Nang tuluyan kaming makapasok sa perya ay kaagad ko s'yang hinila papunta sa booth ng toss coin.
Dumukot ako ng bente pesos saka pinapalitan ito ng barya doon sa nagbabantay ng booth.
"What will you do with that?" nagtatakang tanong nito matapos iabot sa akin ang mga barya..
"Ihahagis ko dyan tapos kailangan makapasok sa loob ng square na yan parang ganito oh." paliwanag ko dito saka hinagis ang piso ko subalit nakasampung piso na ako ay wala pa rin akong naipasok.
Malas! dati naman pagnaglalaro ako nito nakaka- shoot ako.
"Tapos pagmay naipasok ka sa square na may number bibigyan ka ng pera, kung anong number yun yung din yung premyo mo at pagputi naman bibigyan ka ng baso at yung iba naman kulay pwedeng pingan,pitser,soft drink o junk food," dugtong ko.
"Ah okay, Pahinging piso." Inabutan ko 'to ng piso pagakahagis nito ay kaagad itong naka-shoot sa number 8 kaya kaagad itong inabutan nung nagbabantay ng walong piso.
"It just a piece of cake," komento nito saka ngumisi sa akin. Napairap na lang ako dito. Bakit first try palang e nakakuha na ito?
"Tsk alam mo yung salitang shamba," pang-aasar ko dito at naghagis muli ng barya subalit hindi pa rin ito pumasok. Ano ba yan?! dati naman ay magaling ako dito. Madalas nga ay dito ako nakakukuha ng baon ko kasi lagi akong nakaka-shoot. Feeling ko inagaw ni Zeus yung luckiness ko dito.
Muli itong naghagis ng piso na kaagad namang pumasok sa number 10 hanggang sa nakadose na ito ng hagis ng barya na walang mintis. Tumingi ito sa akin ng puno ng pagmamalaki akala mo naman One million ang panalunan kong tumingin. Proud na proud ang loko sa sarili.
Pero in fairness magaling mag-shoot si Zeus walang mintis kung hindi nga lang 'to anak mayaman ay iisipin kong laman ito ng perya tuwing may malapit na fiestahan.
"I-shoot mo nga yan sa may salitang pinggan," paghahamon ko habang kinakain ang napalalunan nitong piatos kanina. May hawak din akong C2 na napalunan din nito.
Pagkahagis ng piso ni Zeus ay sa number 9 ito napunta.
"Sayang!" reklamo nito. Kaagad na sinungkit ni Ateng buntis yung piso ni Zeus sa number 9. Hinintay namin ito na ibigay ang premyo namin pero mukhang nakalimutan kami nito sa dahil dami ng naghahagis ng piso.
"Ate yung premyo namin?" tanong ko dito pero inirapan lang kami nito.
Ay attitude naman nito.
"Hindi naman sumakto yung piso nyo kanina," Pagtataray nito. Ano daw? Anong hindi sakto?
"Uy sakto kaya!" pagtataray ko din aba saktong sakto naman kanina kinuha nya nga lang kaagad kanina pero sure na sure ako na sakto yun.
"Hind nga sakto." Sasagutin ko na sana si ateng taga bantay ng kinabig ako ni Zeus sa papalapit
"Bakit?" tanong ko dito.
"It's okay." Napamaang ako sa sinabi nito. Bakit okay lang sa kanya? Seryoso okay lang sa kanya? He is Zeus. The mighty always righteous Zeus isa sa mga bansag ng mga student sa Consunji High. Sobrang higpit kasi nitong Student Leader sa school. Naalala ko nga ng minsan itong sugurin ng isang senador sa school dahil sa anak nitong nakaalitan ni Zeus sa school. Knowing Zeus mantra nito ang "A rules are rules" as if papatinag 'to. Hindi man lang ito nasindak nang hamunin nito na ipu-full out lahat ng investment nito sa Consunji High. Ang balita ay napahiya lang ang senador sa huli sa mga sinabi ni Zeus.
Kaya bakit okay lang sa kanya na niloloko kami dito?
"Calm down. She's pregnant," Bulong nito sa akin. Napatingi ako muli kay Ateng tagabantay. Ay! buntis nga pala ito.
BINABASA MO ANG
Dear Zeus
Teen FictionDear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?