Chapter 8

39 7 0
                                    

Venizhieo's POV

Sa lahat ng nangyari, pinipilit kong ngumiti sa harapan ni Gwen at sa aking mga kaibigan kahit na mahirap. Pinipilit kong wag pumatak ang luha at hindi maging mugto ang mata sa kanyang harapan. 

"Ven, kailangan mong kausapin si Zypher. Kailangan mo siyang pakiusapang kumain para naman sumigla siya. Hindi pwedeng ganyan nalang siya." Sabi ni Gwen habang ako'y nagseserve ng pagkain.

Sandali kong pinagmasdan si Zypher na tulala at mugto ang mga mata. Sa lahat ng nangyari hindi malayong mawalan siya ng ganang kumain.

"Sa tingin ko ayaw niyang sumabay sa atin. Sasamahan ko nalang siya." Tumango nalang si Gwen pagkatapos non ako ay tumungo sa lugar kung nasaan si Zypher habang dala ang pagkaing inihanda ko para sa kanya.

"Zypher please, kailangan mong kumain." Pakiusap ko kay Zypher agad naman siyang tumingin sa'kin. "Please." Pagmamakaawa ko.

"Thanks." Sagot niya agad ko namang iniabot ang dala kong pagkain. Habang pinagmamasdan si Zypher, bakas sa kanyang mukha ang lungkot.

Agaw pansin naman ngayon ang ate ni Gwen na nakaupo sa isang sulok. Hindi malayong siya ang nagligtas sa akin noong panahong may grupong sumugod sa akin at hindi din malayong siya ang nagligtas sa amin kanina sa Athletic field. Pinagmasdan ko ang agaw pansin na nakasulat sa kanyang leather jacket na 'Kimora' hindi malayong ito ang kanyang pangalan.

"Ven sa tingin mo wala na talaga siya?" Napatingin ako kay Zypher sa kanyang sinabi. "Malay natin hindi mo napansin na may pulso pa siya dahil sa pagpigil nila sayo." Bakas sa kanyang pananalita na umaasa siyang buhay pa si Axe.

"Zypher, walang nakakaalam." Maski ako hindi alam kung ano ang dapat na isasagot.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyari." Kasabay nito ang kanyang pag-iling.  "Ano ganon nalang? Yun na yung time na huli natin siyang makikita?" Dagdag nito.

Naalala kong muli ang pinagdaanan ni Axe pagdating sa kanyang pamilya. Ang kanyang ama at ina namatay bata palang siya. Mistulang ang lola nalang niya ang kanyang kinakasama. Sa tuwing may kailangan siyang bayaran sa kanyang dorm ay laging sapat lang ang kanyang pera, pero buti nalang ay andito kaming kanyang mga kaibigan para sumuporta sa kanya. 

"Maaaring buhay pa si Axe." Napatingin ako sa ate ni Gwen at nakakasigurado akong ganon din sina Zypher, Shequila, Aella, at Gwen dahil sa kanyang sinabi. Nagkatinginan kaming lahat sa isa't isa.

"What do you mean?" Tanong ni Zypher na napatigil sa kanyang pagkain. 

"Siguro alam niyo naman na ang paaralang ito ay hindi saklaw sa gobyerno." Tiningnan niya kami isa-isa. "Maaaring kung saan lang dinala ang katawan ni Axe. Nakakasigurado akong buhay pa si Axe dahil lahat ng gusto nilang patayin ay ginigilitan sa leeg, inaalis ang iba't ibang parte ng katawan hanggang sa mamatay." Nandiri ako sa kanyang sinabi. "Pero iba ang kay Axe, pwede nilang pagkatiwalaan ang kanyang katawan." Dagdag pa niya. "Kailangan natin siyang iligtas sa lalong madaling panahon unless, magiging myembro siya ng Succubus Gang." Nanlaki ang mata ko sa kanyang huling sinabi ganoon din si Zypher.

"Are you freaking sure about that?" Si Shequila na napatakip sa kanyang bunganga dahil sa gulat.

"Paano mong  lahat 'to nalaman eh hindi ka naman studyante dito?" Biglang tanong ni Zypher sa aking tabi.

"My ate is an Agent. Sorry nakalimutan kong sabihin. Her name is Kimora by the way." Si Gwen makikita mong proud dahil sa kanyang pagkakasabi.

"I see." Si Zypher na nakatulala ngayon kay Kimora. "So, kailangan natin siyang iligtas sa kamay ng Succubus Gang?" Dagdag niya. "Ngayon ko lang narinig ang Succubus Gang. Sila ba ang umatake kay Ven before?"  Sunod na tanong ni Zypher.

"Yes. Habang kinakaladkad si Venizhieo, lahat ng 'yun ay nasilayan ko pero hindi ko siya maligtas dahil mag isa ko lang. Hanggang may isang myembro na nag abot kay Venizhieo na isang material arts na magsisilbing pamputot sa nakatali sa kanyang kamay." Kwento ni Kimora na naka pamulsa ngayon. "Hanggang sa si Venizhieo nalang ang natira sa loob ng bodega, tinulungan ko siyang tumayo at makalabas dahil nahihirapan na siyang gumalaw." Pa iba-iba siya ng tingin sa aming lima. "Inilabas siya at iniligtas." Dagdag pa nito.

'I KNEW IT!'

"Hindi na ako nag-abalang magpakilala dahil halata naman sa mukha niyang hindi siya interesado." Dagdag niya habang umiiling at nakangisi.

"Thank you." Pasasalamat ko dahil sa kanyang tulong kahit na nauutal.

"Ngayon ko lang narinig ang Succubus Gang. K-pop group ba sila?" Sumingit si Shequila sa aming harapan at bakas sa kanyang mukha na siya'y interesado. 

"Shequila tumabi ka, we are serious. Please." Napakamot nalang ako sa inis. Bumalis naman ito sa kusina habang nakanguso. Muli kong sinulyapan si Kimora na nakangisi ngayon.

"Succubus Gang, sila ang dahilan kung bakit halos araw araw may namamatay na studyante sa paaralang 'to. Lahat ng katawan nila ayi binebenta sa iba pang grupo para pagkakitaan. Minsan, dinadamay pa nila ang pamilya ng ilang studyante para pagsilbihang 'bonus'. Madaming studyante na ang namatay pero dahil ang paaralang ito ay hindi saklaw sa gobyerno, walang mabuting pagbabago." Nanatili kaming nakinig habang si Gwen ay tatango tango lang na para bang alam niya na lahat ng nangyayari. "Maski ang gobyerno walang may pake at natatakot sa paaralang ito. Madaming myembro ang Succubus Gang, iba't ibang lugar meroong myemro ang Succubus Gang. Iba't ibang lugar sila kumukuha ng mga studyante at hindi lang studyante kundi matanda, bata at iba pa." Daagdag pa niya. Sa ngayon, hindi namin alam kung ano ang aming magiging reaksyon sa mahaba niyang kwento tungkol sa paaralang ito. "Hindi ako nag-aaral dito pero alam ko lahat ng ito dahil isa akong Agent. Obligasyon kong malaman ang sikreto ng iba para sa kapakanan ng lahat." Dagdag nito dahilan upang mamangha ako.

"Kung ganoon, dapat kumilos na tayo para sa kaligtasan ni Axe." Sagot ko.

"Oo nga. Kaibigan namin ang nakasalalay dito." Sang-ayon ni Shequila sa akin.

"Kailangan talaga natin dahil hindi ko hahayaang pati siya ay maging myembro na din ng Succubus Gang." Pag sang-ayon ni Zypher.

"What? Hindi niyo ba alam na si Axe ang nagbigay ng material arts kay Venizhieo para makawala siya sa kanyang pagkakatali?" Nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa na nagtataka at hindi alam ang isasagot sa impormasyong sinabi ni Kimora.

Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now