👑👑👑👑👑
Matapos ang tagpo sa pagitan namin ni Krishna ay hindi na ko pumasok at nagpasyang pumunta sa Rehabilitation center ni Nanay.
Hindi man normal ang relasyon namin ni Nanay ay sya pa rin itong hinahanap ko ngayong nasa gitna ako ng controversy siguro ganun talaga kahit anong mangyari sa buhay mo hanap hanapin mo pa rin ang kalinga ng isang ina.
Nilibot ko nang tingin ang buong lugar ng Irenic rehabilitation. Napakaganda ng lugar na ito perfect para mag-relax isama mo pa ang sarap ng simoy ng hangin halos tatlong oras din ang byinahe ko makarating lang sa Irenic Rehabilitation center kung saan naka-admit si Nanay.
Kasalukuyan akong nakaupo sa bench ng garden ang sabi kasi ng staff ay may play activity ang mga pasenyenteng kinabibilangan ni Nanay.
Muli kong tinuon ang sarili sa pagmamasid napakaganda talaga ng lugar na ito, maraming puno, namukadkad sa ganda ang bulaklak, isama mo ang pari paru na maya't maya ang paglipad. Maging ang mga halaman ay sobrang luntian. Sa harap ko ay matatanaw ang ganda ng bundok. This place looks paradise nakakawala ng lungkot sa ganda ng lugar, mababait at maasikaso din ang mga staff. .
May mangilan ng ilan din akong nakikitang naglalakad na pasenyente pero pagnakikita nila ako ay kaagad silang umaalis, kadalasan kasi sa mga nandito ay taong may problema sa adiksyon at may depression.
"Ms Bulalakaw you can meet your mother na sa visitor area," magalang na wika sa akin ng isang babaeng nurse.
Naagaw ng pansin ko ang name plate nya na may nakalagay sa ibabaw na intern habang sa ilalim naman ay ang pangalan nito na Vicky.
Tumayo at sumunod ako dito.
Mula sa malayo ay natatanaw ko na nakaupo si nanay sa isang round table na may pangalawang upuan. Habang lumalapit ay nakikitaan ko na ng pagbabago sa aura ni Nanay, napakaaliwas ng mukha nito kahit na halos lagpas isang buwan palang sya dito. Nakangiti ito habang kumain ng sopas. Hindi ko maiwasang hindi magalak, tama talaga ang desisyon kong ilagay s'ya dito.
"Ma'am binibisita kayo ng anak n'yo," wika ni Nurse Vicky dito mula sa maaliwalas na mukha at napalitan ng pagka-asiwa ang mukha ni Nanay.
Nagpaalam ito kaya umupo ako sa katapat na upuan ni Nanay.
"Kamusta Nay," pangangamusta ko dito. Umirap ito at hindi man lang ako pinansin, na akala mo'y walang narinig.
Nagpatuloy lang ito sa pagkain.
"Ang ganda nyo ah," puri ko pa dito pero hindi pa rin ako pinansin.
I heave a sighed. Tumingin ako sa taas upang pigilan ang sarili kong maiyak.
Gusto kong yumakap sa kanya at sabihin na kailangan ko ng isang ina ngayon, na kahit ngayon lang maramdaman kong may Nanay ako.
Hindi ko na napigilan ang emosyon at pangungulila ko kaya tumayo ako at yumakap pero parang napaso ito at tinulak ako dahilan para matumba ako.
"Ano ba?!" Sigaw nito at pinapaganda ang kayang katawan.
"Sorry po," hinging paumanhin ko at muling bumalik sa pagkakaupo.
"Alam mo ayos naman buhay ko dito nagpakita ka pa!" Dahil sa sinabi nya ay doon na ako bumigay, naramdaman ko na lang na isa-isang naglaglagan ang mga luha ko.
"Bakit ba parang hindi anak ang tingin nyo sa akin?" Matanggal ko na itong gustong itanong sa kanya. Alam ko naman na bunga ako ng pagkakamali pero, bakit ako yung nagbabayad nun?
Pinunasan ko ang luha ko parang wala na kasi akong makita.
"Sana hindi nyo na lang ako binuhay kung ganito rin pala magiging trato nyo sa akin." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Punong puno na ko buong buhay ko trinato nya akong isang pagkakamali pero kasalanan ko ba yun? Ako ba talaga ang dapat magbayad. Araw araw kong pinagbayaran na nabuhay pa ko sa mundo, sa piling nya.
"Hindi naman talaga kita anak!" tila tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Nanay.
Ayan naman sya, ilang beses ko na bang narinig kay Nanay hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin pag-sinasabi nya yan kahit alam kung hindi totoo yun, na baka kaya nya lang nasabi kasi galit sya.
"Galit ka lang Nay kaya nasasabi mo yan," wika ko ngunit bigla itong tumayo at hinablot ang braso ko.
"Tanga ka ba! O nagtatangahan lang!'" napadaing naman ako sa tindi ng pagkakahawak ng braso nya.
"Hindi kita totoong anak! At nagsisi ako kung bakit kita kinupkop. Sana nga inabandona na lang kita o kaya naman binenta sa mga sindikato para hindi ako parang daga na nagtatago lagi sa pamilya mo." Walang ano ano'y tinulak ako nito dahilan para tumama ang pisngi ko sa gilid ng mesang katabi.
"Nurse Justine! Assist the patient!" Humahangos na dumating ang mga staff.
Dalawang nurse na lalaki ang humawak sa nagwawalang si Nanay habang inalalayan naman ako ng dalawa pang babae na staff na tumayo.
"Wag ka ng bumalik dito!" Sigaw ni Nanay habang hawak hawak ng dalawang nurse na lalaki.
"I'm sorry po,okay naman po ang sya kanina e," hinging paumanhin ni Nurse Vicky habang inanyayahan akong tumayo.
Pinasok nila ako sa Office at doon ginamot ang galos na natamo ko.
"Pasensya ka na Miss, intern palang kasi yun. " Hinging paumanhin sa akin nung head nurse habang nilalagyan ng betadine ang sugat ko.
"Okay lang po yun, wala namang kasalanan si Nurse Vicky," aniya ko dito naawa kasi ako narinig ko kasi kanina na pinapagawa ng Incident report dahil sa nangyari kanina.
"Medyo gabi na Hija may matutuluyan ka ba?" Tanong ni Nurse Gladys, yung nurse na gumamot sa akin. Tumango ako kahit wala naman akong matutuluyan. I wonder kung may terminal pa na bibiyahe, eh halos mag-aalas nuwebe na ng gabi.
Nang makalabas ako sa Rehab center ay bumungad ang nag-alalang si Zeus.
"Anong ginagawa mo dito? May klase tayo ah."
"I don't feel safe letting you be alone when in that shape," Sagot nito at lumapit sa akin.
"Where all these bruises came from?" Agad na tanong nito nang tuluyang makalapit sa'kin. Sinusuri nito ang pasa ko sa braso. Siguro kung sa mga ordinaryong panahong idadaing ko ang sakit ng pasa ko pero ngayon wala akong maramdaman parang manhid na ko. Manhid na ba katawan ko o masyado lang mabigat ang nararamdaman ng puso ko kaya parang wala na sa akin ang sakit ng katawanan.
"Wala 'to nadulas lang ako, by the way paano mo nalamang nandito ako?"pagbabago ko ng usapan at nauna sa sasakyan nya.
"Don't change the topic Hera, You're not okay, walang nadulas na may bakas ng kamay ang braso." Pinaharap ako nito pero yung braso kong may pasa ang nahawakan nya kaya napadaing ako.
"I'm sorry Bao Bao..." Yumakap ito at hinalikan ang noo ko.
Napayakap na lang ako dito kung meron mang magandang nangyari sa buhay ko ay si Zeus yun.
BINABASA MO ANG
Dear Zeus
Teen FictionDear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?