Chapter 6

37 6 0
                                    

Venizhieo's POV

Hindi maipinta sa aming reaksyon ang aming pagkagulat nang tumambad sa amin ang katawan ni Axe na duguan at walang malay. Sandali kong sinulyapan ang dalawang babae, sila'y napatalikod nalang at hindi alam ang magiging reaksyon habang si Zypher nama'y titig na titig sa katawan ni Axe na duguan kasabay non ang pagtulo ng kanyang luha.

Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa, agad akong lumuhod sa kanyang harapan at siya'y pinulsuhan, nagbabasakaling buhay pa ang aming kaibigan ngunit kasabay non ang pagpigil sa akin ng tatlong taong naka uniporme ng pang medisina. Ako'y pilit na kumawala pero hindi parin nila ako napigilan. Saglit kong sinulyapan sina Zypher pero sila'y nakaluhod na habang bumubuhos ang iyak. Doon ko na hindi napigilang sumigaw at buhumos ang luha. Sa ngayon hindi ko alam kung anong susunod na gagawin at hindi makapaniwala sa nangyayari.

Sandali kong sinulyapan ang lugar kung saan nakatambad si Axe ngunit siya'y buhat buhat na ng tatlong taong pumigil sa akin.

"Axe!!!" Napatayo ako sa aking niluhuran at tumakbo papunta sa ambulansya kung saan ipinahiga si Axe. Agad kong niyakap ang kanyang katawang hindi na gumagalaw at walang malay. Ibinuhos ko lahat ng aking luha, hinanakit at paninisi sa aking sarili habang siya'y yakap yakap. Pilit akong nilalayo ng mga taong ito ngunit hindi, gusto ko pang mayakap ang aking kaibigan.

Maya-maya, si Zypher na ang pumigil sa akin, wala akong choice kundi bumitaw at hayaang umalis ang sasakyan papalayo sa amin. Napaluhod akong muli sa aking kinatatayuan at napatitig sa lupa. Paninisi, takot, galit, at awa ang bumabalot sa aking katawan. Gusto kong tumayo at ilabas lahat ng galit ngunit mas iniisip ko kung paano kong muli maibabalik ang kaibigan kong si Axe.

"Ven, Zypher we should go." Si Shequila habang mugto ang mata at pilit akong pinapakalma sa pamamagitan ng paghimas sa aking likod ganoon din si Aella. Umiling lang ako at napahawak sa aking noo.

Inalalayan ako ni Shequila tumayo, pilit na pinapatatag ang kanyang sarili ganoon din si Aella na pinapakalma si Zypher at tinutulungang tumayo.

Tahimik kaming dumeretso papunta sa aming dorm. Pabagsak na naupo sa sofa at hindi alam kung anong susunod na gagawin.


Gwen's POV

Ako'y matutulog na sana nang magkaroon ng sunod sunod na putok sa labas. Napakahirap matulog dito sa dorm ko.

'So irritating'

Sandali akong lumabas at chineck kung ano nanamang ganap ng Succubus Gang. Sinundan ko ang sunod sunod na putok ng baril hanggang sa madatnan ko sina Venizhieo, Zypher, Shequila at Aella na bumubuhos ang luha kasabay non ang pagtigil ng pagputok ng mga baril. Sandali kong tiningnan ang ambulance na malapit sa kanila, laking gulat ko nang makita ko si Axe na sugatan, duguan at walang malay.

'OH MY GOD!'

Napatayo si Venizhieo sa kanyang niluluhuran, tumakbo papunta kay Axe at mahigpit itong niyakap. Piniglan siya ng mga taong naka uniporme ng pang medisina pero nag pumiglas siya hanggang sa si Zypher na ang lumapit para pigilan siya. Ilang minuto bago sila'y mahimasmasan.

'I feel bad for them'

Maya-maya'y napansin kong tumayo sila at nagtungo papunta dorm ni Venizhieo. Napansin kong dumidilim na ang paligid kaya nag desisyon akong bumalik sa dorm ko. Habang naglalakad, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kay Axe kanina lang, nakakaawa ang kanyang kalagayan kanina. Hanggang sa paghiga sa aking kama, tumatatak sa isip ko na kailangan nila ng kasama, kailangan nila ng magpapalakas ng loob nila. Pero sino?

Habang nakatitig sa kisame naalala ko lahat ng pagsasama namin ni Axe, Venizhieo, Shequila, at Aella bilang magkaklase.


Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now