Chapter 13

23 4 0
                                    

Gwen's POV

"Gwen! Open the door!" Napabutong hininga nalang ako nang marinig kong si ate ang kumakatok. Kinabahan ako sa kanyang boses dahil halata sa tunog nito ang kanyang kaba kaya naman hindi ko agad nabuksan ang pintuan. "Gwen! Hurry!" Sandali kong binilisan ang pagbukas ng pintuan at tumambad nga sa akin si ate na sugatan. Napansin ko ring nakahawak siya sa kanyang balikat habang namimilipit sa sakit.

"What happened?!" Inirapan lang ako nito at inunahan akong buksan ang ilaw, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa sala para umupo. "Can you answer me? What happened?" Muli kong tanong habang kinukuha ang first aid kit sa cabinet. Nang iabot ko ito, agad niyang kinuha ito at sinimulan na ngang gamutin ang kanyang sugat sa balikat. 

"I saw Axe." Ito lang ang kanyang sagot habang ginagamot ang kanyang sugat.

"I saw him too. Oo nandito sil---" Tumayo ako para ituro ang lugar kung saan ko sila nakita pero napagtanto ko na wala na sila rito. "W--what?" Hinawi ko ang kurtina't nagbabasakaling naroon pa sila pero nagbigo ako. Tinabihan ko nalang si ate na namimilipit parin sa sakit at muli siyang tinanong. "So, what happened to you?" Muli akong bumuntong hininga.

"They caught me, ofcourse." Muli niya akong inirapan. "I was about to save Axe, but he's with the Succubus Gang that's why they caught me, then the other member just stabbed me. Buti nalang mabilis akong  nakatakbo." 

"So what should we do now?" Napatingin nalang ako sa isang sulok habang nag-iisp. "By the way, alam mo ba ang kalagayan ngayon nila Ven and Zypher?" Muli akong lumingon kay ate para maghintay ng sagot pero umirap nanaman ito. "Kailangan nating pumunta sa Lab na sinasabi mo kung ano man 'yan."

"Gwen, delika---." 

"Ate they can't just kill me. Maybe pahihirapan lang ako but i need to save them. "Buhay ng mga kaibigan ko ang nakasalalay dito." Hindi ko maiwasang pagtaasan ng boses si ate dahil sa pag-aalala.

"Yes, ofcourse we need to save them because why not?" Si ate na tinataasan din ang boses. "Pero hindi madali."

Napailing nalang ako sa kanyang sinabi at tuluyan na nga akong pumasok sa aking kwarto para magpahinga. Sandali kong tinitigan ang picture ni Ven sa aking phone at hindi maiwasang lumuha. Habang nakatitig sa aking kisame pilit na pumapasok sa isip ko ang mga nangyari dahilan para hindi ko maiwasang mag-alala. Sandali kong natanaw si ate na ngayong ay nakatulog na sa sofa. 

1:38 na nang madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Sandali kong isinuot ang aking earphone at hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ako.

Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now