Chapter 11

22 5 0
                                    

Zypher's POV 

"You're so lucky." Napatitig ako sa 'di kalayuan nang magsalita ang nasa telepono.

Muli kong sinulyapan ang lugar kung saan nanggaling sina Gwen at Ven. Nang mapansin kong wala na sila rito at tuluyan nang bumaba, bumalik ako sa room para walang makahalata sa akin. 

"Who are you? What do you want?" Tanong ko sa aking kausap mula sa telepono habang minamasdan ang paligid.

"Nothing, i just want you to know that you're so lucky." Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Under the table." Ibababa ko na sana ang linya nang magsalita muli ito.

'What?'

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit napatingin ako sa table ni Mrs. Musico. Napansin ko namang may naiwan na card sa ibabaw nito na kaagad kong dinampot at binasa.

'Quiqui Garcia.'

"You're holding the clue." Muling nagsalita ang nasa telepono.

Magkatugma ang boses nito sa boses ng umatake sa amin sa Athletic Field dahil nga sa suot nilang mask dahilan para mas lalo akong magtaka. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinasabi ng taong ito. 

 "You already know who's next." Muli akong nagulantang nang magsalita muli ang nasa telepono. 

"You're an evil!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa galit. "Don't you ever touch my friends or else, ako ang makakaharap mo."

"Who knows the future?" Mahinahon nitong sagot kasaby non ang kanyang mala demonyong sunod-sunod na tawa dahilan para tuluyan kong ibaba ang telepono. 

Napatitig ako sa card na hawak ko na may pangalan ni Quiqui. Biglang nag sink in sa utak ko ang pangyayaring nag walk-out siya sa klase ni Mrs. Musico dahilan para mas lalo akong kabahan. Muli ko sanang dudukutin ang aking telepono nang may mag sigawang mga studyante mula sa labas. Napailing nalang ako dahil alam ko kung anong nangyayari, hindi malayong may pinaslang nanamang studyante. Isinukbit ko ang card sa aking bag at tuluyang lumabas pero napag desisyunan kong wag munang bumaba. 

Naistatwa ako sa aking pagkakatayo nang matanaw ko sa canteen ang isang Quiqui na wala nang malay. Napakadaming studyante ang nagkakagulo habang nakapalibot dito, ang iba ay 'tila nasusuka habang ang iba nama'y nakahawak sa kani-kanilang sikmura. Bumalik muli ako ako sa room para magpalipas ng ilang minuto. 

"Look who's here!" Napalingon akong bigla sa pintuan dahil sa aking pagkagulat nang meroong tatlong taong nakaharap sa akin ngayon dahilan upang mapatayo ako. Hindi ako nagkakamaling myembro ito ng Succubus Gang dahil sa kanilang maskara. "You look surprised." Unti-unting umaabante ang isang myembro papalapit sa akin dahilan upang mapaatras ako. 

"Are you scared?" Napalingon ako sa isa pang myembro mula sa kanyang likuran nang magsalita ito. 

"Anong kailangan niyo sa'kin?"

"Gusto mo na bang makasama ang kaibigan mong si Axel?" Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

"What do you mean? Is he alive?" Hindi ko mapigilang maluha habang niyuyugyog ang kanyang balikat.

"Malalaman mo, kapag sumama ka sa amin." 

"No." Umatras ako at tuluyang kinuha ang aking gamit para lumabas. "I'd rather die." Muli ko silang nilingon, pagkatapos silang lagpasan.

Pababa na sana ako sa hagdan nang pinaputkan ako ng mga ito dahilan para tumama ang bala sa aking balikat. Natumba ako dahil sa pagkakahina nang makita kong madami agad ang nabawas na dugo. Tuluyan na sana akong tatakbo nang mahagilap ng aking mata si Kimora na may hawak na baril.

"You should leave." 

"Pero sinong kasama mo?"

"Just go." Mahinahon niyang sabi pero hindi ako nagpatinag.

"No. I'll go with you!" Pinilit kong tumayo para ipakitang kaya ko.

Napansin kong makapal ang usok mula sa baba ng building kaya hindi na ako magtatakang may nagtapong ng smoke bomb dito. 

"Ok then." Iniabot niya sa akin ang kanyang isa pang baril mula sa kanyang bag at agad ko namang kinuha ito.

Nag-ingat kami lalo nang mapansin namin makapal na ang usok sa hallway. Napayuko kami ni Kimora nang may sunod-sunod na pagputok sa gawi namin. Sinenyasan ako ni Kimora na pumasok muna sa katabi naming room para magtago na agad ko namang sinunod. Dito kami nagpalipas ng ilang minuto habang ang usok ay makapal parin. 

"Stay here." Napatingin ako kay Kimora sa kanyang sinabi. Napatango nalang ako dahil hindi ko naman na talaga kayang tumayo. "Wag na wag kang lalabas kahit anong mangyari dahil hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin." 

"Ingat." Ito nalang ang aking isinagot at tuluyuan na nga siyang lumabas.

Muli kong tiningnan ang aking balikat kung saan tumama ang bala at hindi nga ako nagkakamali, mas lumalala ito at tuluyang lumalabas ang dugo. Sandali kong dinukot ang panyo sa aking bag para takpan ito pero hindi ito sapat. Ilang minuto na ang nakalipas wala parin si Kimora at tuluyan na nga akong mas manghina.

"Zypher!" Hindi ako nagkakamaling si Zypher ang tumatawag sa akin mula sa labas.

'Ven!' What the freak are you doing here?!'

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya dahil sa hina ng aking katawan. Muli kong sinulyapan ang aking balikat kung saan tumama ang bala. Ilang minuto muli ang nakalipas nang bumalik na si Kimora pero sa ngayon kasama niya si Ven na nasa kanyang balikat at walang malay.

"Anong nangyari? Ven!" Namalipit ang aking balikat sa sakit.

"Nawalan siya ng malay dahil sa smoke bomb. Sorry, i have to go." 

"No! You should help us!" Pagpigil ko sa kanya.

Tuluyan niyang ibinaba si Ven na walang malay sa aking tabi at saka humarap sa akin. Tinitigan kong muli si Ven na walang malay at bakas sa kanyang itsura na pagod dahil sa kahahanap sa akin. 

'Sorry, Ven'

"They're gone. Ngayon kailangan niyong nang umalis pero hindi dapat ako kasama dahil madaming makakakita sa akin." Si Kimora habang nakatingin sa aking mga mata.

"Zypher!" Mabilis na tumakbo palabas si Kimora dahil sa sigaw ni Shequila mula sa labas.

"Kimora!" Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi siya bumalik.

Maya-maya'y dumating na si Shequila at Aella dahilan upang mabuhayan ako ng loob.

Mysterious AcademyWhere stories live. Discover now