Chapter 7

31 8 0
                                    

Gwen's POV

Binalewala ko nalang ang sinabi ni ate. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at agad na tumambad sa amin ni ate ang apat na magkakaibigang nakaupo sa sofa, kaawa awa ang lagay nila sa sitwasyon nila ngayon. Sabay silang napatingin sa aming pinanggalingan, noon ko lang napansin na mas malala pa pala ang lungkot sa bakas ng kanilang mukha. Mugtong mugto ang kanilang mga mata at madumi ang sarili dahil siguro sa pagluhod at paglaban nila laban sa Succubus Gang.

"Ven, Shequila, Aella, Zypher, alam ko kung anong nangyari kay Axe at ikinalulung..." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang tumayo si Zypher at lumapit sa akin.

"Ikinalulungkot? Diba anak ka ng demonyong may-ari ng school na 'to? Bakit hindi mo sila pinigilan?" Hindi mapigilan ni Zypher na pumatak ang kanyang mga luha habang sinasabi ito sa harapan ko.

Sandali kong sinulyapan si ate na nakaupo ngayon sa gilid habang ginagamot ang kanyang mga sugat, napansin ko namang nakatitig si Venizhieo dito.

"Zypher, hindi ko ginusto ang nangyari."

"Ang I'm sure walang may gusto sa nangyari." Sandali ko sinulyapan si ate sa kanyang isinagot.

"Ang mga myembro na umatake kay Axe? Ang mga myembrong umatake sa amin? Ang mga myembrong umatake sa mga inosenteng studyante? Sa tingin mo nanlumo din sila sa pagkamatay ni Axe? Anak kayo ng may-ari ng school na 'to pero wala man lang kayong nagawa para pigilan lahat ng misteryosong nangyayari sa paaralang 'to halos araw araw. Gusto lang naman naming mag-aral dito at makatanggap ng sariling martikola hindi para makatanggap ng pasa, pananakot at pagbabanta!" Mahabang sagot ni Zypher sa aking harap. Napayuko nalang ako at naistatwa sa pagkakatayo.

"Tama ka Zypher pero wag mong isisi sa amin lahat ng nangyari. Maski kami sakal na sakal na sa paaralang ito. Sakal na sakal na din sa sarili naming tatay." Maangas na sagot ni ate na ngayon ay na crossed arm. 

Napangisi lang si Zypher sa isinagot ni ate. "Nonsense." Ito ang huling binigkas ni Zypher at saka umupo.

"Bakit kayo andito?" Pag-iiba ni Venizhieo ng usapan na halos ay mautal.

"Ako lang sana ang tutuloy dito para kumustahin kayo pagkatapos ng nangyari pero nakasalubong ko si ate na sugatan kaya mas mabuting isama ko na siya." Sagot ko at sandaling sinulyapan si ate.

"Umupo ka." Sagot niya.

Tumango lang si Venizhieo at tumayo para kumuha ng tubig pero si Zypher ay nanatiling nakaupo na 'tila malalim ang iniisip ganoon din sina Shequila at Aella. Bakas sa kanilang itsura ang pagkabigla sa nangyari. Kung hindi pa kami tumuloy ni ate, sigurado akong walang mag-aasikaso sa kanila.

"Ako na diyan." Agad akong tumayo nang kukuha sana si Venizhieo ng makakain.

"Thank you sa pag-aalala." Pasasalamat ni Venizhieo. Sa ngayon parehas kaming nakaharap sa kusina para maghanda ng makakain habang ang iba nama'y nasa sofa't nagpapahinga.

"Venizhieo, obligasyon kong damayan kayo kasi dati niyo akong kaibigan." Napatigil ako sa aking sinabi ganoon din si Venizhieo. Sandali kaming nagkatitigan.

"Dati? No, may misunderstanding lang talagang nangyari kaya ka nahiwalay at alam kong hindi mo ginusto 'yun." Napatitig ako sa kanyang mata sa kanyang sinabi. "And please, don't call me Venizhieo, Ven nalang. Parang wala naman tayong pinagsamahan." Napangiti ako sa kanyang sinabi dahil sa lahat ng nangyari, pinipilit niyang maging masaya sa aking harapan.

Pagkatapos naming magready ng pagkain, agad na niyaya ko ang lahat para kumain pero si Zypher ay nanatiling nakaupo at walang emosyon habang ang lahat naman ay nasa lamesa na.

"Ven, kailangan mong kausapin si Zypher. Kailangan mo siyang pakiusapang kumain para naman mas sumigla siya. Hindi pwede ganyang nalang siya." Pakiusap ko kay Ven na ngayon ay nagseserve ng makakain.

"Sa tingin ko ayaw niyang sumabay sa atin. Sasamahan ko nalang siya." Sagot ni Ven, tumango nalang ako at bumalik sa pag asikaso sa kanila Shequila at Aella. Agad akong umupo para samahan sila sa pagkain habang si Ven nama'y pilit na pinapakiusapan si Zypher.

"Thank you Gwen, kung hindi dahil sayo walang gagalaw para mag ready ng pagkain." Itinigil ni Shequila ang kanyang pagkain at sinabi 'to sa akin. "Alam kong wala kang kasalanan sa nangyari." Dagdag pa niya kasabay non ang paghawak ni Aella sa aking kamay dahilan para lumipat sa kanya ang aking tingin.

"Alam naming sakal na sakal kana sa sarili mong ama at hindi mo ginugusto 'yun." Napangiti ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko inaasahang ganito ang pakikitungo nila sa akin pagkatapos ng lahat.

"Tungkol don sa hindi ko pag attend noon sa dorm ni Ven..."

"It's ok. Alam namin kung ano ang dahilan." Hindi ko na naituloy ang akinggustong sabihin nang magsalita si Shequila.

"How?" Pagulat kong tanong kasabay non ang pagsulyap ni Shequila kay ate mula sa upuan. "Kailan niya sinabi?" Dagdag kong tanong.

"Noong mismong gabing 'yun. Habang hinihintay ka namin pumunta siya sa dorm ni Ven para sabihin ang tunay na dahilan. Alam din namin na kapag lumapit ka sa amin, mapapatalsik kami sa paaralang 'to. Kaya wala kang kasalanan at hindi mo ginusto 'yun" Dahil sa kanyang kwento ako'y nanlumo.

"Kung pwede lang tumakas that time ginawa ko na pero alam kong madaming myembro ang Succubus Gang." Sagot ko habang nilalaro ang pagkain ko.

"Buti nga tinupad mo kung anong gustong mangyari ama mo, dahil kung hindi baka wala na kami dito." Si Aella na nagseserve ngayon ng kanin. Napangisi naman ako sa kanyang sinabi.

"Pero nagulat ako noong nilapitan ako ni Ven para kumustahin." Nagulat naman sila sa aking sinabi.

"Kailan?" Sabay nilang tanong dahilan para matawa ako. "Hindi mo man lang kami inupdate para naman nag-usap usap tayo." Dagdag ni Aella na nakanguso bago umupo.

"Hindi ko din alam eh kung bakit basta ang alam ko kasama niya si Zypher that time" Sagot ko kasabay non ang pagsulyap ko sa dalawa na payapang nag-uusap habang si ate nama'y ginagamot parin ang sugat.

Tuloy parin ang pagkwento naming tatlo sa kusina habang si Ven at Zypher ay payapang nag-uusap. Si ate naman ay tuloy parin ang paggamot sa kanyang sugat na parang walang nararamdaman na sakit. Habang iniisip lahat ng nangyari, hindi ko maiwasang manlumo pero pinipilit kong kalimutang lahat ng iyon at ngumiti kahit na mahirap. Makalipas ang ilang minuto, lahat kami ay lumipat sa sofa para pag-usapan lahat ng nangyari kahit masakit sa kalooban at para din pag-usapan kung ano ang pwedeng sumunod na mangyayari.

"Maaaring buhay pa si Axe." Agad na bumaling kay ate ang aking tingin nang sabihin niya ito, ganoon na rin sina Ven, Shequila, Aella, at Zypher.

Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now