabay nito ang kanyang pag walk out sa klase, sinundan namin siya ng tingin. Pulang pula ang kanyang mukha at halata ang kanyang pagkainis.

Muli naming ibinaling kay Mrs. Musico ang aming tingin na ngayon ay nakangisi habang binabalasa parina ang hawak na card. 

"Any volunteer?" Tanong ni Mrs. Musico habang nakatalikod papalapit sa kanyang lamesa. Nagkatinginan lahat ng nasa klase kasabay nito ang maingay na bulungan. 

"Phil Collins." Lumipat ang aming tingin kay Zypher nang magsalita ito. 

"Who is Phil Collins?" Mabilis na dagdag ni Mrs. Musico.

"Philip David Charles Collins was born in January 30, 1951. He is an English drummer, singer, songwriter, and record producer. He also became "one of the most successful pop and adult contemporary singers of the '80s and beyond". Dagdag ni Zypher na nakatayo ngayon, lahat kami ay nakatingala sa kanya at ang ilan ay nakanganga. 

Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now