Chapter 5

34 5 0
                                    

Venizhieo's POV

Patago akong nagising nang mag ring ang phone ni Zypher na nagbibihis ngayon, agad naman niyang sinagot 'to.

"Zypher help!" Pamilyar ang boses na 'yun. Nagpanggap akong tulog upang malaman kung ano mang pinag-uusapan nila o kung sino man ang kausap ngayon ni Zypher.

Ngunit nabigla ako nang may biglang sumigaw sa kabilang linya. Hindi ako nagkakamali, ang kausap ngayon ni 'Zypher ay ang myembro ng umatake sa akin noong isang gabi. Pare-parehas lang ang tunog ng boses nila at ang suot nilang Maskara ang dahilan kung bakit nag-iiba ang kanilang boses, dahilan upang hindi sila mas makilala. Napansin kong agad namang ibinaba ni Zypher ang phone at tumabi sa'kin sa sofa.

Napanggap akong walang narinig at mahimbing na natutulog, hanggang sa napansin kong wala ng malay si Zypher sa pagkakatulog. Ngunit makalipas ang ilang minuto, bigla itong napaupo at hingal na hingal.

"Axe." Dinig kong bulong nya.

"Zypher, what's wrong?" Agad akong bumangon at tinanong siya.

"May tumawag sa'kin kanina at 'di ko alam kung sino."

Agad akong tumayo at binuksan ang ilaw. Sumilip ako sa labas ng dorm, sobrang dilim at maski kunting liwanag wala akong matanaw. Mapansin ko ring wala ng gulong nagaganap.

"I'm worried about Axe, you think he's fine?" Bakas sa kanyang mata ang pag-aalala.

"I think kailangan na natin siyang puntahan sa dorm niya." Laking gulat ko nang sumulpot si Aella.

"I thought you were sleeping." Si Zypher na gulat na gulat.

"No, rinig na rinig ko kaya kayo. By the way, hanapin na natin si Axe at baka kung ano pang mangyari sa kanya." Agad na ginising nito si Shequila na mahimbing ang tulog.

"What?!" Bakas sa mukha ni Shequila ang pagkainis.

"Kailangan nating hanapin si Axe, gaga."

"Hindi niyo ba nakikita na natutulog ako?" Ito lang ang sinagot ni Shequila at bumalik sa pagkakatulog.

Pinapanood lang namin ni Zypher ang dalawa.  Agad na kumuha si Aella ng basong may laman na tubig at ibinuhos ito kay Shequila.

"Aella! Why did you do that?!" Basang-basa ngayon si Shequila at bakas sa kanyang mukha ang pagkainis.

"Tatayo ka diyan o bubuhusan pa kita ng isang timbang tubig?" Banta ni Aella.

 Walang choice si Shequila na tumayo at magbihis habang kami naman ni Zypher ay hindi mapigilang mangisi dahil sa kalokohan nilang dalawa.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay, tinapangan naming lumabas ng dorm. Sa ngayon may dala akong iisang flashlight na nagsisilbing liwanag kung saan man kami patungo at kung saan namin pwedeng hanapin si Axe.

"Babawi ako mamaya, humanda ka." Maya maya'y bulong ni Shequila na inis na inis parin ngayon.

"Hindi maka move on? Buhay ni Axe nakasalalay dito." Sagot naman ni Aella na ngayon ay dikit na dikit kay Zypher sa takot.

"Ngayon takot na takot ka?" Biro ni Shequila na nakangisi naman ngayon.

"Pwede bang manahimik kayo kahit ngayon lang? Madilim ang paligid kailangan nating tumahimik para malaman natin kung sino at ano ang papalapit sa'tin." Napakamot nalang si Zypher sa pagkainis.

Habang naglalakad, napag desisyonan naming dumeretso sa Athletic Field dahil doon laging tumatambay si Axe minsan sa gabi, yes hindi siya nahuhuli and i don't know why. Isa pang dahilan kung bakit kami dito dumeretso ay delikado angdaan papunta sa dorm ni Axe.

Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now